"Eros, shapelift into a sea creature, anything will do, as long as it can fight.", seryosong utos ni Caiele. Tumango si Eros at sinunod ito. Nagbago ito ng anyo at naging isang nilalang mula sa dagat. Mahaba ito at parang nakalapat ang katawan. Sa pagkakaalam ko Frilled Shark ang tawag sa gantong hayop sa mundo ko.

Sumugod agad si Eros nang makapagpalit na ito ng anyo. Hindi na masyadong nahirapan si Victoria dahil isa na lang ang kinakalaban nito hindi katulad kanina na daladalawa.

"Ethan, sprout some seaplants then use it to tangled the two sea creatures.", utos muli ni Caiele. Agad naman itong sinunod ni Ethan at bigla na lamang may tumubo na halamang dagat mula sa ilalalim. Pumulupot ito sa dalawang pating at tinali iyon. Nahirapan ito gumalaw kaya mas nadalian ang pag-atake ni Eros at Victoria.

"Nikole, use your sword. Your bow and arrow are useless in underwater.", muling utos ni Caiele. Napapansin kong pinangungunahan niya lang ang iba. Alam kong hindi niya pwedeng gamitin ang lazer niya dahil gawa ito sa apoy at init kaya't walang talab ito sa ilalim ng tubig. Napansin ko namang tinaasan ito ng kilay ni Nikole.

"Pwede namang sabihin mo na sword ang gamitin ko. Bakit kailangan may pa-useless.", mataray na saad nito.

Tinitigan lang ito nang masama ni Caiele. Sumunod na lamang si Nikole at nagpalabas ng espada at inatake agad ang mga pating. Tatlo na lang kaming natira dito at walang ginagawa. Si Caiele naman ang nagisip ng gagawin ng iba kaya may ambag na rin ito. Ako rito nakatengga lang.

Sinulyapan ko si Caiele, pinapanood nito makipaglaban ang iba pero tingin ko ay may malalim itong iniisip, parang may pinaplano. Naisip ko ang abilidad nito, hindi ko pa ito nakikitang gumamit ng abilidad. Sa pagkakaalam ko ay may kakayahan itong kumuha at mamigay ng kapangyarihan, kaya gusto ko malaman kung paano niya gagamitin ito.

"Have you seen that kind of animal before?"

Natigilan ako nang bigla ako nitong kausapin. Ilang sandali bago ako sumagot dahil kakabalik ko lang sa wisyo. Hindi pa ako nakakakita ng pating sa personal pero may nababasa ako tungkol sa kanila. Tumango ako kaya't nagtaka ito.

"You have? Where?", muling tanong nito.

Kumunot ang noo ko, hindi pa ba siya nakakakita nyan? Kaya ba sea creatures ang tawag niya? "Sa litrato lang ako nakakita ng mga pating."

Mas lalong nagtaka ang mukha nito. Panigurado'y hindi niya alam na pating ang tawag sa hayop na 'yan.

"P-pating? What's that?", told yah.

"Iyan ang tawag sa hayop na 'yan. Shark sa wikang Ingles.", paliwanag ko.

Napalingon ito sa pating. Hindi ba nila alam ang tawag sa mga hayop? Napabuntong hininga ako nang maalala na nasa ibang mundo ako. Nasa ibang mundo dahil kahit sa ilalim ng tubig ay nagagawa kong bumuntong hininga.

"Do you know any of its weakness?", tanong muli ni Caiele.

Napaisip ako. Sa mga nabasa kong libro dati ay mayroon itong tatlong kahinaan, ang mata, ang hasang nito, at ang nguso. Ang nguso nito ang pinaka-sensitibong parte nito.

"Tatlo lang---"

"You two, look!"

Nabigla ako sa pagsigaw ni Rhaine. Napatingin kami ni Caiele sa gawi ng iba pa naming kasamahan. Nakapiglas ang dalawang pating mula sa halaman na pinatubo ni Ethan, sugatan si Eros kaya bumalik ito sa dating anyo, pagod na rin si Victoria dahil sa sobrang paggamit nito ng build, nahihirapan na rin si Nikole. Kailangan may gawin ako.

"Ethan, use your plants again but make sure to tie it in its snout! Victoria, use your ability to attack the gills and Nikole, slash the eyes!", sumakit ang lalamunan ko sa pagsigaw pero pinabayaan ko iyon dahil kailangan naming matalo ito. Tumingin sa akin ang tatlo at tumango. Agad naman nilang ginawa ang sinabi ko.

NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETED) Under EditingWhere stories live. Discover now