Buong klase akong di nakapag focus dahil ramdam na ramdam ko ang presence nya sa tabi ko. Coincidence daw? Bakit pakiramdam ko sinadya ang lahat? Alam na kaya to ni Renz?
Just as he crossed my mind, sakto namang nakita ko ang imahe nya sa labas ng room namin pagkalabas na pagkalabas ng prof. namin. Its our lunchbreak already. Di ko man lang napansin ang oras sa dami ng iniisip ko.
I was about to go out ng magulat ako sa presensya ni Renz sa harap ko. Ang damuhong to, wala talagang modo. Pasok ng pasok sa room namin kahit di naman dapat. Tsk.
“ Ang tagal mo. Kanina pako naghihintay sa labas. “ nakasimangot nyang sabe saken. Kanina pa? ni hindi ko man lang sya napansin. At saka kasalanan ko ba yun? Sya tong naghintay eh alam nya naman oras ng tapos ng klase ko. hmpf.
Susungitan ko sana sya tulad ng usual na ginagawa ko ng maalala kong nasa school nga pala kame at maraming mata na naman ang nakatingin. Ganyan naman lage ang eksena pag pinupuntahan ako ni Renz dito. Attention grabber talaga tong mokong na to eh.
“ Hindi ko naman alam na pu--- “
“ Ren-Ren… “ di ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil biglang sumingit si Nathalie na nasa gilid nga lang pala namin. Nakita kong napatingin si Renz sa side nya pero mukha namang di na sya nagulat. Pakiramdam ko alam nyang andito si Nathalie. Malamang nakarating na sa kanya ang balita. Parang biglang sumama ang loob ko. Pakiramdam ko pinuntahan nya lang ako dito dahil nalaman nyang andito ang ex nya.
“ Stop calling me that. What do you want me to do? Call you Nat-Nat? Come on, Nathalie, its all in the past. Isa pa di na tayo mga bata. Ren-Ren and Nat-Nat sounds childish. “ kung grumpy na si Renz saken, mas lalo kay Nathalie. Napakunot ang noo ko. What is happening between them? Seems like they are not in good terms. Especially sa side ni Renz.
“ O-Okay. I will not c-call you that again. Uhm, can we have lunch together? I mean, just for the old times sake. Its my first day din kase dito, and wala pa akong kilala. “ she said while sweetly smiling after makarecover sa pagkapahiya dahil nga sa sinabi ni Renz.
“ I’m sorry but I’m gonna have my lunch with Cassidy. Come on, babe. “ di na ko nakaangal pa ng hawakan ni Renz ang kamay ko at hilahin ako palabas ng classroom. Hindi ko alam pero parang gusto kong maawa sa mukha ni Nathalie ng lingunin ko sya. Tila sya maiiyak na ewan. So tama nga ako. Obviously, gusto nya pa din si Renz.
Di naman ako dinala ni Renz sa cafeteria na usual naming kinakainan kasama nila Dette. Dito nya ako dinala sa garden. Umupo kame sa ilalim ng malaking puno.
“ Uhm.. di ba tayo mag-lunch? “ basag ko sa katahimikan dahil nanatili lang syang tahimik habang nakasandal sa puno at tila malalim ang iniisip. Naninibago talaga ako sa side nyang ganito. Mas sanay akong maloko sya at maangas.
“ Nathalie Madrigal is my ex. We’ve been together for 3 years. “ nanatili akong tahimik. So he’s finally opening up? Gusto ko man sabihin na ok lang, hindi nya kailangan mag explain dahil di naman nya ako totoong girlfriend, a part of me still wants to know what happened.
“ We broke up when she decided to choose her career over me. “ pagpapatuloy nya ng hindi ako umimik. Naalala ko tuloy ang sinabe nya noon sa akin kung bakit ako ang napili nya magpanggap as her girlfriend. He said that he wil not fall for me. Not for a celebrity like me. That time, napaisip ako kung may galit ba sya sa mga celebrity. Now I know the reason why.
YOU ARE READING
I'm A Nerd AND I'm Famous!
Teen FictionCassidy Victoria Moore (Irene of Red Velvet) An eighteen year old college girl living an upside down yet normal nerdy life, & at the same time, a fabulous & successful celebrity life?! How possible it can be, right?! Well, believe it or not, Cassi...
Chapter 23 : Hurt?
Start from the beginning
