Chapter 13: Here To Stay

268 8 1
                                    

Jerry's POV

Nakahilata ako sa kwarto ko ngayon. Wala akong magawa, wala ako sa mood para gumala, inis pa rin ako kay Jessie!

Nakatulala lang ako sa kisame nang may kumatok. "Pasok" walang ganang sabi ko.

"Jer" tawag ni Nick. Pumasok siya at umupo sa may paanan ng kama ko.

"Bihis ka ata? San punta mo?" tanong ko nang mapansing nakaporma siya.

"Ah eh, m-mga kaibigan lang" nakaiwas na sagot niya.

Napataas ang kilay ko sa kanya. "Kaibigan?! Magkikita lang kayo nila Paul, poporma ka pa?" takang tanong ko.

"Ah? Ano kasi... Hindi sila Paul at Spencer" ba't kinakabahan tong lokong toh?! Teka, nakaporma siya, tapos kinakabahan, tapos di daw sila Paul ang kikitain niya?!? Oh.My.God!

"Wag mo sabihing may kadate ka Nicholas?!?" agad akong napatayo este napaupo pala dahil sa naisip ko.

Takte! Biglang namula ang loko sabay iwas ng tingin! "So may kadate ka nga? Hahaha" lumapit ako sa tabi niya.

"Jerry naman eh, nakuha mo pa akong tawanan, kita na ngang kinakabahan ako eh"

"Hahahaha, Nick naman! Gangster ka! Isa sa mga 'matured' na Hearthrobs! Tapos isang date lang kinakabahan ka?? Ano ka ba?! Di ka tumulad sa bestfriend mong si Joe na kapag may date, parang natural nalang!" natatawang sabi ko.

"Eh pareparehas naman nating alam na ginagamit ni Joe ang pangalan ni Adam dati nung nakikipagdate pa siya, kaya nasanay na siya!" oo nga pala, nung high school, kapag may kadate si Joe, ang pakilala niya sa kadate niya, siya si Adam para ayos lang na magkamali, tapos ayun hanggang sa nasanay na siya sa mga dates. Ngayon di na niya ginagamit ang pangalan ni Adam kapag may date siya.

"Eh sabi naman kasi sayo, gawin mo din yun! Di naman ako magagalit kung gagamitin mo ang pangalan ko para makahanap ng babae eh" sermon ko sa kanya. Ayaw kasi niyang magpakilalang ako. Maling mali daw kasi yun.

Natatakot kasi siyang matulad kay Joe, may isang babae kasing nakadate si Joe, tinamaan daw si Joe dun ng sobra, yun nga lang, ang alam nung babae, siya si Adam. Ang alam ko may nangyari pa nga ata sa kanila eh, tapos after nun, nabalitaan nalang namin na nakipagbreak na si Joe dun sa babae. Di niya sinabi samin kung bakit, di niya rin ata naamin dun sa babae na siya si Joe at hindi si Adam. Yun din ang huling beses na ginamit ni Joe ang pangalan ng kakambal niya. Wala saming nakakita sa itchura nung babae, pwera kay Adam na once sinundan si Joe sa date nila nung girl.

"Eto na naman ba ang pagtatalunan natin? Eto na nga oh, may date na ko, di ko na kailangan magpanggap na ikaw" sabi niya. Ewan ko dito kay Nick, napakatorpe. Pero buti na rin na torpe siya kasi pag nagkataon, baka nagkalakas na ng loob toh na agawin si Jessie sakin.

"Sabi ko nga eh. Oh eh bakit ka pala nandito? Para pamukha sakin na may kadate ka habang ako nagmumukmok dito?! Kaya ko din makipagdate noh! Lecheng toh!" inis na sabi ko.

"G*go!" sabay hampas sakin ng unan. "Di ko gawain yun noh! Tulad mo ko sayo. Kaya ako nandito kasi gusto kong itanong sayo kung ano nang nangyari sa inyo ni Jessie. At dahil nga sabi mo, nagmumukmok ka, I guess hindi pa rin kayo ok. Malala kayo ngayon huh, may third party eh"

"Lagi namang may third party huh? Kaya nga kami laging nag-aaway diba kasi kung di siya yung may lalaki, ako yung may babae. Malala lang ngayon kasi naghamon yung lalaki niya" tanga talaga nitong si Nick madalas.

"Ba't di mo pa kasi amining gusto mo siya?? Di yung ganyan kayo ng ganyan??"

"Para saan pa?? Eh kahit ano namang gawin namin, sa dulo, ako pa rin yung ipapakasal sa kanya, AKIN PA RIN SIYA" sabi ko.

You Are My Gangster BestfriendWhere stories live. Discover now