Chapter 2: Liane Mercado

320 10 8
                                    

James' POV

No!! It's just so freakin' imposible!! Hindi!! Ayoko!! Hindi pwedeng maging bestfriend ko ang babaeng yun!!

"James, huminahon ka nga muna sandali!" napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang boses ni Liane. Nawala sa isip kong hawak ko nga pala ang kamay niya at nakakaladkad ko na siya.

"S-sorry Liane"

"Ok lang. Ano ba kasing nangyayari sayo?" tanong niya.

"Wala, tara kain na tayo. Alam kong gutom ka na" sabi ko tapos naglakad na ako papuntang canteen.

~~~

"James, may problema ka ba?" biglang tanong ni Liane habang kumakain kami. Napatigil ako sa pagkain at tumingin sa kanya.

"Huh? Bakit?"

"Kanina ka pa tahimik at wala sa sarili" malungkot na sabi niya.

"Madalas naman akong tahimik diba? Wala ng bago dun Liane, ano ka ba? You're overthinking things" sabi ko tapos bumalik na sa pagkain.

"Is it because of that girl?" mas lumungkot ang mga mata niya pagkatanong niya nun.

"Are you jealous?" pang-aasar ko sa kanya nang may kasamang nakakalokong ngiti.

"James naman eh!! Seryoso ako!" parang batang sigaw niya.

Ngumiti ako sa kanya. "You're my girlfriend, even if I accept her as my bestfriend, nothing would change, so quit thinking about her and finish your lunch" sabi ko sabay gulo sa buhok niya.

"Ikaw nalang ang meron ako James, wag mo kong iiwan please" seryosong sabi niya. Napatigil ako saglit sa sinabi niya pero agad din akong ngumiti. "Hindi kita iiwan Liane. Tigilan mo na ang pag-iisip ng ganyan bago pa ako mawala sa mood"

Ngumiti na siya at bumalik sa pagkain, pero alam kong iniisip niya pa rin ang babaeng yun. Ano nga bang dapat kong gawin?!

Hindi!! Malinaw sakin ang dapat kong gawin!! Hindi dapat ako magdalawang isip!! Hindi ko kilala ang Kiane Kaira na yun!! Si Liane ang pipiliin ko!! Walang iba! Siya lang!!

Pagkatapos naming kumain, hinatid ko na siya sa building nila, may isang subject pa kasi siya. Ako naman may dalawang subject pa.

Pagkapasok ko sa classroom namin, nagtaka ako dahil wala ni isa sa barkada. Asan kaya ang mga yun?!

Yaan na nga, matutulog nalang ako buong klase.

Liane's POV

Pagkapasok ko ng classroom, nagtinginan lahat ng tao sakin. Galit sila sakin, alam ko naman yun eh.

Lahat sila ayaw sakin. Ayaw nila akong maging kaibigan dahil girlfriend ako ni James. Oo, alam nilang hindi ako ang Kiane na totoong girlfriend ni James. Inannounce ni Spencer sa buong campus na walang dapat magsabi kay James ng totoo at ako na ang kikilalanin nilang girlfriend ni James.

FLASHBACK

"Teka lang mister! Hindi ako girlfriend ng kapatid mo!! Isa pa, Liane ang pangalan ko at hindi Kiane!!" sigaw ko dun sa Spencer Villanueva bago siya makalabas ng kwarto. Tulog na yung James eh, pinainom ng pampatulog kaya kahit magsisigaw ako dito, hindi siya magigising!

"Liane? Liane ano?" seryosong tanong niya.

"Kasandra Liane Mercado" sagot ko.

"Yung K nagmula sa Kasandra, yung iane nagmula sa Liane, pero pagkalabas ni James dito, sabihin mo sa kanyang ayaw mo nang tawaging Kiane at Liane na ang itatawag niya sayo" paliwanag niya.

You Are My Gangster BestfriendWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu