Chapter 9: Fairytale-like

237 6 1
                                    

Lance's POV

I can definitely say that I am the happiest guy on earth. Why? Kasi nasa akin na lahat ng gusto ko. Nasa akin na yung kailangan ko. At hindi yun pera, damit o kahit ano pa man. It's none other than my girlfriend.

Yes, Princess, herself, is the only one I need for my life to be complete. I can't even imagine myself without her in the future. Baka ikamatay ko kapag nawala siya sakin.

Isipin niyo huh! Nung una, ni hindi ko siya malapitan. Hindi ako makapagtapat. Pero ngayon, ano?! Kami na at akin na siya! Parang ang hirap paniwalaan pero totoo eh!

"Uy Panget! Ba't nakangiti ka dyan? Anong iniisip mo huh?" tanong ng Prinsesa ko pagkaupo niya sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa condo namin ng kakambal ko. Speaking of kakambal, nasan kaya yung si Paul? Usually nauuna pa sakin umuwi yun eh.

"Ah wala. Iniisip ko lang kung pano nangyaring akin ka na. Baka kasi nananaginip lang ako eh" nakangiting sagot ko. Napangiti naman siya sakin nun. Ang ganda talaga ng Prinsesa ko!

"Asus! Kung anu-ano na naman iniisip mo! Hindi ka nananaginip kasi totoo toh! Girlfriend mo ako at boyfriend kita" masiglang sabi niya.

"Prinsesa ko..." tawag ko sa kanya. Tinitigan niya ako nang seryoso dahil seryoso rin ang titig ko sa kanya. "Pakasal na tayo" biglang sabi ko kaya nahilamos niya yung kamay niya sa mukha ko.

"Corny mo Lance!"

"Kinilig ka naman eh! Pero seryoso ako Princess, pakasal na tayo oh. Para wala na akong kaba na may aagaw pa sayo" niyakap ko siya kahit magkatabi kami, side hug lang.

"Wala namang makakaagaw sakin eh. Kasi ikaw Lance Posadas, ikaw lang ang minahal ko, minamahal ko, at mamahalin ko. Kaya wag kang kabahan. Baka ikaw nga dyan ang maagaw ng iba sakin eh" nakapout na sabi niya. Wait lang! Kinilig ako shet! Pero syempre di ko pahahalata yun. :p

"Hindi nila ako maagaw! Kung hindi lang din si Princess Rialonzo, ayoko nang mapunta pa sa ibang babae" bulong ko sa kanya.

Humarap siya sakin at tinitigan ako sa mga mata. Ba't biglang uminit?! Napalunok nalang ako. Then the next thing I knew, palapit na ng palapit ang mukha namin sa isa't isa. She closed her eyes so I did the same.

Sh*t! Ang bakla lang! Ba't ba pagdating sa kanya hindi gumagana ang pagiging playboy ko? I mean, I've kissed, hugged, felt and even tasted girls before but when it comes to her, it's like I'm a beginner!

We were an inch away from each other when I suddenly jumped off the sofa! -_-

"Jeez Paul! What the hell?!?" sigaw ko. Napatalon ako sa sofa kasi biglang sumara ng malakas yung pinto kaya nagulat ako.

Nagkibit balikat lang ang magaling kong kapatid. Anyare dun? Badmood? Bakit kaya?

"Mukhang wala sa mood si Paul huh?" tanong ni Princess nang bumalik ako sa tabi niya.

"Baka pagod lang. Tara hatid na kita. Nag-aayang uminom yung mga Villanueva eh, problemado ata?" aya ko kaya naman tumayo na siya at inayos ang gamit niya.

Pumunta ako sa may kwarto ni Paul at kumatok. "Tol, sasama ka ba sa bar nila Makki? Sabay na tayo huh, hintayin mo ko, hahatid ko lang si Princess sa bahay nila"

Ilang segundo pa, bumukas din yung pinto.

"Sama na ko, para diretcho na tayo sa bar" sabi niya at nagdiretcho labas na.

Magkahiwalay kami ng motor ni Paul pero ramdam ko talaga ang masamang aura niya. Ano kayang nangyari?

"Pano Prinsesa ko, bukas nalang huh? Goodnight, I love you" paalam ko.

You Are My Gangster BestfriendTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang