Chapter 45: HIS Everything

257 6 2
                                    

Dustin's POV

Nagsimula na yung first stage niya.

Getting drunk and causing gang fights.

At maski ako, natatakot sa second stage niya. Ano yung second stage niya?

Losing the light in his eyes.

Kung sa first stage, nawawala lang siya sa sarili kapag nalalasing, sa second stage, wala na talaga siya sa sarili niya. Para na siyang zombie na gigising sa umaga, papasok sa eskwela, iinom ng alak sa gabi hanggang masangkot siya sa mga gulo, and repeat the cycle.

Sa ngayon hindi pa naman namin nakikita ang second stage na yun, dahil tulog pa siya. Pero bukas ng umaga, malaki ang posibilidad na makita na namin.

"Sigurado ba kayong kaya niyo na siya?" nag-aalalang tanong ni Adam.

"Dito nalang din kaya kami matulog? Uuwi lang muna kami para kumuha ng damit tapos babalik din agad kami" dagdag ni Lance.

"Ano ba naman yung pagtulog sa sofa o sa sahig ng isang gabi diba? Sige na guys, dito nalang din kami" pamimilit ni Jerry.

"Kaya na namin toh guys. Kami na'ng bahala" seryosong sabi ni Spencer sa kanila.

Nandito kami sa unit ni James ngayon, sa salas niya, habang andun siya sa kwarto niya, tulog. Nauwi na namin siya dahil napagod na siya sa panggugulo sa bar na yun.

"Pero--" mangungulit pa sana yung tatlo pero pinigilan ko na sila.

"Magpahinga nalang muna kayo. Bukas, kailangan ko kayo with full energy to guard him. Sige na" utos ko kaya naman sumuko na sila at nagpaalam.

Pagkaalis nung tatlo, bumalik ako sa salas at umupo sa tabi ni Spencer na mukhang may malalim na iniisip.

"Thanks for ending up the argument" mahinang sabi niya. Tinutukoy niya yung pagpapauwi ko dun sa tatlo. Napansin ko kasing wala siya sa mood kaya naman di ko na pinaabot sa pagkabadtrip niya.

"So what are you thinking?" sumandal ako sa sofa. Pagod na ko pero di pa rin ako makapagpahinga dahil sa kambal na toh. Hays, pag ako nagkatigyawat, papatapon ko ang magkapatid na toh sa States eh.

"Alis na kaya tayo bukas? Para naman mailayo na natin si James sa kanila??" tanong niya sakin na parang namimilit na.

"Dude, alam mong di papayag si James. Isa pa, magpafinals na tayo, ang iniisip ko nga after nalang ng finals exam tayo umalis tapos buong bakasyon na tayo dun eh"

"Pero--"

"Pero baka mas lumala siya? In case you haven't realize couz', with or without them around him, he'll destroy everything. There's nothing we can do about it" malungkot na paliwanag ko sa kanya.

Sandali siyang napaisip sa sinabi ko. "Labas na muna ako, babalik nalang ako mamaya. Kumain ka na, wag mo na akong hintayin" biglang sabi niya habang tumatayo. Bago pa man ako makapagtanong, mabilis na siyang lumabas ng unit ni James.

"Anyare dun?" napakamot nalang ako ng ulo.

Bahala na nga, wag ko na daw siyang hintayin, edi wag. Nagugutom na ako, magpapadeliver nalang ako ng pagkain.

Spencer's POV

"Sandali lang ho, tatawagin ko muna siya" sabi ng isang kasambahay tapos umalis na siya.

Umupo ako sa sofa. Ilang sandali din akong naghintay dun.

"What's up?" kunot noong bungad ni Viel nang lingunin ko siya.

Tumayo ako para magbigay galang since mas matanda siya sakin at nasa bahay nila ako.

"What's with the bowing crap Villanueva? What do you want?" diretchang tanong niya pagkaupo niya sa harapan ko.

You Are My Gangster BestfriendHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin