Chapter 3: MY Boyfriend!!

295 10 0
                                    

Elijah's POV

Sumisikip ang dibdib ko ngayon! Nahihirapan akong huminga!! Napahawak nalang ako sa may puso ko.

"Eli ok ka lang ba?!" nag-aalalang tanong nila Makki sakin.

Hindi ako sumagot at tumayo lang. Naglakad ako papuntang pintuan. "Saan ka pupunta Eli?" tanong ni Shane sakin.

"Ayokong nakikitang umiiyak ang prinsesa ko. Kung iiyak lang din siya, sana hindi nalang kami umuwi dito. Wala rin naman palang magbabago" sabi ko nang di sila nililingon.

"Sasamahan na kita Eli, baka kung ano pang mangyari sayo" alok ni Makki.

"Wag na. Teka, mali pala, may nagbago pala noh prinsesa ko? Kasi ngayon, mas masakit yung nararamdaman mo. Sana pala ginawa ko nalang lahat para mapasaya ka dun, kasi mas masasaktan ka pala pag umuwi tayo" sabi ko at tuluyan nang lumabas.

Naglakad ako patungong field. Hays! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana hindi nalang ako nagpumilit na umuwi. Teka, hindi kaya, ito yung dahilan kung bakit pumayag si Kairuz?! Alam niya kayang ganito ang mangyayari kaya pinauwi niya kami?!

Haaayyy!! Napakatalino mo talagang hay*p ka!! Napahiga nalang ako sa damuhan. Nakakamiss rin dito!! Ilang minuto rin akong nakatingin lang sa langit.

Napaupo akong bigla nang makita si James kasama yung babae niya! Ano nga bang pangalan nun? Miane? Ziane?! Ampangit naman!! -_- Ay tanga! Liane!!

Hindi ko alam kung bakit, pero agad akong tumayo at sinundan sila. Nakita kong hinatid niya yung Liane sa HRM building.

Ang weird lang, kasi diba nung high school kami, halos magpatayan na kami sa tingin ni James kasi super touchy kami parehas kay Kaira, pero bakit ngayon, ni hindi niya hawak ang kamay ng girlfriend niya habang naglalakad sila?! Oo, dala niya yung bag nung Liane, pero may gap talaga eh!! Tapos eto pa!! Pagkahatid niya, syempre expected nang ikikiss niya yung girlfriend niya kasi ang tagal na kaya nila!! Pero ni yakap wala eh, they just waved at each other then he left!!

Pagkaalis ni Villanueva, lumapit ako sa room nung Liane. Sinilip ko siya. Nasa dulong parte siya ng kwarto, ni wala siyang kausap. Mukhang ang sama pa ng tingin ng mga kaklase niya sa kanya. Bakit kaya? Kumatok ako kasi may prof na sa loob eh.

"Yes, may I help you?" tanong nung prof sakin. Ngumiti ako ng sobrang tamis sa kanya. Hindi niya siguro ako kilala since ilang buwan lang naman akong nag-aral dito sa AU nun. Pero yung mga estudyante, nagbulungan na, yung ibang babae tumili pa. Syempre, bihira ako ngumiti noh!!

"Hi, ahm, I'm Elijah Dizon. One of the Green Dragons, a friend of Thalia Olivas" pagpapakilala ko. Nagulat naman yung expression nung prof. Syempre, pag si Thalia na binanggit mo, tiklop na mga prof niyan. Astig nga eh! Parang ako lang sa Arellano High, haha.

"Oh, so what can I do for you Mr. Dizon?" sabi niya. Tumingin ako sa mga students.

"I was just wondering if I could sit in your class?" tanong ko. Bulungan na naman yung mga students, naiirita na ako sa totoo lang.

"Sure, you may sit anywhere you like" kaya ayun, pumunta na ako sa likod. Sa part kung saan nag-iisa lang yung Liane na yun.

"Ano ba yan?! Ang daming seats bakit sa tabi pa nung fake na yun?!"

"Gaga! Baka babantaan niya yung fake na lumayo na sa boyfriend ng prinsesa niya!"

"O baka naman aakitin niya para makuha na ulit ni Miss Kaira si Prince James?!"

Rinig kong bulungan ng mga tao sa paligid bago ako umupo sa tabi nung Liane. Nakita ko yung Liane na napayuko nalang. So kaya pala, alam nilang nagpapanggap siyang girlfriend ni James. Pero bakit hindi siya lumalaban?!

You Are My Gangster BestfriendWhere stories live. Discover now