Chapter 19: Messed Up

258 9 2
                                    

Lance's POV

Who would have thought that the guy who's just trying to help us with our problems, turns to be the one who has the biggest problem?

Nandito kaming lahat ngayon sa cottage namin, di pa din bumabalik si Adam pero hindi namin pinaaalis tong mag-ina.

"Miss, can you tell us your name?" tanong ni Spencer. Nakayuko lang yung babae eh, yung bata naman tahimik lang na nakatingin saming lahat.

"I'm Maddy, Maddison Rivera. And this is my son, Adamson Joe" pakilala niya.

"Is he Adam's son?!" -James

Tumango yung babae. Nagsisimula na namang maiyak si Jenny.

Kung titignan tong Maddy na toh, malaki ang posibilidad na naging babae nga siya ni Adam nung mga oras na playboys pa kami. Bakit? Kasi napakaganda niya, sexy at mukhang matitipuhan ng kahit sino saming mga Badboys.

"The kid looks more like Joe instead of Adam if you ask me" komento ni Kaira.

"Maybe it's because he looks like a good boy" sagot naman ni Nick.

"Bata, ilang taon ka na?" tanong ko dun sa bata.

"Almost three!" masiglang sagot niya.

"So nabuo siya nung time bago maging fiancee ni Adam si Jenny?" -Paul

"Teka, kung anak nga yan ni Adam, bakit hindi niya alam? Bakit hindi mo sinabi?!" -Dustin

"Natakot akong sabihin sa kanya dahil alam kong isa siyang playboy at napagkasundo na siya sa ibang babae. Natakot akong baka hindi niya akuin ang bata" nagsisimula na ding maiyak yung Maddy.

"Mama why are you crying?" inosenteng tanong nung Aj sa mama niya.

"Hey, Aj, right? Wanna take a ride on my motorcycle?!" parang batang alok ni Makki para makausap namin yung Maddy nang maayos. Us, Badboys, are thankful that the Dragons are here with us.

Tumingin si Aj kay Maddy na nagtatanong kung pwede ba siyang sumama, tumango lang si Maddy tapos hinalikan si Aj sa noo. Excited namang lumapit si Aj kay Makki at umalis na sila.

"Imposibleng anak ni Adam ang batang yun Miss! Hindi kami pumapalya kaya imposible talaga!" hindi na napigilan ni Jerry ang sarili at nasabi niya ang kanina niya pa pinipigil na masabi. Ayaw kasi naming masaktan yung bata.

"Anak niya si Aj, naging girlfriend niya ako bago kayo iengage!" -Maddy

"Oh sige, pwede ngang naging girlfriend ka niya! Pero hindi ibig sabihin nun na kanya na ang anak mo!" tumataas na ang boses ni Jerry. Alam kong ayaw niya lang na mapahamak ang bestfriend niya.

"Kanya si Aj! Alam kong natatandaan ako ni Adam dahil alam kong minahal niya ako!!" iyak ni Maddy.

"Hah! Dyan ka nagkakamali miss!" nakasmirk na sabi ni Jerry.

"That time, he may had s*x with you, but he didn't made love, he only f*cked you. 'Cause at that time, we never knew love" seryosong sabi ni Dustin.

"Hindi!! Alam kong minahal niya ako!! Naramdaman ko yun!!"

"Kung alam mo naman palang minahal ka niya, bakit mo naiisip na hindi niya paninindigan ang bata? Mga rebelde kami sa parents namin miss, kung mahal ka niya, ipaglalaban ka niya kahit kanino" pati si James nakisali na sa usapan.

"Dahil ayokong sirain ang buhay niya" natigilan kami sa sinagot niya. Kung hindi namin alam kung gaano kamahal ni Adam si Jenny, malamang siya na ang binoto namin kay Adam.

"Since wala si Joe dito para ayusin ang lahat, makikielam na muna ako, ipapaDNA natin ang bata, kapag nagmatch sa dugo ni Adam, tsaka na natin pag-usapan kung anong gagawin, and at that time, we need Adam to be with us" biglang sabi ni Nick.

You Are My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon