Chapter 21: Fallen Of The Angels (Third Angel)

393 8 17
                                    

Adam's POV

Gabi na pero gising pa rin kaming mga Badboys. Sila Viel, Makki, Nate at Jason kasama rin namin dito sa may pool. Tulog na yung iba pa, si Shane naman wala pa daw sa mood ngayon kaya nasa kwarto lang nila, yun ang sabi ni Makki.

Teka asan pala si Lance? Kanina pa kami dito at siya lang ang wala!

Maya maya pa, speaking of an angel, nakita namin siyang naglalakad papalapit samin. Ok naman na ang lahat after ng epic na plano namin kaya nandito kami at nakatambay, though medyo wala sa mood si James (wala kaming idea kung bakit) kaya naglalaro lang siya sa phone niya, pati sila Dustin at Jerry dahil nga sa plano na nabuking nila tahimik lang.

Nagulat nalang kami nang paglapit ni Lance samin, naglapag siya ng maraming cans ng alak.

"Samahan niyo kong uminom" sabi niya.

"Naglalaro ako, wag kayong istorbo" masungit na sabi ni James habang sa phone niya pa din nakatingin.

"Uy maaga tayong aalis bukas, bukas ka nalang mag-aya pagkatapos ng klase" sabi ni Makki.

"Oo nga, pupunta pa akong ospital uy--"

"Wala na kami ni Princess" walang kabuhay buhay na sabi niya. Nagulat kami, ngayon lang din namin napansin na namamaga ang mga mata niya, para siyang umiyak?

Napaayos kaming mga Badboys ng upo. Si James naman, itinago yung phone niya at humarap na samin.

"Malaya ka na din! Inuman na!!" sigaw nila Dustin kahit alam kong pinapagaan lang nila ang loob ni Lance. Ano kayang nangyari? So, totoo nga yung sinabi ni Lance?!

Pero sino yung other guy ni Cess?!

Ayun, pati sila Makki napainom na din. Gustong gusto na namin nila Dustin na magtanong pero alam naman namin na mahirap pa para kay Lance na mag-open. Lalo na ngayon na lasing siya, alam na alam namin kung gaano kasakit ang nararamdaman niya, dahil habang lasing siya, ito lang naman ang paulit ulit na sinasabi niya.

"Pano ako magiging masaya para sa kanila?! Kung sa pag-iwan niya sakin para na rin niya akong pinatay!! Pano ba maging masaya kahit patay ka na?!" yan ang paulit ulit niyang tinatanong habang umiiyak.

Kaya ang ending, lasing ang apat na Badboys, at tatlong GD. Ako at si Viel nalang ang gising ngayon dahil di kami masyadong uminom. Pupunta pa nga kasi ako sa ospital para dun sa DNA test.

"I'm guessing hindi mo ako tutulungan maghatid sa kanila" komento ko.

"Ok din naman pala kayo eh" napatigil ako sa pagtayo nang sabihin ni Viel yan.

"Huh?"

"Akala ko sa saya lang kayo magkakasama. Mali pala. Kasi kanina, kahit halatang wala sa mood yang tatlo mo pang kaibigan, nung marinig nila na kailangan nitong isa ng karamay, parang kinalimutan nila yung mga problema nila at nakisama nalang dito sa iyakin na toh" paliwanag niya. Ngumiti nalang ako sa kanya.

"I don't know if I should be saying this but... Nung bitawan ni Villanueva yung phone niya para damayan tong isa, nakita ko si Eli sa kanya" napatingin ako kay Viel nang sabihin niya yun. "Maybe it's because, tulad ni Eli, mukha siyang walang pakialam sa iba pero kapag kailangan na siya ng mga kaibigan niya, nandyan siya para tumulong" this would be the first time na marinig ko si Viel na magsalita nang mahaba at walang halong pagkainis o pagmumura.

"Marami talaga silang pagkakapareho ni Elijah" nakangiting sabi ko. Ngumiti nalang din siya. Hindi ko alam kung bakit, pero nung mga oras na yun, habang nakangiti si Viel na nakatingin kay James, nasabi ko nalang sa sarili ko. 'Mali ka Kai, sabi mo hindi na nakakangiti ng tunay si Viel? Pero bakit ngayong nakatingin ako sa kanya habang nakatingin siya kay James, kitang kita ko na tunay ang ngiting nasa labi niya?'

You Are My Gangster BestfriendΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα