Chapter 23: The Fallen Angels

290 7 5
                                    

Kaira's POV

Tulad nga ng sabi ni Viel kanina, the fourth angel has fallen, that means the fourth playboy is back. Oo, sa maniwala kayo o sa hindi, tulad ng nangyari kila Dustin, Jerry at Lance, bumalik din si Adam sa pagiging playboy. -_-

Magkakaibigan nga sila, pare-pareho takbo ng utak eh.

"Kai!" nagulat ako nang biglang tumabi sakin si Spencer. Wala ba siyang klase?!

"Oh?" kung hinahanap niyo si Viel, katabi ko siya, tulog. Kaya di nanggugulo sa usapan namin ni Spencer.

"Wala lang. Tatanong ko lang sana kung may gagawin ka mamaya?" malakas na tanong niya. Lakas ng boses. -_-

"Wala naman, bakit?"

"Aayain sana kitang magdate" mas lumakas yung tanong niya ngayon. Pinagsisigawan niya ata sa buong klase na inaaya niya akong magdate eh.

"Ah eh... Nako, magagalit si Viel eh. Alam mo naman toh" sabi ko nang medyo gumalaw si Viel. Nagising ata sa lakas ng boses ni Spencer.

"Huh? Ano yun?" tanong ni Viel pero nakasubsob pa din sa desk niya.

"Aayain ko si Kaira na magdate mamayang gabi" nakangiting paalam ni Spencer sa kanya. Akala ko sisigaw na si Viel at palalayuin si Spencer pero pumikit lang siya sabay sabing "Yeah whatever, just make sure she's home by nine" habang yung kamay niya gumagalaw na parang may tinataboy na aso. (Alam niyo na yun, hirap iexplain eh)

"Ok" simpleng sagot ni Spencer.

"It's a date then. See you later" paalam ni Spencer sakin bago tumayo. Tumingin siya sa direksyon ni James sa may likuran ng room tapos nagsmirk at lumabas na. Nakita ko naman si James na sumunod sa kanya.

"Owkay?!? What's up with you?! Ni hindi ka tumutol, are you sick or something?!?" tanong ko habang inaalog ang natutulog na si Viel.

"Ka~i..." inaantok na awat niya sakin. Parang bata na umaangal, haha. Mas inalog ko pa siya. "Kai!! Stop it" sita niya kaya tumigil na ako.

"Ano ba kasi Viel? Alam mo minsan di kita magets eh! Minsan super seloso mo na ayaw mong may lumalapit sakin, pero minsan naman wala kang pakelam kung may katabi akong lalaki! Di ka tulad ni Eli na consistent sa pagiging seloso!" nakapout na sabi ko sa kanya.

"Kala mo lang wala akong pakelam, pero meron! Meron! Meron!" sigaw niya. Ginaya pa talaga yung tono sa movie (di ko matandaan kung anong movie).

Binatukan ko nga. "Aray little princess huh"

"Ano nga kasi?!?"

"Anong ano nga kasi? Akala mo ba madaling pumayag sa gusto nila?! Hindi noh! Pero pinipilit kong wag magreact kasi alam kong sa ginagawa nila, magiging masaya ka" natigilan ako sa sinabi niya. Minsan talaga matitigilan ka nalang sa mga salita nitong lalaking toh.

Napatitig ako sa mga mata niya, nakatitig lang din siya sakin. Then bigla, naramdaman ko na naman yung kakaibang feeling sa tyan ko. Ano ba toh?!? Bakit kapag napapalapit ako nang masyado kay Viel, nararamdaman ko bigla toh?!?

"Tsaka isa pa, ibibilin kasi kita sa kanila" napaiwas siya ng tingin.

"Ano?"

"Hays, I wasn't gonna tell you this pero nasabi ko na eh. Ibibilin kita sa mga Villanueva habang wala ako"

"Wala ka? Bakit?! May lakad ka mamayang gabi?? San punta mo?" takang tanong ko.

"Ahm, no little princess. Wala akong lakad mamayang gabi. Aalis ako mamayang gabi papuntang America. I'll be gone for a week or two" napahawak siya sa batok niya habang sinasabi toh nang nakaiwas pa rin ng tingin.

You Are My Gangster BestfriendWhere stories live. Discover now