Chapter 47: Loved You First

348 12 0
                                    

Kaira's POV

Pagkagising nila Makki, bumalik na kami sa AU. Ewan ko ba kung bakit pero parang biglang nawala sa mood si Makki.

Ni hindi siya nagsasalita tapos parang ang lalim ng iniisip niya. Nakayuko lang siya buong byahe.

Pagkarating sa Leisure room, sumalubong samin ang mga malulungkot na mukha ng mga Angels. Para tuloy ayoko ng pumasok.

"Oy Great Casanova! Alagaan niyo si Kai-kai habang wala kami huh" biglang sabi ni Dustin na ikinabigla ko dahil sa masiglang tono niya. No wait, hindi siya ganun kasigla, he's trying to be happy but there's doubt in his voice.

Dun lang din natauhan si Makki, kanina pa siyang nakayuko eh, na para bang ang lalim ng iniisip niya. Seryoso siyang tumingin kay Dustin.

"Can we talk Dust? Just the two of us?" tanong ni Makki. Sa sobrang seryoso ng tono ni Makki, pati yung ngiti ni Dustin nawala na sandali.

Pero pinilit ding ibalik ni Dustin ang ngiti niya. "Tungkol ba sa chicks yan tol? You asked the right person!! I knew it! Tatamaan ka rin sooner or later eh!" biro ni Dustin.

Pero hindi nagbago ang expression ni Makki. "Tara sa labas" yan lang ang sinabi niya at lumabas na.

Naguguluhan man, sumunod nalang si Dustin sa kanya.

"Anyare kay Makki?" tanong ni Nate samin ni Shane.

"Wala akong alam dyan! Si Kai-kai ang kanina pang katabi ni Makki eh" pagtuturo ni Shane sakin. Ayun, nagtinginan na sakin silang lahat at naghihintay ng paliwanag. I really wanted to hit Shane that time.

"W-wala akong alam dyan" tanging sagot ko.

Pero ang totoo, may naiisip akong dahilan kung bakit siya biglang nawala sa mood. Narinig kaya niya?? Paano kung oo?? Hindi na nila kailangang malaman yun!

"Oy" nabalik lang ako sa realidad nang makita ko ang mukha ni Spencer sa harap ko.

"H-huh?"

"Sabi ko, pwede rin ba kitang makausap?" pag-uulit ni Spencer.

"A-ahh, oo naman" walang salita, tumalikod na siya sakin at naglakad. Sinundan ko nalang siya.

Pero bago ako makalabas, tinapunan ko ng tingin si Jesler, he's just right there on one corner, sleeping like he cares about nothing.

Naglakad si Spencer, kasunod ako, hanggang sa canteen.

Pinaupo niya muna ako sa table ng barkada bago siya bumili ng kung anu-anong snacks.

Pagkalapag niya nung mga snacks, umupo na rin siya sa harap ko.

"Kain Kai" sabi niya nang nahalata niyang hindi ako kumukuha sa mga pagkaing nasa harapan namin.

Medyo awkward man, kumuha nalang ako. Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa magsalita siya.

"I know this might sound a little bit unreal, but I'm still gonna say it..." panimula niya. Napatigil tuloy ako sa pagsubo at napatingin sa kanya. "I'm not mad at you" casual na sabi niya sabay ngiti ng tunay. Natulala talaga ako nun!

H-hindi siya galit?? Hindi sila galit ni Dustin sakin??

"Sure, you're hurting my brother, but that can't change the fact that you're still special not just to me but to all three of us Villanueva's" paliwanag niya.

"W-why are you telling me this Spence?"

"Because when we get back, I know everything will be back to the way it used to three years ago" hindi ko alam kung bakit, pero nang marinig ko yan, biglang pumasok sa isip ko si Viel.

You Are My Gangster BestfriendWhere stories live. Discover now