Chapter 54: The Boys Are Back

230 10 4
                                    

Kaira's POV

Halos isang linggo lang at natapos din agad yung mini house namin. Para lang siyang kwarto pero ginawang hanggang second floor.

"You done there little princess?" tanong ni Viel. Nakita ko siyang nakatayo sa may pintuan ko.

Nagpout akong bigla. Lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko.

"Oh? What's with the sad face?"

"Isang linggo palang tayo dun sa mini house pero mamimiss ko yun. Mamimiss ko na naman tong mga bahay namin ni Eli" malungkot na sabi ko. Ginulo niya yung buhok ko.

"Another thing I learned from your brother is that people like us should never ever get attached to things. Bakit? Kasi lagi tayong umaalis, hindi tayo pwedeng mapirmi lang sa bahay. Ganun ang buhay ng mga business man. Malulungkot ka lang kung maaattached ka sa mga bagay. The only thing you can do is to enjoy those things while you're there" nakangiting sabi niya. Sinaniban na naman siya ng espirito ni kuya!

"Isa pa, mas gugustuhin mo bang magstay dito tapos yung mga kaibigan mo ang mamimiss mo? O babalik ka na ng Manila at etong bahay nalang ang mamiss mo?" napaisip akong bigla, oo nga noh! Mas importante yung mga baliw kong kaibigan.

Bigla na naman niyang ginulo yung buhok ko kaya sinamaan ko na siya ng tingin na tinawanan lang niya.

"Maghanda ka na, aalis tayo maya maya. Last night na natin dito sa Cavite" tumango nalang ako sa utos niya.

Maya maya, umalis na nga kami. Nakamotor kami since wala daw siya sa mood magkotse.

Huminto kami sa tapat ng isang resto.

Naging normal lang naman ang dinner namin. Yun nga lang, pinagtitinginan si Viel. Since normal nga ang dinner namin dahil wala siyang ginagawang kalokohan, ang daming nagagwapuhan sa kanya!

"Little princess?" biglang tawag niya sakin. Katatapos lang namin kumain, hinihintay nalang namin yung bill.

"Hm?" sagot ko kahit na may hinahanap ako sa bag ko. Asan ba yung phone ko? Baka kasi may gustong ipabili sila Makki eh, para di na kami mahassle bukas.

"Kaira" napatingin ako sa kanya nung tawagin niya ako sa pangalan ko. Nanlaki nalang bigla yung mata ko nung makita kong may hawak siyang gitara.

"Anong trip yan Viel?" natatawang tanong ko.

Ngumiti siya sakin ng sobrang lapad.

"Your fiance's trying to be sweet here" walang kahit anong bakas ng hiya sa mukha niya. Umayos siya ng tayo at nagsimula ng maggitara at kumanta.

(A/N: Please listen to I Want Crazy by Hunter Hayes)

I'm booking myself a one way flight
I gotta see the color in your eyes
Yeah, telling myself I'm gonna be alright
Without you baby it's a waste of time

Kung kanina, puro babae lang yung tumitingin sa kanya, ngayon lahat na ng tao dito sa restaurant nakatingin sa kanya! Isang Saviel Dizon ba naman ang mangharana habang abot langit ang ngiti eh, talagang lahat mapapatingin!

Yeah, our first date girl the seasons changed
It got washed away in a summer rain
You can't undo a fall like this
'Cause love don't know what distance is

Lahat sila mukhang kinikilig! Natatawa nalang tuloy ako dito sa kinauupuan ko kasi di ko maimagine na ang isang Saviel Dizon eh kaya palang magpakilig ng ganito karaming tao. Magsungit o magloko lang kasi ang alam ng lalaking toh eh.

Mas kinilig yung mga tao, yung iba napatili pa, nung may mga waiter na lumapit sakin at nagbigay ng mga berdeng rosas. Natawa nalang ako nung makita kong pastillas yung mga rosas na yun. Asus, siya din kakain nito eh.

You Are My Gangster BestfriendМесто, где живут истории. Откройте их для себя