Chapter 52: Almost Perfect

258 8 0
                                    

Kaira's POV

Maaga na naman akong nagising kesa sa iba kong kasama dito sa bahay. Pagod kaming lahat dahil sa birthday ni Aj kahapon, actually hindi nga ako nakatulog eh, iniisip ko pa rin kasi yung lalaking nakita ko kahapon sa may playground. Yung mga matang yun na nakatitig sakin, alam kong hindi ako pwedeng magkamali, kay Eli ang mga yun!

"Good morning" nagulat ako nang pagbaba ko sa may kusina, nakita ko si Adam na nakasandal sa may sink at cool na cool na umiinom ng tubig dun.

"Aga mo huh?" yun nalang yung natanong ko.

"Haha, madami pa kasing aayusin sa mga gamit namin, ayoko namang mag-ayos kapag paalis na" nakangiting paliwanag niya. Mamaya na nga pala ang alis nila pabalik ng manila.

"Ah. Ay teka, magluluto ba tayong almusal o bibili nalang tayo?" tanong ko sa kanya.

"Paglulutuin ko nalang si Jerry tapos bili nalang ulit ng pandesal, nagustuhan ni Aj yun eh. Tayo nalang ang bumili" sabi niya.

"Ah sige, gisingin na natin si Jerry para makapagluto na siya bago magising yung mga bata" sabi ko tapos papalabas na sana akong kusina pero natigilan ako nang bigla akong may makasalubong, papasok siya ng kusina kaya natapat ako sa dibdib niya. Ang tatangkad talaga ng mga toh! Tiningala ko siya at nanlaki ang mata ko nang makita ang inaantok pang singkit niyang mata.

"Gising ka na pala Jer. Gigisingin ka na sana namin ni Adam eh" bungad ko sa kanya. Mukhang di maganda gising niya at inaantok pa siya huh?

"Gigisingin? Ha-ha" sarcastic na tawa niya. "Gising na gising na talaga ako sa panghahampas ni Adam ng unan sakin!" napapoker face siya sabay tingin ng masama kay Adam.

Si Adam naman ngumiti lang na parang walang kasalanan tapos hinatak na niya ako papalabas.

Habang nag-aayos siya ng sarili sa salamin, nakatayo lang ako dito sa may pinto, tahimik. Nagulat nalang ako nang bigla siyang magtanong. "May nangyari ba kahapon Kai? Nung wala ako?" ayan na naman yung seryosong expression niya.

Dapat ko bang sabihin sa kanya? Pero wala namang magbabago kung sasabihin ko eh, hindi lang din naman siya maniniwala eh.

Mukhang nahalata niyang nagdadalawang isip akong sumagot kaya nagsalita ulit siya.

"Ang bilin sakin ni Saviel, alagaan ka, sa tingin ko hindi ko matatawag na successful ang mission kong yun kung di mo sasabihin sakin ang nangyari" napabuntong hininga nalang ako bago ko sabihin.

"Nung... Nung nasa playground kami... May nakita akong lalaki. Nakatakip ang mukha niya at mata lang ang kita sa kanya pero nung magtama ang mga mata namin... Alam ko, siya si Eli, Adam" pag-amin ko sa kanya.

Adam's POV

"Alam ko, siya si Eli, Adam" natigilan ako sa sinabi ni Kaira. Kung wala lang akong alam, baka naisip ko ng sira ulo siya. Pano nga naman kasi niya makikita si Elijah kung matagal ng patay yung tao??

"Yung Wizard Mickey! Siya din yung nagbigay sakin nun Adam! Siya yun" dagdag pa niya. Yung mystery guy na sinasabi ni Aj? Hindi nga ako nagkamali.

"Kai--"

"Tell me Adam, nababaliw na ba ako?? Kaya ko ba nakikita si Eli kasi, dun sa playground na yun, dun kami unang nagkita??" kita kong malapit na siyang maiyak kaya hinawakan ko siya sa dalawang balikat niya at sinubukan kong pakalmahin siya.

"Hindi si Elijah yun, Kai. Matagal ng wala si Elijah--"

"Ganyan din ang sinabi sakin ni Death" tinabig niya ang kamay kong nasa balikat niya. "Si Eli lang ang pwedeng magpakita sakin dun sa playground na yun! Siya lang naman ang nag-iisang taong ganun kung makatingin sakin eh! Nag-iisang taong kayang magtiis para sakin kahit nasa malayo siya't nahihirapan" pamimilit niya

You Are My Gangster BestfriendKde žijí příběhy. Začni objevovat