Chapter 6: One Sweet Day

277 12 9
                                    

Kaira's POV

Maaga ang klase namin ngayon kaya naman maaga akong umalis sa bahay. As usual, nauna na yung tatlong baliw na sinundo ng mga boyfriend nila. Si Spencer ang sumundo sakin ngayon, nakakapanibago nga eh.

Hindi ako nakatulog, buong gabi kong iniisip kung ok lang ba si Eli. Sobrang kinakabahan ako kahit hindi ko alam kung bakit. Ayoko siyang iwan kagabi. Para bang natatakot akong iwan siya.

Pagkarating sa classroom, nakita ko agad ang mga GD. Ganun din sila kagabi, ayaw iwan si Eli, pero paulit ulit nilang sinabi sakin na hihintayin pa ni Eli yung mga babaeng mamahalin nila kaya wag na daw akong mag-alala.

Umupo na ako sa upuan ko. Katabi ko si Jesler, pero hindi niya ako nililingon. Galit siguro siya dahil sa nangyari nung huli kaming magkita. Hayaan ko nalang muna.

Maya maya, biglang tumunog ang mga cellphone ng mga GD, pati ang cellphone ko.

Halos sabay sabay naming binasa kung anong nakalagay sa message. Bigla nalang tumulo ang mga luha ko, para bang tumigil ang mundo ko.

"H-hindi t-totoo toh diba?! S-sabihin niyong nagloloko lang si Viel!!" sigaw ni Shane na may luha na ring tumutulo mula sa mga mata niya.

"H-hindi... Hindi pwede" wala sa sariling sabi ni Makki habang umiiling.

"Masamang biro toh!!!" sigaw ni Jason at binato yung cellphone niya. Tulala lang si Nate tulad ko.

"Anong nangyayari sa inyo?" tanong nila best.

Pinunasan ko ang pisngi ko. "N-nagbibiro lang siguro siya" pilit kong pinaniniwala ang sarili ko na nagbibiro lang si Viel.

Ano yung nakalagay sa message ni Viel samin?

'My brother's gone. He left us'

"Dustin, ikaw na muna ang bahala kay Kai-kai, may pupuntahan lang kami" seryosong sabi ni Nate pagkatayo niya.

"Sasama ako please!!" pakiusap ko pero humarap sila sakin. Pinipigilan nila ang mga sarili nilang magwala, kita ko yun. Nanginginig ang mga kamao nila.

"Baka kung anong magawa namin kay Viel, Kai. Dito ka nalang muna" -Makki

"Babalik kami, pangako" sabi ni Shane at umalis na sila.

Bumalik ako sa upuan ko at hindi nagsalita sa kahit sino sa kanila. Alam kong kapag nagsalita ako, hindi ko mapipigilang maiyak! Hindi dapat ako maiyak dahil biro lang ni Viel yun! Alam niya kasing kinakabahan kami eh! Kaya siguro gusto niya lang na mapatawa kami!

"Kiane"

Bakit naman kasi ganito yung naisip niyang way para mawala yung kaba namin eh!?! Iba talaga takbo ng utak nung si Viel!!

"Kiane, about the other day..."

Mas kinakabahan lang kami ngayon eh!!

"I-I'm sorry for what Liane did"

Lagot pa tuloy siya kila Makki!!

"Hey Kiane?"

Kawawa naman siya!! Pero ako din!! Masasapak ko mamaya yung baliw na yun!!

"Kiane!!" napatingin ako sa katabi ko. "Sabi ko, sorry about the other day, dun sa ginawa ng girlfriend ko" sandali akong natigilan, pero tumango nalang ako sa kanya.

"And... Ayaw na ni Liane na maging member ka ng club ko" natulala ako sa kanya nang sabihin niya yun. "Kaya tinatanggal na kita sa club, Kiane. I'm sorry" tapos nakita ko nalang yung Liane na pumasok sa room at tumabi sa kanya. Wala namang prof kaya pwede siyang makapasok.

You Are My Gangster BestfriendWhere stories live. Discover now