Tip No. 20 - Matutong Tumanggap Ng Pagkakamali

Beginne am Anfang
                                    

Alam ko naman na masyadong marami ang requirements ko at mataas ang expectations pero hindi ko ba deserve na magkaroon ng taong magmamahal sa akin nang ako lang, walang kahati at walang kahit na anong condition?

Biglang may bumusina sa malapit at dahan-dahan akong napatayo habang pinupunasan ang mukha. Maya-maya pa, huminto ang isang motor sa harap ko at bumaba ang isang lalake na hindi ko ine-expect na makita sa sandaling iyon.

"You're Yumi, right?" Tanong ni Jay Espino, ang kaibigan ni Nathaniel at bokalista ng banda nila na Heroes Not Zeroes. "Remember me?"

Tumango ako bilang sagot.

"Ano ginagawa mo dito sa labas? Gabi na, ah." Sabi nya.

"Nagpi-picnic." Sabi ko sa kanya. Naramdaman ko bigla ang pagkalam ng tyan ko nang naisip ang tungkol sa pagkain. Hindi pa ako nagdi-dinner. "Ikaw, ano ginagawa mo dito?"

"I'm on my way home, malapit lang kami dito." Sabi nya. Tinignan nya ako na para syang naa-amuse sa itsura at sa sitwasyon ko. "Picnic? Ano nangyari sa food, naubos agad?"

"Dumaan si Pac Man, naubos na."

Natawa sya at nagtuloy na sa pagtatanong na akala mo isa syang pulis. "How come Nate's letting you stay out here on your own? He's not being a very good boyfriend, is he? Iwan mo na yun." Pabiro nyang sinabi pero nabura ang ngiti sa mukha nya ng nakita nya ang itsura ko. Siguro ang distorted ng mukha ko; kumirot na naman kasi ang dibdib ko ng narinig kong banggitin nya ang mga salitang 'Nate' at 'boyfriend'.

"Did something happen?" Tanong ni Jay.

Tumingin lang ako sa malayo at hindi sya sinagot. Napabuntong-hininga sya matapos ang ilang segundo at inabot sa akin ang helmet na dala-dala. "Tara, let's go for a ride. You look like you could use one."

Naalala ko bigla ang unang araw ko sa Manila kung saan may foreigner na huminto dito mismo sa tapat ng condo at inaya akong sumakay ng kotse nya para maihatid daw sa Bonne View. Natutunan ko na ngayon, salamat kay Nathaniel, na hindi ako dapat sumama sa mga hindi ko kilala.

Dalawang beses ko pa lang nami-meet itong si Jay at, kahit kaibigan sya ni Nathaniel, hindi ko pa rin sya kilala kaya hindi ko alam kung mapapagkatiwalaan ko ba sya. Tinignan ko lang sya sa mata at napa-cross ang arms sa harap ko.

"I'm not going to do anything naughty unless, of course, you ask me to." Sabi nya sabay kindat sa akin.

Wala ako sa mood para kausapin ang katulad nya. Tatalikod na sana ako at iiwan sya dito nang hinagip nya bigla ang kamay ko at hinatak papunta sa motor nya.

"Sakay na. Ano, bubuhatin pa ba kita?"

Hay. Magkakaibigan nga ang mga taga-HNZ na ito. Pare-pareho silang pushy.

Inalalayan nya ako sa pagsakay at isinuot sa akin ang helmet bago sya umupo sa unahan. Nag-drive na sya at naramdaman ko ang pagkagat ng malamig na hangin sa mga binti at braso ko. Naka-shorts lang kasi ako at short-sleeve na t-shirt dahil hindi ko naman inakalang lalabas ako ng bahay ngayong gabi. Napakapit ako ng mahigpit sa bewang ni Jay ng binilisan nya ang takbo at nakita ko ang pag galaw ng shoulders nya dahil sa pagtawa.

"Stop it! Gusto mo ba ma-aksidente tayo?" Sabi nya ng pinalo ko sya sa likod ng malakas. Sira naman kasi itong si Jay, gawin ba namang katatawanan ang takot ko na malaglag at mamatay.

Ilang minuto din kaming nag-ikot at parang nabawasan ang bigat sa dibdib ko. Unang beses ko pa lang nagawa ang pag angkas sa motor at ang refreshing pala ng feeling. Ang sarap pa ng hangin at parang hinihipan nya palayo ang worries ko.

Huminto si Jay sa tapat ng isang mataas na building at hinatak nya ako ulit para pumasok sa loob. Nag-elevator kami hanggang sa pinakataas na level at dinala nya ako sa fire exit para akyatin ang isa pang floor. Binuksan nya ang pinto at nakita kong nakarating na kami sa malawak na rooftop ng building. Pumunta ako sa may dulo at na-amaze sa ganda ng tanawin. Puro ilaw mula sa mga building, bahay at mga sasakyan. Ang liliit ng mga nasa baba, at kahit nakakalula, na-appreciate ko pa rin ng mabuti ang view.

"You like it?" Tanong ni Jay sa tabi ko.

Napangiti ako sa kanya at tumango bilang sagot.

Dinali ng siko nya ang braso ko at sinabing, "Aayaw-ayaw ka pa kanina."

Napa-kibit ako ng balikat. "Mukha ka kasing hindi matino."

Natawa sya sa sinabi ko. "Talaga? Usually kasi, sinasabi ng girls saken, ang gwapo ko."

"Ang gwapo ng apog mo." Sabi ko sa kanya.

"Ang feisty mo ngayon, ah. Dahil ba kay Nate?" Tanong nya. "Come on, tell me already. Malay mo, I can offer some good advice."

Nang dahil sa salitang 'advice', napakwento tuloy ako kay Jay ng mga nangyari simula noong nakaraang buwan hanggang sa kanina bago kami nagkita sa labas ng Bonne View. Nakatitig kami pareho sa magandang tanawin habang nag-uusap at parang gumaan ang pakiramdam ko ng naibuhos ko sa kanya ang lahat ng mga naiisip at nararamdaman ko tungkol kay Nathaniel, kay Clarissa at sa kapatid nyang si Jasmine. 

"Hindi naman sa pinagtatanggol ko si Nate saka si Jas pero don't you think you overreacted a bit?" Sabi ni Jay. "I know you're hurt and I understand, pero kung nahihirapan ka, nahihirapan din si Nate."

Na-realize ko rin naman, nang nahimasmasan na 'ko, na sumobra ang naging reaction ko pero kahit gusto kong bawiin ang pagsampal kay Nathan at ang mga nabitawan kong salita kanina, hindi ko na 'yon magagawa.

"You know about his mom, right?" Tanong nya at tumango ako bilang sagot.

"How about his past relationships?"

"Wala syang nababanggit, except sa kapatid mo."

Napabutong hininga si Jay. "Yeah, mahirap pa rin sa kanya siguro mag-open up pero, somehow, paunti-unti, his doing it with you."

Hindi ako nakaimik at napahawak na lang sa suot-suot ko pa rin na key pendant na galing kay Nathan.

Itinuloy ni Jay ang kwento. "His first love committed suicide, you know. Magha-high school na kami nang nangyari. Then, right after his mom died, nalaman nya na his first ever serious girlfriend cheated on him tapos sa kaibigan pa namin. Nahirapan sya maka-recover from all of that."

Kumirot ang dibdib ko sa mga sinabi ni Jay. Hindi ko akalain na ganito ang dinanas noon ni Nathan at hindi ko ma-imagine ang pain na naramdaman nya dahil dito. Napakapit ako ng husto sa key pendant at inilapit iyon sa labi ko.

"He never shuts up about you, Yumi. I can tell he's really into you." Pahabol ni Jay. "He's really a great guy, you know. Sana you'll give him a chance."

Napalunok ako at tinitigan si Jay sa mata bago ko naitanong ang bumabagabag sa akin. "Sa nangyari kanina, palagay mo ba, he'll still want me?"

Napangiti si Jay. "Why don't you ask him?"

* * * * *

"Hoy, Mads." Sabi ni Claire habang pumitik-pitik sa harap ng mukha ko. "Ano iniisip mo dyan?"

"Wala." Sagot ko sa kanya. Inabot ko ang bago kong cell phone na nakapatong sa katabing table at inilagay ang number ni Jay na isinulat nya sa kamay ko bago kami naghiwalay kagabi. Nag-type ako ng maikling 'thank you' bago ako humiga ulit sa kama at ipinatong ang unan sa mukha.

"No, hindi ka na matutulog." Sabi ni Claire habang pinagtutulungan ako nilang dalawa ni Tala na hilahin patayo. "Aayusan ka pa namin."

"San ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko sa kanila. Tumingin ako sa orasan sa table at nakitang ten pa lang ng umaga. Maaga pa ito dahil wala namang pasok. "Anong oras pa lang, o."

"Hindi mo malalaman kung hindi ka tatayo dyan, babae ka." Banat ni Tala.

"Alam mo, kapatid kong maganda, wala ka ring galang, no?"

Napangisi sya sa akin at nagkibit ng balikat. "Mahal mo naman ako kaya okay lang 'yon."

"Get your cute butt up already. Marami pa tayong gagawin." Sabi ni Claire at sinamahan nya pa ako sa banyo para masigurado na talagang hindi na ako magnanakaw pa ng tulog.

A Promdi's Guide To Self-discovery (A Girl's Guidebook #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt