Napahilot ako sa sintido ko dahil lumang balita na ‘to. Hindi ko sinabi sa kanila dahil alam kong ganito ang magiging reaksiyon nila. Malas lang na si buntis pa ang nakaalam, and the stress will be bad for the baby.

“Pao, kalma. You’re getting stressed and did you forget you're almost due? Gusto mo bang ilibing ako ni Gage nang buhay?!” Amelle hissed abang hawak ang natutulog na si Saskia.

Kapag minalas-malas ka nga naman. It would've been easier if her hormones weren't on high due to the pregnancy.

Lumapit si Anne at inakay namin siya sa pinakamalapit na mauupuan. Kalmado naman ang mga boses namin, pero may diin ang bawat salita. Isang paraan para hindi maalerto ang nga lalaki sa labas at magising ang medyo nakakatulog nang nga bata.

Habang papalipas nangbpapalipas ang segundo, mas lalong lumalamig ang pakiramdam ko. Napatingin ako sa labas kung saan makikita naabilisang nag-aayos.

Napaupo ako sa maliit na upuan sa bandang gitna. Pare-pareho kasi silang naghihintay hng paliwanag.

"Hindi ko alam paano mo nalaman, but it was already handled. Aaminin ko…" Napalunok ako nang makailang ulit. I was past that event dahil hindi naman 'yun ang pinakamalalang nangyari, e. "'Yung araw na ‘yun akala ko ‘yun na ang huli. Stefen was pretty unstable that night. Hindi ko maisip kung ano ang puwede niyang gawin noon.”

Sabay ang kambal na nag-react. Sila ang nagsabi kasi sa akin noon na tigilan ko na pakikipagkita sa lalaking 'yun. Nakinig naman ako, pero Stefen's an asshole.

“Hindi ko sinabi dahil… a-ayoko lang na maging mahina sa harap niyo. Ako ang unang sumusugod para mang-away kapag may nang-aagrabyado sa inyo. Jett helped me.”

Dahan-dahang tumayo si Pao and waddled her way to me. Nag-protesta kaming lahat pero hindi siya nakinig. Isiniksik niya ang sarili niya sa tabi ko at inakbayan ako.

"Kanino mo ba nalaman? I think Jett would never tell you nor Storm..."

"'Yung kausap ko, si Linda. Remember her? Nakatrabaho ko siya saglit, hindi ba? Kaklase ni Dalli ang isa sa anak niya. Kinukumusta ka since ang huling kita nga daw niya sa'yo ay 'yung nangyari sa parking lot."

Tumango ako. I do remember her. Noong nangyari 'yun, paalis na siya at lilipat sa ibang hospital.

“Nando’n din si Storm, hindi ba?” Malamunay na tanong ni Pao, tila nahimasmasan na kahit papaano.

“He… He was. Siya ang tumulong sa akin. If not for him, hindi ko na alam…”

Natahimik kaming lahat, iniisip ang ilang bagay na posibleng mangyari. When realization hit, napatingin na lang kami sa isa’t isa absorbing the horror and sadness we’re feeling. Times like these take us back to that fateful day.

That day solidified our bond. Konektado kami ng bawat tali na humihibla sa mga nangyari noon.

Huminga ako ng malalim para magpatuloy.

“Storm being there made things complicated for me. Alam niyo na si Stefen, fling lang.’ Sumang-ayon naman sila, ang kambal pa ang mabilis na sumang-ayon.

“Attracted na ako kay Storm noong unang kita ko sa kanya. You know me and my types,” bahagya silang tumawa.

"The moment he helped me, I just knew I was doomed. Hindi ko siya ipinakilala kaagad kasi sinigurado ko muna kung may kahit katiting na chance lang na maging kami at kung tama ba ‘yung nararamdaman ko. Na gusto ko siya at hindi lang dahil nilagtas niya ako.”

May chance sana kami, but then he left.

Nabanggit ko na ‘to sa kanila. Hindi ko lang talaga kayang isama doon ang tunay kong nararamdaman dahil natakot akong lumabas na mahina o marupok. Hindi ako ganu’n, e. Storm shattered that.

I've Got You (SPG Girls #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon