Chapter 22 : Effect

Start from the beginning
                                        

I checked the ref kung may laman and luckily meron naman. Mukhang may nagmemaintain nga ng bahay na ito. Magluluto na lang ako ng sopas tutal maulan naman and papartneran ko ng garlic bread. Limited lang kase stocks sa ref. Wala ding mga meat.

After cooking, I decided na gisingin na din si Brix. Tutal 7pm na din naman. Tamang tama para makapag dinner naman na kami. Nakakaramdam na din ako ng pagod.

I was about to turn around paakyat sa kwarto ni Brix ng bigla akong madapa sa kung ano mang nakausling bagay sa sahig dahilan ng pagkakabagsak ko. I winced in pain as I felt my sprained left foot. Napapikit ako sa kirot na naramdaman ko. I was about to curse when I felt someone lifted me.

" What the hell are you doing? I saw how you fell down. Paano kung mas malala pa dun inabot mo?" magkasalubong at nakasimangot na mukha ni Brix ang bumungad saken. Obviously he is mad. And I dont even know why. Eh ako naman tong nasaktan at hindi sya!

" hindi ko naman kase nakita yu--"

" Ano ba kaseng ginagawa mo dito? " putol nya agad saken.

" I cooked food for--"

" and who told you to cook?!" putol na naman nya saken. And I became pissed. Kanina nya pa ko di pinapatapos eh!

" Will you let me finish first?! Kanina pako nag eexplain di mo naman ako pinapatapos. At saka pwede ba ibaba mo ako. Na sprain lang ako. Di ako napilay. "tila napaawang naman labi nya sa pagalit at sunod sunod kong sagot. Kung sa ibang pagkakataon pa siguro baka pinagtawanan ko ang mukha nyang to. But not now. All i want is malayo sa kanya dahil di ko maintindihan nararamdaman ko pagkakalapit ng katawan naming ito. Di nya pa din kase ako ibinababa for goodness sake!

" Para ka talagang manok. Putak ka ng putak." iiling iling nyang sabi. Hindi nya pa din ako ibinaba bagkus eh naglakad sya papunta sa kitchen chair at iniupo ako dun. Kumuha sya ng yelo na ibinalot nya sa panyo nya at saka lumuhod sa harap ko at ipinatong ang panyo nyang may yelo. Im stunned. Di ko alam pano magrereact. Di ako sanay sa ganitong side nya. Honestly, I appreciate what he's doing right now.

" Why are you here at my kitchen?" he asked without looking at me. Naka focus padin sya sa nasprain kong paa.

" Nagluto ako sopas. Yun lang kase nakita ko sa stock ng pagkain mo dito. You can eat it if you want."

" You can cook?" nag angat sya ng tingin saken na tila di makapaniwalang kaya kong magluto.

" Yeah. I can. Tingin mo sa lahat ng babae? Di kaya magluto? " naiinis kong sagot.

" Kind of. I grew up with Cassy remember? And she's a mess in the kitchen." natatawa nyang kwento. Ewan ko ba pero parang laging may kislap sa mata nya pag si Cassy ang kinukwento nya. Hmmm...

" Yeah I know. Subok ko na din ang babaitang yon. Walang alam sa bahay. But we are the exact opposites. Ganda lang ang parehas na meron kame." I said while flipping my hair pa.

Nagulat ako ng bigla nyang ilagay ang kamay nya sa magkabilang side ng upuan ko. Halos naumid ang dila ko ng sunod nyang inilapit ang mukha sa mukha ko. Hindi nako makaiwas ng tingin because I'm cornered. Wala akong magawa kundi tumitig ang namimilog kong mata sa mata nya.

" W-What are you d-doing?" shemay! Im stuttering. Damn this monkey.

" Hinahanap ko yung sinasabi mong ganda na meron ka. Unfortunately, wala akong makita." tatawa tawa pa sya bago nya ako tinalikuran.

Nagmamadali akong bumaba ng upuan para sana makaganti man lang sa pang aasar nya saken totally forgetting about my sprain. Kaya naman napa aray agad ako pagsayad na pagsayad palang ng paa ko sa floor. I am about to lose my balance again ng maramdaman ko ang pagsalo ni Brix saken. I landed on his firm chest while his arms automatically encircled in my waist.

I cant help but stare on his lips dahil yun ang bumulaga saken ng mag angat ako ng tingin sa mukha nya.

" Dont tell me iniisip mo na naman akong nakawan ng halik?" mapang asar nyang sabe while smirking. I blushed instantly. Naalala ko na naman kase yun. Kainis!

" Excuse me. That was an accident. Wag ka ngang feelingero dyan. Di ka ganun kagwapo para nakawan ko ng halik noh." pagtataray ko totally ignoring my fast heartbeats because we are talking to each other in this short distance. God! Langhap na langhap ko na ang hininga nya. At ang unggoy na to parang di naman naiilang. Ganito ba talaga sya makipag usap?

" I'm not? Eh dami ngang nagkakandarapa saken. Alam mo yan." pagmamayabang nya. Well totoo naman. Lalo na sa school jusme. Pero nunkang aminin ko sa kanya yun.

" Pwes wala kang effect saken Mr. Brix Montenegro." I said with conviction and with matching pag irap pa. Duh. Im just telling the truth. Kahit crush pa sya ng buong bayan, pwes ibahin nya ako.

Halos napatili ako sa gulat ng buhatin nya ako at iniupo ulit sa upuan. He cornered me again at inilapit muli ang mukha nya saken. This time mas malapit kesa kanina. And Im sure he is targeting my face dahil unti unti nyang inilapit pa ang mukha nya saken.

I am about to push him when he drag both my hands and placed it at the back of his head. I blushed even more dahil para akong nakayakap sa kanya.  Nakapwesto din sya in between my legs kaya parang nasasagwaan ako sa postura namin. Mabuti na lamang talaga at walang tao dito!

" W-What t-the h-hell are you d-doing?! U-umalis ka n-nga d-dyan." pilit kong tinatanggal ang kamay ko pero ibinabalik nya din yon. Napipikon nako. Ano bang trip netong kumag na to. Di ako sanay sa ganito. Lalong lalo na kung sa kanya!

" Im just testing kung wala talaga akong effect sayo. "sabi nya ng may nakakalokong ngiti.

" oh pwes nakita mo na diba? Wala! Kase di ako kinikilig, mas gusto pa nga kitang upakang unggoy ka!" naiirita ko na lalong sagot.

" I'm not yet done, baby. " mas lalo akong namula ng marinig ko ang itinawag nya saken. I am about to protest again when I felt his hands on my back and pulled me closer to him. I literally held my breath ng inilapit nyang unti unti yung mukha nya saken. Omg. He's gonna try to kiss me for sure!

He was about to kiss me when his phone suddenly rang. Ang unggoy di pa din umalis sa harap ko habang sinagot at kinakausap nya ang tumawag sa kanya. Di ko na maimagine kung gaano ako namumula ngayon. Maputi pa man din ako. Madaling mahalata. Kainis!

" You're blushing. So may effect naman pala ko sayo." balik pang aasar nya agad saken pagkatapos ng tawag sa kanya.

" So ganito talaga ginagawa mo sa mga babae para lang mapatunayan mo kung may effect ka sa kanila?" napipikon ko ng balik tanong sa kanya.

" Tell me, ano bang ginawa ko? " maang maangan nyang tanong.

" You tried to kissed me! Dont you dare deny it!" I hissed. I cant help but get mad. Naiinis talaga ako sa ginawa nya!

" Dont be absurd. I dont just kiss any woman. You're not even my type." tinalikuran nya din ako kaagad pagkasabi nun. I was about to get back nung nagsalita sya ulit.

" Oh, and to answet your question, I don't do this to anyone just to prove my charm. Sayo pa lang. "

Derederecho na syang naglakad paalis pagkasabi nun. Ni hindi na nya ako binigyan ng pagkakataong makasagot pa.

And about his answer, is that even a compliment or more of an insult? I dont know why but somehow that made me smile.

Para akong baliw nag smile ako pero naiinis ako. Ano na Bernadette Olivares?! Collect all your sanity. You have a night to spend with that monkey!

I'm A Nerd AND I'm Famous!Where stories live. Discover now