Chapter 5 - The case of Dominic Ignacio

17 1 0
                                    

DAVID

I had to ignore her. It is part of the law.

I kept on telling myself in the mirror to remove my guilt.

Bago pa lang siya sa ganito. I am asking her to begin a heist and she doesn't even know any of these. She thinks that this is only small, not realizing that something bigger is going to happen to her in the next few days. I have to be patient. I believe she has the talent. I know she can heist.

"It's all part of the business David." Ito ang huling sinabi ng parents ko bago sila pumunta sa ibang bansa. I know what they do for a living. I just can't express it for now.

Ever since they left, I started thinking if I should improve my Rank in the Society. Be a better person in the Society. Then, the name of my school struck my stressed mind.

I made this idea when I was in 7th grade with my best friend Dominic. Sadly, he passed away. He killed himself. Or did he? I always wanted to find out the answer. Tinanggap ko na na suicide iyon, but what if this is just a stem to a bigger picture? I know the school had something to do about his death, and they're gonna pay for it.

I never really liked Señor Pablo. I only continued to study there so I can have my sweet revenge. Since the beginning, alam kong may masamang bahid ang mga namumuno sa paaralang ito. I never believed their sugar coated accomplishments that led to their fame. Education is not their purpose.

'Never leave your enemy without a single punch.' My Mother told me. But I am gonna give something worse than a punch.





FLASHBACK

"Huy David, mala-late na tayo. Dali!" Sigaw ni Dominic, na kalalabas lamang sa cafeteria.

"Teka lang ito na!" Ako na lang yata ang natira sa cafeteria. Kumakain pa ako eh. Naalala ko bigla na si Sir Vile or "Prof. Vile" ang susunod na guro namin, at siya ang pinaka ayaw ko dito. Grade 7 palang, may kalaban na ako.

Dagliang akong tumakbo at sinusubukang habulin si Domi. Domi ang nickname niya. Ako lang at mga kamag anak niya ang nakakuha ng karapatang tawagin siya sa palayaw niya.

"Domi teka lang!" Sa sobrang lakas ng sigaw ko ay parang narinig ito ng buong campus.

Ito ako halos araw-araw. Late, maingay at iba pa. Pero kailangan naming mag ingat ni Dominic na hindi mahuli dahil alam kong bulok ang sistema dito.

Dominic has been my friend since I was ten. We met at a strange place, a place where friendship is not their priority. Hindi ko alam pero parang nagkakaintindihan kami. I used to be a stubborn kid and he was the one always trying to make me mature. Palagi kong binibiro that Dominic is a 25 year old stuck in a teenage body.

Kaya kong makaligtas sa mga teacher kapag late kami. Gamit ang talento ko sa pagkumbinsi, mukhang nagiging maayos lang para sa kanila kahit nasa minor offense ang pagiging late sa rule book ng Señor Pablo.

Nang maabot na namin ang room namin sa second floor, nakita naming sarado na ang mga bintana at ang pinto.

"Patay di tayo naka abot!" Malungkot na sinabi ni Dominic habang hinihingal.

Hinihingal din ako. Pero nagtapang-tapangan ako. Kumatok ako sa pintuan na para bang nakikiusap lang na makapasok. Tahimik sa labas nung araw na iyon kaya't nag eecho ang pagkatok ko.

Revolution Heist IWhere stories live. Discover now