Chapter 4 -The Title and the Contract

16 2 0
                                    

ANNA

11:00 AM

Oras na naman ni Prof. Vile. Ewan ko ba kung bakit Professor ang gustong itawag sa kanya eh hindi naman siya nagtuturo sa College. At least I get to call him vile in my mind. Hays. Kung pwede lang magreklamo.

I started observing my class. First of all, wala na si Hernando and it's still freaking me out. The fact that I can't solve that mystery makes me more curious.

Something then hit my brain. Can David solve it? I mean I am not expecting him to have detective skills but I think he only needs proper logic to solve this enigma. If he can start a heist, can't he start an investigation?

My morning thoughts were completely wiped when Prof. Vile started talking again. Pinapagawan kami ng isang activity worth 2o points. Unfortunately I can't cheat my way out of this since I have to draw. I'm not really an artist. No wonder my grades are lower in Arts than Math.

Habang nagpapagawa ng activity si Prof. Vile, nakita ko si Ria na tinitignan kaming lahat. Parang may hinahanap siya. Bigla kong naalalang siya ang Presidente ng student council at baka'y merong pinapagawa sa kanya.

Para matakot siya, tinitigan ko rin siya at binigyan ng hard stare. Sobrang galing ko doon na ang ilan ay natatakot sa akin. Para daw akong psychopath.

Bigla siyang na ilang sa akin at kitang kita ko sa mukha niya na naweweirdohan siya sa akin. Tinigilan na niya ang kanyang pag espiya.

I never voted in my entire life for the Student Councils. It's obvious na mayaman lang ang nananalo. Nakapagtataka rin na hindi nag paparticipate si Rebecca. She would obviously win the votes of the admins, but probably lose the students.

Teka, ano nga ba 'tong activity na 'to? Iguhit ang buong solar system, with full definition, history,description and meaning? What?

Kailangan ko 'to ipagawa sa iba. Tumayo ako mula sa akin upuan para pakunwaring uminat ngunit titingnan ko talaga kung sinong magaling gumuhit dito. Ganito rin ang ginagawa ko tuwing may exams. Gumagana talaga siya.

"Anna, sit down." Nakita kaagad ako ni Prof. Vile.

Daglian akong umupo pero wala akong nakitang magandang gumuhit. Kahit kay Rebecca, parang gawa ng kinder. Maya-maya lang ay tumayo si David para mag pasa ng gawa niya at panandalian kong nakita ang gawa niya.

Namangha ako sa ginawa niya at alam kong siya lang ang kayang tumulong sa activity ko. Kaso, alam ko ang hihingin niyang kapalit. He really likes elegant things na pati ang drawing niya ay parang gawa ng isang professional. Hindi na ako magtataka kung may elegante rin ang kwarto niya.

Napaka weird. Imagine, sasali ako sa kulto like gruop niya para lamang sa isang drawing? Kailangan ko pa ng malaking dahilan upang maging sulit ang pagsali ko. If I reject his offer on the other hand, Alam kong gagawa siya ng milyong paraan para ma owe ko siya ng favor. And I think asking him to help me here is already working.

Bukas pa naman ang deadline niyan kaya gagawa ako ng paraan upang makahanap ng magandang dahilan na sumali sa grupo niya.

Recess - 12:00 PM

Mag isang kumakain si David sa isang lamesa. Parang ako lang. Habang papalakad ako, nag iisip na ako ng mga maaaring itanong sa kanya. Sasabihin ko ba na kailangan ko siya para activity? Para kay Hernando? Para kay Hernando!

I don't know why but I really need to find the answer to Hernando's case. I don't like him, pero ayokong umabot sa case na mawawala na siya sa klase. If only Sherlock Holmes is real. But in this world, I think David and his future group is the only chance I can get.

Revolution Heist IWhere stories live. Discover now