Chapter 6 - People's Identification

61 12 2
                                    

ANNA

Napangiti si David sa suggestion kong group name.

"Revolution. Sounds interesting. It seems logical to call it a revolution, but at the same time a heist." Biglang nawala ang ngiti niya. "But that's not that important. We have to focus on the plans."

I like how he is very into this plan. Noong una ay akala kong lokohan lang ito. Pero ngayon, mukhang gusto niya talaga mag nakaw mula sa school.

Biglang may pumasok sa isip ko. I wanted to know if he is christian.

"What's your religion?" Tinanong ko habang sinesetup niya ang projection at laptop. Hindi sa interesado ako sa religion niya, he just seems to be the type of guy na hindi maniniwala kung hindi niya makikita. Hindi na ako magtataka kung wala siyang pinaniniwalaan.

Kaagad siyang napatingin sa akin na para bang may mali akong sinabi. He took a deep breath, and he went for his notebook in one of his drawers.

Nagtaka ako kung bakit kailangan pa niyang kumuha ng notebook para iexplain sa akin. Nagkaroon tuloy ulit ako ng chills kung kulto ba talaga ito.

Bigla niyang binato ang isang light brown non-spiral notebook sa harapan ko. Nagsimula na ulit siyang mag ayos ng projections.

"What is this?" I am confused.

"Just read it." Walang buhay niyang sinabi. He continued fixing the projections like he's a teacher.

Ginawa ko na lang ang utos niya. Medyo luma na ang kwaderno base sa itsura nito. Naisipan kong amuyin ito na pinagsisihan ko kaagad.

"Anong amoy ito? Parang nahulog sa basurahan." Pabiro kong sinabi, kahit assumption ko talaga 'yon. His lips didn't move an inch. Tough crowd.

Pagkabukas ko sa unang page, may nakasulat na kakaiba.

ZTsj BkL Ss0ND jeJDA0 SheAW

Ano 'yan? Hindi na talaga ako magtataka kung miyembro nga siya ng kulto

"What is this? Member ka ba ng isang kulto?" I shouted with confusion.

Based on his looks, he is definitely not happy with what I said.

"No you idiot!" May kinuha siya sa bulsa niya at ibinato nanaman sa harapan ko.

Isa na namang card at may nakasulat na "Don't shout in my garage." Seriously? You're that weird?

Ipinagpatuloy niya ang pagsasalita. "That's my father's own language system. Hindi ko alam kung saan niya ginagamit iyan pero he told me to use this for private conversations. I should not be telling you this, but that means People's Identification."

I started to get nervous again. Language system? From his father? What? Am I part of a larger group? Sigurado na akong hindi kalokohan ang pinaplano nito ni David. Kaso, I already joined, I fear they would harm me if I ever leave.

Binuklat ko naman sa second page ang notebook. Medyo nakakatakot na itong igalaw dahil mukhang mapupunit na ang papel any second. As I looked, I discovered David's name.

David Danilo Peralta (Alias: Igancio Celeste)

Age: 17

Birthdate: Nov. 10,2003

Birthplace: Manila, Philippines

Height: 5'6

Religion: None

Hindi lang doon nagtapos ang Lista niya. Mayroon pang Hair color, which is black, waistline, at iba pa. My guess was right. He doesn't have any religion. I started thinking that when he rejected praying in groups several times. He also just stands there when someone is praying.

Revolution Heist IWhere stories live. Discover now