Chapter 3 - Peace and Safety, or Power and Supremacy?

76 12 0
                                    

ANNA

January 12 - Sunday

Na balot ng takot ang buong Sabado ko matapos malaman ang pagkawala ni Hernando. Naniwala akong nais niya akong patayin, pero mukhang siya ang hinahabol ng kamatayan.

Napuno ang official website ng Señor Pablo ng mga balita tungkol kay Hernando. Kahit ganoon, tuloy ang klase bukas.

Nakita kong nag post si Principal Hordon, ang namumuno sa school, na huwag munang lumabas ng mag isa matapos ang nangyaring insidente.

Nakakapagtaka lamang kung sino ang maaaring gumawa nito sa kanya. Ligtas naman ang aming komunidad. Miyembro ba siya ng isang gang? O ginawa siyang hostage para pagbayarin ang mga magulang niya?

I did remember how bullies, or anyone who terrorizes the school suddenly disappears on a plain sight. Has this something to do with him making fun of people? Does the school have something to do about this?

I'm gonna have a million questions if I don't stop. Para na akong nagiging detective dito pero hindi alam ang gagawin.

Kung ano man ang kasagutan sa mga tanong ko, gusto kong alamin. Kaso Paano?

Nakita ko ulit ang unang message ni David sa akin.

Bigla kong naalala na may naghihintay pala ng sagot ko kung sasali ako o hindi. I'm trying to find new questions but I can't answer the current one. Tatanggi ba ako? Parang inimbitahan ako sa isang mafia at pag di ako sumali ay baka malagot ako. Pero kapag sumali naman ako, baka mas malagay ang buhay ko sa panganib. Is it even worth it? Stealing answers for the sake of revenge?

Wala akong masabihan ng mga problema ko. Ang kapatid kong nasa college, sa dorm na nakatira. Ang tatay kong lasinggero ngunit kumikita raw sa mga trabaho niya, hindi rin naman nakikinig sa akin. Gusto kong tanungin ang katulong naming si Amira, na nagsilbing nanay ko, ngunit hindi ko alam kung paano sisimulan. Noong nag high school na ako, parang nawala ang pagmamahal ko sa mga taong nasa tabi ko. Hindi ko alam kung bakit.

Ting!

Biglang nag pop up sa notifications ko ang isang post sa freedom board sa website ng Señor Pablo.

Anonymous? POTS ang naka register na name ng nag post. Isang kabayong nakatayo ang inilagay niya. Why would someone post a horse on a freedom board? Well, hindi rin naman siya sobrang free.

Sa freedom board namin, hindi naman talaga "malaya" ang pag popost doon. Kailangan munang ipakita sa admins bago payagang ipost. Base sa nakita kong ito, mukhang hindi dumaan sa admins. Sa tingin ko'y hindi papayag ang mga admins na may magpost ng kabayong for sure na may sinisimbolize sa online platform nila.

Matapos ang halos ilang oras, hindi pa natetake down ang post.

Sino ito? Paano niya nalagay 'yan sa freedom board? Admin ba siya? Siya ba ang principal?

Nanghihikayat na sumali sa mga protesta ang post na ito kaya't malamang hindi ito sa mga awtoridad. It says here to 'Join the movement, fight against tyranny!'

Napagisipan kong mag message sa gc naming hindi ko pinapansin. Baka sakaling may sumagot.

"Guys? Nakita niyo 'tong post?"

Magiilang minuto na, kaunti lang ang nag seen, hindi pa nag reply. Pati ang adviser naming si Ms. Dolores, 'di rin ako pinapansin. Halatang mga wala talaga silang pakialam sa akin.

Kung gusto ko talaga ang magkaroon ng boses, kailangan ko ng taong makikinig sa akin. At ang posibleng mangyari lang iyon ay sumali nga sa grupo ni David. I know it sounds ridiculous pero mukhang si David ang magiging boses sa hinaharap.

Revolution Heist IWhere stories live. Discover now