Chapter 10 - Cheat your way out, Anna

46 9 0
                                    

ANNA

"Isabela?"

It was my sister. Nakalimutan kong mag kamukha nga ang ate ko at ang nanay ko. Ang pagkakaiba, patay na 'yong isa.

Lumapit sila sa akin. I really missed her. It's been months since she returned. Una ay nag dodorm na siya sa University na pinapasukan niya, at gusto rin niyang umiwas sa drama ng pamilya.

Simula nung nawala si Mom, doon na nagkawatak-watak ang Minendez. Si Dad, mas inaabot na ng gabi sa kung ano man ang trabaho niya. Sa ate, pinili na niyang lumayo sa amin dahil daw masyado kaming madrama sa lahat ng bagay. Pero ang alam ko, gusto lang niyang layuan ang sakit. Kaysa ayusin niya, tinatakbuhan niya.

Natatandaan kong naging close kami. Pero noong umalis siya, hindi na kami nakakapag usap, thus ending our wonderful relationship.

She went in to hug me. Kaagad naman akong lumayo. I miss her, but I'm not gonna show that to her.

"Anna, are you okay?" Malambing niyang tinanong.

Nakikita ko sa mga mata niyang ang awa. Hindi ko na alam kung totoo ba 'yan o pag panggap lang. I never saw her like this before. Natuto na kaya siya?

"I'm fine, you don't have to care about it." Tumaray ang boses ko.

Nawala ang mga awa niya sa mata. Parang naalala niya na hindi na pala kami close since umalis siya. Mukhang may namumuong tensyon sa aming dalawa.

Buti nalang at nandoon si Aling Amira, kung hindi ay magtititigan lang kami buong hapon.

"Ay tama na iyan mga hija." Sumingit si Aling Amira.

Na amoy ko ang laman ng nasa plastic bag ni Aling Amira. Sinigang, paboritong pagkain ng mga Minendez.

We continued our way in my room. Aling Amira was in my bed, reading some newspaper habang sinusubukan akong kausapin ni Isabel, while we're at the table.

"Anna, I missed you. Can you please talk to me?" Her hair was longer than before. Pareho pa rin kaming golden brown ang kulay ng buhok.

"What do you want to talk about anyways?" I said as I sip the soup from my lunch.

"I don't know." Napatingin pa siya ceiling. "Well, how's school?"

Bigla kong napansin na ibinaba ni Aling Amira ang binabasa niya. Seems like she's interested sa kung anong sasabihin ko.

I honestly don't know what to say. Okay lang? Medyo nakakapagod? Or should I tell her that we're starting a revolution and we're gonna steal some money?

"It's okay. Just like a normal day everyday." Remember, Anna, keep it a secret.

"Nabalitaan ko na sasali ka daw sa Student Scouts next month. Do you really want it?" She grabbed her coffee and took a sip.

Should I really tell her? Nasa higaan ko pa rin si Aling Amira, slowly trying to read while obviously wanting to hear my answer.

"Umm. Required kasi siya eh. Ayaw naman magbayad ni Dad."

"Do you want me to talk to him?" Isabel offered.

Is she really gonna talk to our mysterious Father para hindi ako makasali? Am I gonna accept her offer. Baka makaapekto pa sa plano namin. At tsaka ayoko nang magkaroon ng malalim na usapan sina Dad at Isabel. It stresses me out.

"No thanks. I can handle it on my own."

Biglang pumasok ulit sa isip ko ang payment. If we somehow manage to steal Señor Pablo's money, paano namin maitatago iyon sa pamilya namin? At hindi ba magiging obvious 'yon na magbabayad kami pagkatapos may nagnakaw sa school? Mahahalatang kami ang nagnakaw. The plan is starting to crumble in my mind. I definitely hope David has some answers to my plan.

Revolution Heist IМесто, где живут истории. Откройте их для себя