Chapter 15 - The Battle of Red Flag (Part 2)

25 3 0
                                    

ANNA

Mukhang mag aalas-diyes na kung tama ang hula ko. Nandito pa rin kami sa improvised bunker nila, naghihintay sa kung anong susunod na atake ng kalaban. Pinaghiwalay kami ni Angelo para hindi pa lumala ang galit namin. Baka lumabas na ang tunay niyang anyo kapag hindi pa kami tumigil.

Nasa gitna sina Fritz at Dexter, pinag uusapan kung anong plano ang dapat naming sundin.

Angelo suggested na gawin akong bait para sa akin titira ang mga kalaban habang pa sikreto nilang papalitan ang flag. But that is impossible, dahil ayun na rin ang naisip ni Angelo kanina na gawing bait si Hannah but it never worked. Baka gusto niya lang ako matanggal na sa game. I want to stick with my original plan. Make Angelo do all the work while we cover him. Pero bigla kong na realize, gusto ko lang din naman pala siya matamaan ng pellet guns.

I cannot let our team lose just because of one man I detest. I know I am freaking out on what is happening on my weekend but everything is already happening. I have to win this.

Bigla kamin pinatayo ni Fritz at pinalapit sa gitna. It looks like nakapag desisyon na sila.

Hindi na rin ako magtataka kung pipiliin nila ang plano ni Angelo. Firss, because he is the acting leader and second, it makes more sense to them. And mine looks like what I made out of anger. Pero alam kong galit lang din si Angelo sa akin. He's not doing this for the win, he's doing this for revenge.

Fritz sighed. "Look, kung gusto niyong manalo tayo, kailangan niyong magkabati. Kahit pagkatapos ng game, magaway kayo hanggang kamatayan. Pero for once, can you please consider yourselves as allies?"

He has a point. I could just stab him after the game but I have to protect him for now.

"I don't know. I just don't trust her."

Kumunot ang noo ko. How dare him? You think I trust you too? I just want to shoot him in the face.

"Angelo, we are paired up because we all have the same characteristics. The HRD just told us that!" Malapit nang kumulo ang ulo ni Fritz.

"Diyan ka nagkakamali, Fritz." Angelo said with a proud face. "You think the HRD will do that? Gusto nga nila tayo pahirapan eh. This is not a simple game okay? Gagawin nila ang lahat to the point na susuko na tayo and that is what's happening right now. If we really all have the same characteristics, we should have won this game now. The Society wants the best of the best. And that's what we're gonna do. Be the best."

"Anong naiisip mo?" Ani Fritz.

"Still the same plan. Alam kong ayaw niyo sa plano ko at ayaw niyo rin sa plano ni Luna dahil may bahid ng galit ito. But have you heard Dexter's plan? Kanina pa siya hindi nagsasalita. For sure may pumasok na sa isip niya dahil kanina pa tayo nagtatalo rito."

Habang nakayuko, unti-unting iniangat ni Dexter ang kanyang mukha habang nakangiti na parang isang serial killer. He looks like he's already 25, but he acts like a 12 year old. I just hope his plan can make us win.

"Bigla siyang lumapit sa harapan at tumingin sa mga kalaban. Napatingin na rin kami. Hindi pa sila kumikibo. It has been an estimated 20 minutes since their first attack. They're probably planning too.

Biglang tumingin sa amin si Dexter at huminga ng malalim. "Have you guys played chess before?"

I remember once noong naglaban kami ni Aling Susan. But that was 5 years ago. "I'm sorry but no."

Fritz and Angelo nodded. Ako lang ba ang hindi marunong mag chess? I have to tell David to teach me someday. For sure marunong siya non.

"We are going to act like pieces. We're gonna need a Bishop, a Pawn, a Rook, and a King." Tinignan niya kami isa-isa. It's like he's scanning us to see what roles we will do. "Angelo, you'll be the pawn."

Revolution Heist ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon