"So, you're Kiel? Ang nurse na girlfriend ng anak ko?" panimula ni senator na pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngayon pa lang ay hinuhusgahan na niya ako.

"Yes. Ano hong maitutulong ko? Pinatawag daw po ako dito?"

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa dalawang matataas na tao sa harap ko. Hindi ko sigurado kung bakit ba kami nandito.

Kilala ko lang si Dr. Orin Milañez dahil siya ang medical director dito at dahil siya ay uncle ni Storm. Kapatid ni Dra. Astraoria Milañez-Noguiera

Tumikhim si Dr. Orin at humalukipkip. Tila ba nauubos ang pasensya. "As I was explaining it to my former brother-in-law, I can't just pull you out from your duty. Am I right, Nurse Kiel?"

"Yes, doc. May mag-double shift pa mamaya dahil may isang wala uli." Pagkumpirma ko sa shifting namin.

Umismid ang senador sa isang tabi, "How hard can it be? It'll be an hour maximum, Orin. Kakausapin ko lang naman siya over lunch."

Napakuyom ang mga kamao ko sa narinig. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa namin sa ward? Nakikipaglaro lang ng chess sa mga pasyente? Minsan 'pag hindi toxic, pero madalas hindi kami mapakali dahil kung pasaway ang pasyente, mas may pasaway na companion.

"Javier, ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko sa hospital na ito?"

"You boss who's underneath you like her. Puwede mo siyang i-pull out sa post kung gugustuhin mo. Tama ba, Nurse Kiel?" Tiningnan niya ako habang binibigyang diin ang salitang nurse na parang nangungutya.

What the fuck? Tatay ba talaga ni Storm 'to? Para namang walang bahid na galing sa kanya ang boyfriend ko.

Demanding madalas si Storm dahil 'yun ang kailangan sa trabaho niya. Kung hindi siya magiging strikto, he would've never been the best today.

Si Sen. Javier, puro powertripping lang yata ang alam. Sa tingin ako ay nabubuhay siya sa pagkontrol sa mga tao sa paligid niya. Ganu'n marahil ang ginagawa niya kay Storm at sa mag-ina niya.

Tumikhim ako para makuha ang atensyon nila.

"No disrespect, senator, but this is a hospital. Hindi lang basta nagmamando si Dr. Orin ng mga gagawin. Hindi rin basta-basta nag-pull out ng on-duty nurses unless emergency. Kung kakausapin niyo ako with regards to your son, I'm sorry, wala akong maisasagot at wala akong maibibigay na desisyon sa inyo."

Pinipigilan ko lang ang sarili ko pero parang gusto ko nang manakit. If I were any younger, I think I'd do just that.

Pumihit ako para humarap ako kay Dr. Orin at humingi ng paumanhin bago magpaalam.

"Kiel," Pahabol ng senador bago ako tuluyang makalabas. "Do you think Storm will stay with you?"

Umiling ako. "No, sir. Hindi ko kontrolado ang takbo ng utak niya."

Tunay namang walang kasiguraduhan. Storm has alot on his plate right now. Bukas kasi ay darating na ang stepmother niya at half-sister na siyang susunduin namin.

"You can still be with him. Discreetly," bigkas niya na nagpakunot sa noo ko. "Patago habang palalabasin natin na engaged na sila ni Louella. After winning the election, you can fully have him."

Seryoso bang gagamitin niya ang sarili niyang anak for publicity?! His grown-ass son who is a doctor at that. Gaano siya kadesperado?

Napatingin ako muli kay Dr. Orin at nakitang parang hindi na bago ang behavior nk Sen. Noguiera para sa kanya. Now, I wonder how many times he used his power to bend anyone against him.

"Bakit niyo sinasabi sa akin 'to?"

"You're nothing special, Kiel, to be honest. But, maybe, you can convince him." Nagkibit-balikat lang siya na parang wala lang ang mga pinagsasasabi niya.

Lumapit siya sa akin at may iniabot. Isang puting card na naglalaman ng personal number niya at ng kung sinumang puwedeng tawagan kung saka-sakali.

"Pag-isipan mo. I can say that my son listens to you liked a tamed dog. Ano ba pinakain mo du'n?"

Tanong niya na may halong disgusto. Napasinghap ako nang maintindihan ko kung ano ang gusto niyang ipahiwatig.

Napatawa siya nang makita niya ang reaksyon ko. Tinapik-tapik niya ang balikat ko na agad kong iniiwas.

"I'll get going then. Nice seeing you again, Orin." Sumulyap siya sa likuran bago ako titigan nang mariin at lumabas.

"Nurse Kiel?" Napalingon ako nang bahagya. Para kasi akong hindi makagalaw dahil hindi ako makapaniwala sa asta ng senador. "Don't listen to him. I will not speak about this with Storm. Hahayaan kitang makipag-usal sa kanya to work this out."

"Ganito ba kakomplikado ang buhay nila, doc?"

Naaalala ko pa kasi ang mga pabahagyang pagkukuwento ni Storm. Ganito ba ang ama niya noon o mas malala dahil nagsisimula pa lang siya? O mas malala dahil may mas kapangyarihan at kapit sa namamahala?

"Only the Noguieras. Not us, my dear. Politics does that to people."

And I couldn't agree more.

I've Got You (SPG Girls #5)Where stories live. Discover now