Teaser

6.9K 127 0
                                    

Hindi sya makapaniwala na nagawa iyon ni Caleb sa kanya. Bakit? Anong dahilan? Pano nya nagawa yun sa kanya? May kulang ba sa kanya? May mali ba sya? Pagkukulang?

Umiyak sya ng ilang minuto. Sobrang lalakas ng palahaw nya but she is the only one who can hear it. Pinahid ni Elena ang mga luha. Although her cries have subsided, may hikbi parin na lumalabas sa bibig nya. She went to the nearest store at bumili sya ng isang dosenang itlog.

Nang makabili ay bumalik sya sa restaurant saka pumasok sa loob.

"Ma'am, may kasama ka po ba sa loob?" May humarang kay Elena papasok. Isang babae na empleyado. The restaurant is exclusive for rich people kaya siguro she's discriminating her.

"Nasa loob ang asawa ko." Elena said truthfully.

"Ok, sige po ma'am. Please come in."

Huminto si Elena nang tuluyan syang makapasok sa dining deck. Pinagmasdan nya ang paligid, she scan the people at nakita nya sa bandang gitna sina Caleb.

Umiiyak syang lumapit sa kanila. The people are looking at her. Not only because of her poor-looking clothes but also because of her tears. Nakakuyom ang kamay ni Elena. They are only few feet away but it feels like this is her longest walk. Parang nasa slow motion ang lahat. Her steps, the streaming of her tears, ang mga halakhak at tawanan nina Caleb at Kylie, lahat parang naka slow-mo.

Lalong bumuhos ang galit ni Elena nang makita ang kabit ni Caleb. She was the woman in the hospital who bump to her. Kung ganon... while I was by my daughter's side, magkasama si Caleb at ang babae nya?

Dumukot si Elena ng isang itlog mula sa kanyang plastic bag na dala at pinukol nya ito sa dibdib ng kabit ng asawa.

Broken VowWhere stories live. Discover now