23: Bounce Back

3.2K 61 11
                                    

Dalawang araw palang simula ng kumalat ang eskandalo pero na oppress na agad iyon. Ginamit ni Garry ang impluwensya at pera nya para bayaran ang ilang media na maglabas ng mas eskandalosong articles para madivert ang attention ng mga tao. Para matabunan ang issue ni Kylie at Caleb. Tinapatan nya rin ng pera ang lahat ng websites na naglabas ng articles tungkol sa affair ng anak.

Nilda was able to convince Garry na pagbigyan ang anak at tulungan sa issue. Of course he did help Kylie dahil anak nya ito and besides, kung hindi gagawa ng paraan si Garry, hindi nya mapipigilan ang pagbaba ng stock ng business nya.

Sa loob ng dalawang araw ay doon nanuluyan si Jiselle sa ate nya. Nakakahalata na ang pamilya nila pero itinatago parin ng dalawa ang problema. Ni hindi nga nila alam kung papaano sasabihin kay Marco at sa magulang nila. Panay iyak si Elena. Wala namang magawa si Jiselle para pagaanin ang loob ng ate nya dahil hindi naman sya yung nasaktan. Hindi naman sya yung nakakaranas at nagdurusa sa sakit. Si Jiselle ang nag-aalaga kay Eve for two days at sa loob ng araw na yon, never umuwi si Caleb. Kahit sumilip sa mag-ina nya ay hindi nya ginawa.

Pinalayas ni Ernesto ang anak sa kanila kaya kay Kylie pumunta si Caleb. Ernesto is a righteous man kaya kung may kasalanan si Caleb, he has to face it. Ang kaso ay kabaliktaran naman nya si Marichel. Love can be very deceiving nga talaga.

Sabado kumalat ang scandal at Monday ito nagslope down. Tuesday, of course pumasok si Jiselle. Si Clark naman busy din kaya mag-isa si Elena sa bahay nila.

Si Elena at si Eve lang ang magkasama sa bahay nila. Maayos na ang hitsura ng bahay dahil nilinis iyon ni Jiselle. Ang kaibahan lang ay wala na ang mga pictures na nakahang sa pader. It feels empty too kahit may nakatira pa naman doon.

Bandang alas tres, kakatulog lang ni Eve. Nilapag ni Elena sa crib ang tulog na anak nang marinig nya ang pagbukas at pagsara ng main door. Napalingon sya. Lumabas si Elena ng kwarto nilang mag-asawa at sinara nya ang pinto nito.

Naabutan nya ang asawa in the door way. May hawak itong brown envelope.

Nagtitigan silang dalawa. She didn't speak. Neither Caleb.

Iniwasan ni Elena ang tingin ng asawa and as she walk going to the living room. Tumayo sya sa tapat ng bintana at tulalang tumingin sa kalangitan. Her arms across her chest.

She heard Caleb's footsteps na papalapit. Hindi parin sya nagsasalita.
Inilapag ni Caleb ang envelope sa mesa saka sya bumalik sa pagkakatayo sa isang gilid.

"Elena..."

"Hindi ko pipirmahan yan." Mabilis na sagot ni Elena kahit hindi pa nagsasalita si Caleb.

Alam na nya. Alam nya na divorce papers ang nakapaloob sa envelope na yon.

Humarap sya kay Caleb at tumingin ng diretso sa mata nya.

Caleb sighed.

"Elena, pirmahan mo na."

"Ayoko."

Inabot ni Elena ang envelope saka nya ito pinunit-punit.

"Huwag ka nang magmatigas Elena. Para rin naman sayo to."

"Hah." Natatawang singhal ni Elena. "Para sa akin? O para sa inyo ng kalaguyo mo? Hindi ako pipirma sa kahit na ano, Caleb. Hindi."

"Kahit na hindi ka pumirma, Elena. Wala nang pag-asa tong pagsasama natin! We are basically separated! Hindi man legally, alam natin sa sarili natin na hiwalay na talaga tayo!"

"Ano ba ang tingin mo sa kasal, Caleb? Parang kaning mainit? Kapag isinubo at napaso ang dila iluluwa? Ako... ako tinitiis ko yung mainit na kanin na yon dahil baka... baka lang naman may maisalba pa sa pagsasama natin. Pero paano mo nagagawang iluwa na lang lahat?" She cried pero hindi naman hysterically.

Broken VowWhere stories live. Discover now