27: Her Departure

3.4K 84 12
                                    

Sa loob ng halos isang bwan ay nakumpleto ni Elena ang mga dokumentong kailangan nya. Ang records nya sa school, good moral, ang form 137 nya. She make sure na may dala syang valid I.D, birth certificate at PSA. Nakakuha na rin sya ng Visa at sarili nyang pasaporte. She personally visited the website of Beijing University at open nga ang online admission.

Sa loob ng panahong yon ay hindi na nya ulit nakita si Caleb at Kylie. At sa loob ng isang linggo, nakakasama nya si Eve ng isa o dalawang araw. Tuwing kukuhain nya ang anak, nakikipag kita na lang sya sa yaya nina Marichel o di kaya nama'y si Ernesto mismo ang nakikipagkita para ibigay si Eve.

Ernesto can't accept the fact that his youngest son thrown a diamond over a stone. He is still rooting for Elena habang si Marichel naman ay sayang-saya kay Kylie.

'Papa' parin ang tawag ni Elena kay Ernesto dahil sa panahong nagsasama pa sila ni Caleb, Ernesto became her second father. As in anak na anak ang turing ni Ernesto kay Elena. At hindi nya makakalimutan ang pagtanggap sa kaniya ng dating father-in-law.

Nagkita ang dalawa sa isang establishment dahil inihatid ni Ernesto ang apo papunta sa ina ng bata.

"Sige na, papa. Aalis na kami ni Eve. Bukas na lang ulit." Pagpapaalam ni Elena kay Ernesto.

"Mamaya, saglit lang, nak."

Natigilan si Elena sa pagtayo dahil sa pagpigil sa kanya ng matanda. May dinukot si Ernesto galing sa bulsa ng kanyang coat. Mayamaya pa'y nag-abot sya ng sobre ka Elena.

"Para sayo yan, nak."

Tinanggap ni Elena ang sobre saka nya ito binuklat at tinignan. Ganon na lang ang gulat nya ng makita ang makapal na tig-iisang libong piso sa loob nito.

"Papa, hindi ko yan matatanggap." Iniabot pabalik ni Elena ang pera pero itinaboy lang ni Ernesto ang kamay nya.

"Sayo yan. Kulang pa nga yan sa lahat ng atraso ng pamilya namin sa 'yo at sa pamilya mo. Tanggapin mo na, 'nak dahil sayo yan. Pera mo yan." Pagpupumilit ni Ernesto para lang tanggapin ni Elena ang halos P50,000 na halaga.

Maluhaluhang ngumiti si Elena dahil sa sobrang bait ng kanyang ex-father-in-law.

"Hindi ko makakalimutan ang kabaitan mo, papa." She muttered sincerely.

"Ganon ka din, 'nak. Kung darating man ang panahon na bumalik kayo ni Caleb sa dati nyong pagsasama, ako ang unang una na sasalubong sayo pabalik."

Saglit pang tumagal ang uusapan nila hanggang sa magpaalam na sila sa isa't isa.

Nang umalis sa lugar na pinagkitaan, dumiretso si Elena sa isang jewelry shop para ibenta ang kanyang wedding ring. She needed money dahil marami syang inutangan para lang maasikaso ang kanyang mga papeles. Bukod pa don, kailangan nya ng pocket money papunta sa China. She'll be leaving two days from now. Sobrang bilis talaga lumipas ng panahon. Just two months ago nasa bahay lang sya nag-aasikaso ng kanyang mag-ama tapos ngayon aalis sya ng bansa para magpatuloy na mag-aral sa China.

May pila sa jewelry shop. Marami kasi ang gusto magsangla ng mga alahas nila. They have their own story and Elena wonders... ano kaya ang pinagdadaanan nila?

Dala nya doon ang anak hanggang sa sila naman ang next na inasikaso.

"Yes, ma'am?" Tanong sa kanya ng may-ari ng shop.

"Magbebenta po,"

"Ano yan, ma'am? Pwede pong patingin."

Mabilis na kinuha ni Elena ang singsing nya na nasa loob ng kanyang wallet. Inabot nya iyon sa matandang babae. Nang makita ng shop owner ang ibebenta ni Elena, she look at her as if asking 'sure ka? Ibebenta mo to?'

Broken VowWhere stories live. Discover now