33: Getting Closer

4.2K 122 6
                                    

"Nakatanggap ka rin ba ng invitation?" Paguusisa ni Carmelita kay Marichel. They are kumares for a very long time. Dalaga palang sila'y magkasama na sila hanggang ngayong pagtanda. Sila ang party animals noong araw. Halos ata lahat ng exclusive bars sa Metro Manila ay nasubukan na nila noong kapanahunan nila.

Kumuha si Marichel ng naka hanger na damit at tinantsya nya sa salamin kung babagay sa kanya ang style.

"What invitation? For what event?" Hindi nagustuhan ni Marichel ang unang hawak kaya binalik nya ito sa pinagkuhaan. Then she face Carmelita.

"It says grand opening ng isang clothing brand."

"Sikat ba naman?" Marichel raised her eyebrow.

Kumuha si Carmelita ng dress at tinignan nya ang repleskyon sa salamin habang nakatapat sa katawan nya ang damit. "I don't know. But the neighbourhood is talking about it. This grand opening is basically the talk of the town this week."

"Kailan ba daw yun?"

"June 14, this Saturday."

"What? Eh may event na akong pupuntahan this weekend. Founding anniversary ng business ni Kylie." Marichel sounded so disappointed.

"Oh, come on, Marichel. Ni hindi mo nga gusto yung Kylie na yun so why bother? Doon na lang tayo sa mag-eenjoy tayo."

Akala ni Marichel her fondness for Kylie will last for a lifetime but just a year after Caleb and Elena's divorce, she started disliking her dor many reasons.

2 years ago...

Birthday ni Caleb kaya bumisita si Marichel sa condo unit ni Kylie kung saan lumipat sina Caleb at ang apo nya.

Marichel bought a cake for her son and ilang ingredients para sa putaheng ihahanda nya. Hindi sumama si Ernesto sa asawa dahil determinado syang hindi nya tatanggapin, ni minsan man, si Kylie as part of the family. Hindi din sumama sina Carlo at Cedie dahil kagaya ng ama, napalayo ang loob nila kay Caleb.

Kung noo'y si Marichel lang ang tutol kay Elena, ngayon nama'y si Marichel lang din ang pabor kay Kylie.

That time, Marichel told Kylie to cook foods. Nasanay na kasi sya kay Elena na sakop ang lahat ng gawain pero sa kanya napupunta ang credits.

Because Kylie wanted to impress Caleb's mom, tinanggap nya ang trabaho despite of having zero knowledge in cooking. Kaya naman pagdating ng dinner, parang sinalanta ang lahat ng pagkaing nakahanay sa hapag.

Kinuha ni Marichel ang kubyertos at tinuhog ang inihaw na manok. "Ano ba to? Uling na may kaunting karne?" She asked sarcastically saka padabog na ibinalik ang karne sa plato.

Ang kasunod na tinignan nya ay ang piniritong tilapia na paboritong isda ni Caleb.

"Ito naman halatang pwersado ang pagkakaluto!" Marichel dissect the fish  and she found out na hindi pa ito linis, may dugo pa ito sa loob. "Aba, hija. Inaalis ang hasang nito at ang bituka. Hindi mo pa kinaliskisan! Ano ba naman yang pinaghahain mo? You just wasted these foods! Mas malala pa ata ang mga ito sa pagkain ng baboy."

"Ma..." Caleb uttered.

"Ma, do you really expect me to dig my fingers and new polished nails into that fish? Mabuti nga pinagluto ko pa kayo. And it's not my 100% fault! Hindi ba ikaw naman ang nagutos to me na magluto?" Pangangatwiran ni Kylie.

"Hun, that's enough. Wag na."

Napatawa si Marichel ng malakas.

"Hindi ako makapaniwalang ito ang ipinalit mo kay Elena, Caleb. Yung babaeng yon, kahit walang ka-class class at dukha, pinapakain kayong mag-ama ng masasarap na pagkain. Kahit pangit at mataba yun, hindi naman sya kasing bastos nitong si Kylie."

Broken VowWhere stories live. Discover now