32: Adam

4.4K 125 11
                                    

Walang oras na inaksaya si Elena. She is secretly meeting an attorney para muling buksan ang kaso na tungkol sa custody ng anak. She has to act fast habang walang kamalay-malay sina Caleb na may ginagawa na pala syang mga hakbang.

She's also preparing herself sa nalalapit na grand opening ng business partnership nya with Clark R Clothing Line. A year ago, nakabili ng building si Elena around EDSA, hindi kalayuan kay Clark. Habang nasa China sya, si Jiselle ang namahala ng mga dokumentong kakaylanganin. Si Jiselle ang pumirma sa agreement na mabili ang building at mairenovate ito. Of course she did it with Clark's guidance. Ngayon ang inaasikaso na lamang ni Elena ay ang mga supporting documents na dapat ay ma-approve bago sya makapag simula ng business. Ilan lang dito ang Mayor's permit, business permit, zoning board and other agents na kailangan nyang makuha ang approval.

Magtatayo si Elena ng sariling clothing line and she'll name her business as EL SANTI. A shorter term for her name Elena Santiago. Dahil marami na syang alam sa industriya na ito, building her own business became easier. Bonus na ang pagtulong ni Clark pati narin ng kapatid nyang si Jiselle.

Dahil sa malawak na connection ni Clark, Elena finished compiling all the documents she needed in just less than a month.

Umaga't gabi nyang inaasikaso ang lahat. Halos pag-ihi na lang ang naging pahinga nya. Because of her determination, sa awa ng Diyos ay ready na syang umarangkada.

It's already June at pumapasok na si Eve as a grade one student. Ta-tatlong beses palang silang nagkikitang mag-ina at nakakatulog ng magkasama. It's okay for Elena dahil sobrang naging busy naman sya for the past month. At isa pa, as soon as mabuksan ulit ang usaping custody ni Eve sa korte, dadami na ang oras nilang magkasama. Elena will make sure na makukuha nya ang bata. Kung idinahilan nila noon ang kahirapan para makuha si Eve, well now, they are left with no reason.

Kasalukuyang lumilibot sina Elena at Clark sa El Santi Building. Nagpaplano na sila kung saan dapat nakalagay ang buffet, ang stage, ang mga bagay-bagay for El Santi's grand opening. Kasama nilang dalawa ang team ng catering service na gagawa ng disenyo sa lobby at magha-handle ng foods.

Fully equipped na ang building ng El Santi. For the past three years, 30% of Elena's salary goes to bank na gagamitin nyang capital in founding her own business. She is selfless kaya mabilis syang makaipon. As for the employees, madali na lang yon dahil once na matunugan ng mga tao ang pagbubukas ng bago nyang tayong business, job hunters will come on their own will.

"I have an ear inside the KC's wall. They will celebrate their 4th year founding anniversary next week. Kylie will make it big I heard." Ani Clark sa tabi ni Elena.

"Uhuh. May naiisip kang kapilyahan, I guess."

"I was wondering... isabay natin ang grand opening sa 4th year anniversary nila. And we are going to invite all the people na invited sa event ni Kylie. That'll be fun especially if people come to us."

Huminto si Elena sa paglalakad saka humarap kay Clark. "Okay. Sige, gawin natin."

"Really? Oh em! I never thought na papayag ka!" May malaking ngisi sa labi ni Clark.

"I think panahon na rin kasi para makita nilang dalawa yung bunga ng kasamaang ginawa nila sa akin."

"Amma tell yah, girl. Malalaglag ang panga ng Caleb na yun pagnakita ka. Isama na natin yung Kylie na hitad. Oh God! Nakikita ko na ang magiging reaction ng mga pashnea!" Clark exclaimed as he clap his hand eagerly.

Tinawanan ni Elena ang isip batang movements ni Clark.

"Uh, excuse me, Ms. Lea, the event will be set next week. Can you handle it?" Pagsisiyasat ni Elena sa manager ng catering service.

Broken VowWhere stories live. Discover now