24: Broken Vow

3.2K 73 4
                                    

It was the saddest week for Elena. Not only she found out that her marriage was a failure but also because her mom passed away dahil sa heart attack. Naaalala pa nya kung paano nya buhatin si Eve kahit natutulog ito. Kung paano sya tumakbo papuntang sasakyan nya. How Eve cry sa passenger's seat dahil sa nagambala nyang tulog habang ang ina ay nagdi-drive at umiiyak din. It's all vivid to her memories. Lalong lalo na nang i-declare ng doktor sa hospital ang time of death ni Loida. Naririnig pa ni Elena ang malalakas nilang palahaw na magkakapatid dahil sa pagkawala ng ina.

Sinisisi ni Elena ang sarili. Her mom died because of her failed marriage. Hindi pa nagpapakita si Caleb. But on the last night na burol ni Loida, he came. Kasama nya ang buong pamilya nya. Sina Marichel, Ernesto, ang kuya Carlo at Cedie nya a mga asawa't anak ng mga ito.

Kung hindi lang kabastusan sa patay ang page-eskandalo ay kanina pa sana sinimulan ni Jiselle. Tutulungan pa sya ni Marco na bugbugin si Caleb. But they can't. Nanay nila ang nakaburol. Gusto nila ipakita na kahit na sa huling pagkakataon ay napalaki sila ng maayos ni Loida. Dahil mas kabisado ni Elena ang pamilyang Fernandez, sya na ang nag accompany sa mga ito. Hindi lumabas si Jiselle at si Marco dahil baka hindi lang nila mapigil ang sarili nila. Baka bukas ay may isa pang pagburulan.

Malalim rin ang hinanakit ni Eddie sa pamilyang dinagdagan ng anak pero nilunok nyang lahat ng galit. Imbes na itaboy ay sinamahan nya ang anak na asikasuhin sina Caleb. Puros magagandang pag-uugali lang ang ipinapakita ni Eddie at Elena.

Sobrang hiya naman ni Ernesto sa pamilya ng daughter-in-law. Bilang padre de pamilya, it feels like he failed as a father dahil sa ginawa ni Caleb. Wala syang mukhang maiharap. Katunayan ay hindi na maayos ang relasyon nilang mag-ama. Lumayo na ang loob ni Ernesto.

Magkalayo sa upuan ang mag-asawang Caleb at Elena. Ni pagtitinginan ay hindi nila magawa knowing that their problem caused someone's death. Nasa tabi rin ni Elena si Clark. Gabi-gabi na nandon ang kaibigan para pagaanin ang loob nya.

"Nalukungkot kami sa pagkawala ni Loida, Eddie." Ani Ernesto. Ama sa ama.

"Hindi ko alam ang sasabihin..." Pagpapakatotoo ni Eddie. Tumingin sya kay Caleb. "Bilang ama ni Elena, napakasakit para sa akin ng ginawa mo, Caleb. Pinagkatiwala pa naman namin sa iyo si Elena. Nangako ka na po-protektahan mo sya... sobra talaga ang hinanakit ko sayo, anak." Mahinahong pagpaparating ni Eddie ng kanyang saloobin.

"Ako na ang humihingi ng patawad, Eddie. Alam kong usapin to nilang mag-asawa, pero sana bigyan nyo pa ng ikalawang pagkakataon si Caleb. Elena...?" Napabaling na lang ng ulo si Caleb sa ama. Whatever he is saying that moment, lahat yon ay mula kay Ernesto at hindi kahilingan ni Caleb. And Elena is aware about it.

Minamasahe lang ni Clark ang balikat ng kaibigan to encourage her. Si Eve nang kasalukuyang iyon ay nakay Jiselle.

Outside their house, may dalawang tent na nakatayo at may mga taong nakikilamay; mga katrabaho ni Jiselle at Marco, kumare ni Loida, dating kasamahan ni Eddie sa pulisya at mga malalapit nilang kapit-bahay. Lahat sila may circle of friends, lahat sila nagku-kwentuhan until a white car arrived. Gumilid ito ng kalsada. Lahat ng ulo at mata nang mga nakikilamay na nasa labas ng bahay ay napako sa sasakyang dumating.

The car's door flew open. Unang inilabas ni Kylie ang kaniyang paa. She's wearing a black high heels and black dress. Nakasuot din sya ng shades. Lahat ay nakaabang sa kung sino man ang iluluwa ng sasakyan.

Marami ang nakakilala kay Kylie pero halos lahat ng matatanda ay hindi sya kilala. Nagumpisa din ang bulong-bulungan among Jiselle and Marco's co-worker.

When finally out, Kylie shut her door.  The moment she found out na namatay ang matanda due to heart attack, she feel guilty. Napag-awayan pa nga nila ni Caleb ang tungkol sa ginawa nyang pagganti sa pamilya ni Elena. She know that this is awfully wrong decision. But she has too. Hindi sya patutulugin ng kunsensya kapag hindi sya pumunta sa burol para mag-abot ng tulong.

Lumapit si Kylie sa isang matandang babae at tinanong kung iyon ba ang burol ng isang Loida Santiago.

Sasagot palang ang matanda ng marinig nila si Jiselle na kakalabas lang ng bahay.

"Anong ginagawa mo dito?" Kalmado man ang boses ni Jiselle ay ramdam naman na ng lahat ang tensyon. "Hawakan mo nga si Eve, Marco." Inilipat ni Jiselle ang pamangkin sa bisig ng kapatid.

Lumayo na rin ang matandang babae na napagtanungan ni Kylie.

"I... I'm here to at least express my condolence."

"Ahah!" Natawa na lang si Jiselle dahil sa galit. Lumapit sya kay Kylie. Nang makaharap ang kabit ni Caleb, tumitig muna si Jiselle sa mata nya. After a moment, lumapat na lang bigla ang ubod na lakas na sampal ni Jiselle sa pisngi ni Kylie. Her head swing left dahil sa pwersa ng sampal.

Napasigaw ang matatandang babae sa burol kaya nakuha nila ang atensyon nina Elena na nasa loob ng bahay.

"Ang kapal naman ng mukha mo." Nanggagalaiting saad ni Jiselle. "Alam kong ikaw ang nagpadala ng papel na yon. Alam kong ikaw ang nasa likod non para makaganti ka sa akin." Noon na hinigit ni Jiselle ang buhok ni Kylie. At habang umiiyak, she's cursing. "Bakit nanay ko pa?!  Sana sinaktan mo na lang ako ng paulit-ulit! Sana sa akin ka na lang gumanti! Napaka demonyo mo!" Kanina sagad na talaga ang pasensya ni Jiselle na huwag mag eskandalo sa sariling burol ng ina. Pero ang makita si Kylie, ang dahilan ng pagkamatay ni Loida sa oras na yon mismo, nakalimutan na talaga ni Jiselle ang salitang respeto.

Habang sinasaktan ni Jiselle ang babae, nagsilabasan sina Elena kasama ang lahat ng bisita sa loob ng bahay. May mga ilang naiwan na nakadungaw sa bintana o di kaya nama'y sa pinto.

Si Elena ang umawat kay Jiselle. Niyakap nya ito at pilit na pinatigil.

"I'm sorry!! I didn't want her to die miserably like that... ang gusto ko lang naman gumanti for humiliating me... I didn't want her to die..." Kylie cried.

Pati si Caleb ay nagulat na nandoon si Kylie.

Binitawan ni Elena si Jiselle. Wala syang kaalam-alam. Si Jiselle lang talaga ang may ideya na si Kylie ang may dahilan sa pagkaka atake ni Loida. Upon hearing what Kylie have confessed, naramdaman na rin ni Elena ang galit ng kapatid.

"Ikaw... ikaw ang nagpadala ng mga litratong yon...?"

Umiyak lang si Kylie. Elena loose her senses at sya naman ang sumampal kay Kylie at humiklas sa buhok nya.

Caleb can't take it no more. Tumakbo sya palapit kay Kylie and he pushed his wife papalayo. Lahat ikinagulat ang ginawa ni Caleb na pagkampi sa kabet nya. Even his own family ay hindi makapaniwala.

"Caleb...?" Elena cried his name.

"Tama na, tama na please!" He shouted while helping Kylie na makatayo.

"Iwan mo sya pagkabilang ko ng tatlo." Crying, Elena counted 1 to 3. Pero hindi gumalaw kahit isang hakbang si Caleb.

Takbo-takbong pumasok si Elena ng bahay, may kinuha syang dokumento at ballpen. Nang makuha ang kailangan, tumakbo sya pabalik sa labas at pinirmahan nya sa harap mismo ni Caleb ang divorce papers.

After signing it, she throw it to him.

"Ayan! Magsama kayo ng kabet mo!!"

Natulala ng ilang segundo si Caleb. May kurot ng sakit sa puso nya pero sinawalang bahala nya yon. Pinulot ni Caleb ang mga dokumento saka nya sinamahan si Kylie paalis. He left with no single word.

She too break her vow.

Broken VowWhere stories live. Discover now