60: New Vow

6.6K 108 7
                                    

After dinner with the whole family, including Adam, Jiselle gathered everyone in the living room. Maghuhugas sana si Elena ng pinagkainan pero hinila sya ni Jiselle at pilit na pinaupo sa sofa katabi ni Adam. Ang dalawang bata ay nasa itaas, naglalaro ng barbie doll house.

Dumating si Jiselle mag-isa sa bahay nila. She insisted na sya na muna mag-isa ang magsasabi sa family nya. Hindi nya alam sumunod ang mag-inang Clara at Clark.

"Ano ba kasi ang sasabihin mo, ate? Kailangan ko nang tapusin yung ginagawa ko. Trabaho ko yun." Marco complained dahil ilang minuto na silang nag-aabang sa pagsasalita ni Jiselle pero parang wala naman syang balak na ibuka ang bibig.

"Ji, ano bang problema?" Elena asked worriedly.

"Walang problema, ate... ano kasi... ganito yan..." tumighim si Jiselle. She took a deep breath, collected all the courage she have in herself and confessed her secret. "Papa, ate, Marco, kasali ka na kuya Adam... buntis ako."

Purong katahimikan ang namayani pagkatapos magsalita si Jiselle. All of their eyes are wide open. Si Elena ang unang nakarecover from shock kaya sya na ang unang nagcomment. "Okay lang. I'm happy for you, Ji. Nasa tamang edad ka naman na kaya okay na okay ako dyan." She even winked at Jiselle.

"Tama ang ate mo, 'nak. Matanda ka na. Magkakaapo na ulit ako. May maliit na namang bata na tatakbo takbo sa bahay natin." Eddie said cheerfully.

It's a comfortable moment not until Marco mentioned the father. Sabi nya, "pero ate... sino ang ama?"

Elena look at her brother and agreed. "Oo nga, Ji. Di ba dapat kasama mo sya ngayon?"

Napakamot si Jiselle sa batok. She forced herself to smile. "Required ba talaga na pagsinabi kong buntis ako dapat ko ding i-share kung sino ang ama? Pwede bang bukas ko na lang sabihin? Para may thrill. Para iba naman. Haha."

"Bakit ayaw mong sabihin kung sino? Masamang tao ba yan, 'nak? Hindi naman siguro yan kriminal, ano?"

"Hindi papa, ano ka ba!"

"Eh sino nga ba, ate? Kilala mo ba?" Pangungulit ni Marco.

Jiselle bit her lower lip. No matter how much she wanted to spill the name, hindi nya magawa. "Si ano... s-si..."

While eagerly waiting for the name, napalingon ang lahat ng dumating si Clark. He's panting. Minutes later, lumitaw ang ina nya sa likod.

"Clark? Tita?" Adam mumbled.

"Bakit nandito ka?" Bulong pero pagalit na tanong ni Jiselle kay Clark. "Di ba sabi ko ako na muna ang bahala?"

"Bahala saan, Ji?" Elena became the spoke person dahil lahat sila yun ang tanong.

"Tell them." Clark ordered while looking straight to Jiselle's eyes.

"Tell us what?" Tanong ulit ni Elena.

"Uhmn... ano... ate..." bumibwelo palang si Jiselle pero bumanat na agad si Clara.

Clara exclaimed. "My son here, nabuntis nya ang sister mo, my dear Elena. I'm so happy knowing that my grandchild will come from this family!"

Sabay-sabay na pumihit ang ulo ng lahat. From Clara to Jiselle and to Clark. Their mouth agape. Hindi sila makapaniwala.

"Don't worry El, Marco and tito. Hindi ko naman tatakbuhan si Jiselle and my child. Magiging mabuting ama ako, I swear."

"Aha... ahahahahaha." Napatawa ng malakas si Eddie saka sya tumayo at kinamayan si Clark. "Sobrang takot ko akala ko kriminal ang ama ng magiging apo. Pero ngayong nalaman kong ikaw pala, kampante na ako. Masuwerte itong si Jiselle namin dahil ikaw ang pinadala sa kanya ng Panginoon. Tadhana nga naman, oh-oh." Eddie faces Clara at sya naman ang kinausap nya. "Pano balae? Pabayaan na lang ba natin ang mga bata na mamili ng petsa ng kasal?"

Broken VowKde žijí příběhy. Začni objevovat