45: Road to Brotherhood?

4K 96 9
                                    

Just like the other day, gumising ulit si Elena ng maaga para ipaghanda ang anak sa pagpasok. Five thirty sya bumaba para magluto. Naabutan na nya ngayon ang kasambahay nila sa kusina na nagsalang na ng sinaing.

"Yaya? Ano oras umuwi si Jiselle?" She asked while beating the egg na ipiprito nya kalahok ang patatas.

"Naku, ma'am, hindi ko po alam. Hindi ko po naramdaman ang pagdating ni ma'am Jiselle kagabi." Sagot ng matanda na sya namang nagmi-mince sa patatas.

"Ganun po ba?" Elena dropped the topic. "Yaya, paki prito na lang po nito ha? Gigisingin ko na si Eve. Paki prito na rin po ng hotdog at ham jan sa ref." Binitawan nya ang wire whisk na hawak sana nya inalis ang pagkakabuhol ng apron sa kanyang likod.

"Sige po, ma'am.  Ako na pong bahala."

"Salamat, yaya." Elena tapped the woman's shoulder saka sya umalis ng kusina't pumanhik. Dala nya ang gatas na tinimpla nya.

When Eve wakes up, pinainom ni Elena ng gatas ang anak then pinagligo. Binihisan nya si Eve at pinuyod ang buhok. After 30 minutes, they go down for breakfast. Nasa hapag na si Eddie at si Marco.

"Careful eating, okay? Baka madumihan ang uniform mo." Elena reminded.

"Yes po, mommy."

Umupo si Elena sa tabi ng anak at nilamnan na rin nya ng pagkain ang plato nya.

"Nasan ang ate mo, Marco? Katukin mo nga't baka tulog pa." Sabi ni Eddie dahil gusto nyang lagi silang magkakasabay kumain.

Dahil tinatamad, kunot noong sinabi ni Marco, "wala si ate dun, 'pa. Hindi umuwi kagabi. Gising pa ko bandang ala una, wala akong narinig sa kwarto nya."

"Did tita Jiselle left us? Mommy, naglayas si tita?" Singit ni Eve habang hawak nya ang kubyertos na may nakatuhog na hotdog.

"No, Eve. Wala namang reason si tita to leave us. Wait, tatawagan ni mommy. Yaya, paabot naman po ng cellphone ko na nasa ibabaw ng mesa sa sala."

Mabilis na sumunod ang kasambahay nila. In just couple of minutes, bumalik ang matanda dala-dala ang cellphone ni Elena.

She immediately dialed Jiselle's phone number ang kaso ay lumipas na ang ilang minuto na walang sumasagot kaya sadyang naputol ang ring. She tried for the second time. At sa pagkakataong yon, may sumagot sa kabilang linya.

"Hello...? Clark Robinson speaking..." halatang bagong gising ang boses ni Clark.

Confused, inilayo ni Elena ang phone at tinignan kung tama bang number ni Jiselle ang kinontact. She's not wrong. Kay Jiselle nga pero bakit si Clark ang sumagot?

"Who is this? Do you know what time is it? Are you gonna speak? I'll hung up now. Natutulog pa yung tao eh."

"Hello, Clark. It's Elena." Nagkatinginan ang mag-aama sa hapag habang si Eve busy sa pagnguya.

"What's up, El? Why did you call?"

"Actually I've called in Jiselle's phone. Bakit ikaw ang sumagot? Magkasama ba kayo?"

There's a long moment of pure silence sa kabilang linya. Mayamaya pa ay matinis na sigaw ni Clark ang narinig nya. After the scream, naputol ang tawag.

"Ano daw?" Usisa ng kanilang ama.

"Si Clark ang sumagot eh. Okay lang naman siguro yun. Si Clark naman ang kasama."

┈──╌❊╌──┈

There's a weird feeling sa katawan ni Clark. Ramdam nya yung sakit ng katawan plus ang tigas ng hinihigaan nya. But he ignored it dahil antok na antok talaga sya.

Broken VowWhere stories live. Discover now