16: Fight & Guilt

2.9K 65 7
                                    

Walang tulog si Elena dahil buong gabi nya inaalagaan at binabantayan si Eve. Mugto ang mga mata nya, malaki at maitim na rin ang paligid nito dahil sa ilang gabing pagpupuyat.

"Ang nangyari sa anak mo misis is galactosemia, a form of metabolic disorder for babies. The body can't break down the food correctly, which can cause the body to have too much or too little of certain substances kagaya ng amino acids, phenylalanine and blood sugar. Hindi din sya natunawan ng maayos which made her vomit. This is nothing serious, actually. Sumabay lang talaga sa high fever ni Baby Eve ang pagmalfunction ng metabolic system ng bata. But it is good na dinala mo sya sa hospital for the proper medication. We will monitor her body temperature and if it remained normal, pwede na kayo madischarge right away."

"Maraming maraming salamat po, doc. Salamat po." Lubos na pinarating ni Elena ang pasasalamat sa doktor na tumingin sa anak.

Alas syete na ng umaga. Wala pa syang balita kay Caleb, ni hindi nga ito tumatawag o nangangamusta. Si Jiselle na ang sumagot sa gamot na nireseta para kay Eve.

"Ate, matulog ka na muna. Ako na ang magbabantay kay Eve." Ani Jiselle na wala ring tulog.  Awang awa sya sa ate nya. Wala pa kasing kinakain si Elena simula nang makaratinng sila sa hosital.

Nakaupo si Elena sa isang monoblock na upuan, beside the hospital bed where Eve is laying. Wala silang sariling kwarto. The only thing that seperate them from the other patients ay ang mga kurtina. 

"Sige, na Jiselle. Umuwi ka na. May trabaho ka pa diba?" Tiningala ni Elena ang kapatid.

"Wala akong pasok ng sabado, ate. Sasamahan kita dito."

"Okay na, Jiselle.  Wag mo na kaming alalahanin dito."

Despite of Elena's plea, Jiselle choose to ignore her. "Pupunta ako sa canteen ate. Bibili ako ng kape at makakain. Mabilis lang ako, okay?"

Tumango lang si Elena. When Jiselle left, Elena cried silently. Naaawa syang makita si Eve sa ganoong kalagayan. The baby is breathing heavily. Parang may mabigat na nakadagan kay Eve para huminga ng ganoon kabibigat.

Halos bente minutos na rin ang lumipas nang may marinig syang malalakas na boses sa pediatric ward.

"Where is my apo?! Where is Evangelie?" Elena is certain na kilala nya ang boses na iyon. "Eve? Elena?!"

Binuklat ni Marichel ang mga kurtina sa ward, desperately searching for her daughter-in-law and granddaughter. Lalabas na sana si Elena kaso sakto namang nabuklat ni Marichel ang kurtina nila.

"M-mama..." Elena whispered. Nagtataka sya kung papaano nalaman ng biyenan.

"Oh my God, my poor Eve!"

Marichel rushed towards her granddaughter and she caressed her cheeks. After that, tinignan nya ng masama si Elena.

"How could you keep this secret from me. Wala ka talagang kwentang ina, Elena! Kung hindi pa sinabi ni Cedie, hindi ko pa malalaman?! Just how could you?!" Marichel's voice is in range.

Kagabi ay tinawagan ni Elena ang kuya Cedie nila para sana tanungin kung alam kung nasaan naroroon si Caleb.  She also mentioned Eve's state. Now she know kung papaano nalaman ni Marichel.

"S-sorry mama... Ayaw ko na kasi kayo mag-alala pa... "

"What a lame excuse! And why is Eve being admitted in this ward?! Hindi mo man lang sya binigyan ng maayos na kwarto! Tell me, bakit mo tinitipid ang apo ko?! Ano pa ba ang pinagkakagastusan mo?! Siguro sinasali mo sa sustento yang pamilya mo!"

Nagtangis ang bagang ni Elena. Ayaw nya kasi sa lahat ay yung dinadamay ang pamilya nya na wala namang kinalaman sa kung anong mga nangyayari.

"Mama, wag nyo naman pong idamay ang pamilya ko."

Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon