9: Kylie Choi

3.3K 60 4
                                    

It's already Monday and like the usual, gumising ng maaga si Elena. She prepared breakfast for her husband. Lagi ding maaga gumising si Eve but looks like today is an exception. Pinagplantsa na rin nya ng coat at pants si Caleb. Ultimong brief nya ay si Elena pa ang naghahanda. Ganon kaasikaso ni Elena ang kanyang mag-ama.

By 6:25 in the morning, gumising na si Caleb. Wala na syang ibang ginawa kundi gumayak because everything has been taken care of. Yun panligo nya, yung kape at kakainin nya, yung mga susuotin nya ready na. Pagpatak ng 7:00 A.M ready to go na si Caleb.

Inaayos ni Elena ang tie ng asawa nang banggitin niya ang tungkol sa pera.

"Daddy, sumweldo ka na diba?" Nahihiya pang tanong ni Elena.

Automatic na kumunot ang noo ni Caleb.

"Why?"

"Katapusan na ng bwan. Due date na ng kuryente at tubig." She answered.

"Hindi ba nagbigay na ako? What happened to that money?" Although hindi nagustuhan ni Elena ang pinapahiwatig ng mga salita ni Caleb, she still hold on to her patience.

After she finished his tie, lumayo si Elena. Iniligpit nya ang pinagkainan ng asawa.

"Daddy, nung akinse mo pa binigay yun. 2 weeks na ang nakakaraan." She put the dirty dishes into the sink and hinugasan nya lahat ng yon.

"Yeah! So ano ngang nagyari sa pera?! That's 10,000 pesos! Kung anu-ano na naman kasi ata ang binili mo eh!"

Napahinto si Elena sa paghuhugas. She closed the faucet and dropped the plates back to the aink. Hinarap nya si Caleb.

"Daddy... hindi napunta para sa sarili kong interes ang perang yon. Pinangbili ko yon ng mga gamit at pagkain para sa atin." She tried to explain but his way of speaking didn't change.

"10,000 para lang lahat sa bahay?! Naubos mo yon ng dalawang linggo lang?! Nagkakasya naman dati yun ah?"

"Dati yun! Nung dalawa pa lang tayo! Pero ngayon may anak na tayo, daddy. May pangangailangan din si Eve. Pinangbili ko ng gatas nya, ng wipes, alcohol, pulbos, ng mga gamit para sa kanya! Ibibigay ko sayo ang resibo kung gusto mo dahil hindi ko ginagasta ng basta basta yang pera mo!" Lumabas na ang lahat ng yon sa bibig ni Elena bago pa nya mapigilan ang sarili. Uminit na kasi ulo nya eh. Wala syang ibang ginawa kundi alagaan silang dalawa, give them the best of her tapos ganon pa kung umimik si Caleb dahil lang sa pera. Nakakalimutan na ata kasi ng asawa nya na tatlo na sila ngayong kumakain.

Dahil sa lakas ng boses nilang mag-asawa, nagising si Eve at nagumpisang magngangawa. Malakas daw kasi ang pakiramdamn ng mga bata. They knew if their surroundings is okay or not. Naramdaman siguro ni Eve yung tension sa pagitan ng magulang nya kaya nagulat sya sa sigawan.

Binunot ni Caleb ang wallet nya na nasa bulsa. He took 5,000 pesos worth at padabog na inilapag sa mesa. "Oh, ayan!" After mumbling, he stormed out. Halos makalas na yung pinto nila sa lakas ng pagkakasara.

Naiyak na lang dahil sa galit si Elena. Nilunok nya ang pride at kinalap ang pera bago pa nya puntahan si Eve.

Binuhat ni Elena ang anak mula sa crib. Eve is crying so much. Nararamdaman nya kasi yung dinadalang sakit ng ina. Mothers have natural string attached to their kids compared to the fathers. May cases din syempre na mas malakas ang bond ng ama sa anak especially pagwalang nanay na mag-aalaga.

Elena rock her daughter habang nasa bisig nito. Sabay silang mag-ina sa pag-iyak ng oras na 'yon.

An hour later, bigla namang kumatok si Clark sa bahay nina Elena. He brought food for them and a present for Eve. Inaanak nya kasi sa binyag. And dahilan ng pagpunta nya ay para sya naman ang makabisita since si Elena ang pumunta sa kanya kahapon.

Broken VowWhere stories live. Discover now