Chapter 39

6K 141 78
                                    

Chapter 39: Disgrace (trigger warning)


"Aly, your company is falling apart...and the only way you can do is to marry Vien," Archielle said and being worried because of the news of my parents, I've sobered already on these drinks and I didn't sleep at all.

This house is full of your presence and you think I can get over you Sienna? Ngayon palang lumalabas ang mag sikterong halos hindi ko na masikmurang isipin pa, ang bigat sa dibdib na malamang unti-unti kang pinag-pyepyestahan at wala man lang silang awa sa'yo.

"Your suggestion is not helping at all, Archi" lasing kong sabi at hindi siya magawang balingan ng tingin dahil ang atensyon ko ay nasa baso ng alak na pinag-lalaruan ko sa kamay ko, my head is spinning already and myself used to be mine but now it's already gone.

He sighed and took away the glass that I'm playing, papikit-pikit akong tumingin sa kanya pero gusto ko pang uminom hanggang sa hindi ko nalang maramdaman ang sarili kong sakit.

Tama na, nakuha mo na lahat sa akin kaya ano pa bang balak mong ibigay?

Masakit na kasi, tanginang buhay 'to dahil walang ibang binigay sa akin kung hindi pasakit lang.

"Your parents are already in prison that means that you have to start again Aly, you can still save your company despite the happenings" I don't even know what to do anymore, I lost myself and can't think straight already because of how drowned I am to my problems.

Yung parang gusto mo nalang sarilihin lahat pero hindi mo magawa dahil puno ka na, yung parang gusto mo nalang umalis sa lahat pero hindi mo magawa dahil may nag-tutulak sa'yong isang tao na manatili.

"I-I don't even know what to think anymore...you think marrying Vien is the solution? Madadamay lang ang pamilya niya and I will not beg for them" I don't want to tie myself on a woman that I don't love anymore dahil alam kong isa nanaman 'yun sa magiging problema ko.

Ngayon palang ay nahihirapan na ako, ngayon palang ay wala na ako at ngayon palang ay sobrang ubos na ako. Everything is keeping me down and I just let myself to be drowned on this pain, wala naman akong kasama e' dahil lahat sila ay iniwan na ako.

"Maybe marrying Vien is the only thing you can do...you're holding to your past Aly, ipunta mo naman ang atensyon mo sa nangyayare ngayon" pananaway sa akin ni Archi na dahilan para masama ko siyang tingnan.

Sa tingin niya ba madaling makalimutan ang nakaraan?

Ang nakaraan ko ay parang iyon na ang kumokontrol sa buhay ko, I'm ruined because of my past and it will haunt me until my last breath. 

"Do you think it's easy for me to let go of my past, Archi?"

"Sa tingin mo ba makakabuti sa akin na kalimutan nalang ang lahat...kasama ang babaeng mahal ko sa nakaraan ko at ang bigat na wala man lang ako nagawa" 

I'm stuck in my past and I don't know if I can let go of it, ang nakaraan ko ay kasama ang babaeng mahal ko na kahit limang taon kaming nag-kahiwalay ay pakiramdam ko ay nasa tabi niya pa rin ako.

Ang sakit nga lang na yung akala kong nasa tabi ko siya ay isang kaluluwa nalang pala at isang ilusyon.

Yumuko ako ng bahagya at naiyukom ang mga kamao ko "P-Pagod na ako, Archi" pag-bibitaw ko sa laban, pagod na ang katawan at isip ko sa pag-iintindi ng lahat hanggang sa mabaliw nalang ako.

"P-Pagod na pagod na ako..." muli kong pag-bitaw at pinikit ang mga mata ko, sinandal ko ang ulo ko sa lamesa at ramdam ko ang pag-kalamig nanaman ng katawan ko na para bang handa na akong mawala sa mundong 'to.

Ruling The Senator's Son (High Class Issue Series #2)Where stories live. Discover now