Chapter 28

6.1K 135 33
                                    

Chapter 28: Blind


"Nag-sampa na ako ng kaso laban kay Alexis Nuesco pero bakit ganito ka Sienna?" ang tanong sa akin ng aking ina na halos hindi mawala ang pag-aalala.

Mariin nalang akong napa-pikit dahil sa tatlong araw na ang nakalipas simula nung nangyare iyon sa akin at halos hindi na ako lumalabas ng kwarto ko.

Sa pag-pikit ko ng aking mga mata ay doon na rin tumulo ang mga luha na hindi na natigil simula kagabi pa, nakahiga lang ako sa kama at pilit na nilulunod ang sarili ko sa bigat ng nararamdaman ko.

I sobbed quietly and buried my face on my pillow and as I did that, I can feel the way Alexis touched my body without permission. Lumakas ang aking pag-hikbi dahil sa kababuyang ginawa niya sa akin.

Why did he denied it?

There's something wrong but I don't know what is it, malakas ang kutob ko na ginahasa niya ako pero bakit wala akong matukoy na ebidensya?

Bakit sa kabila ng sakit na nararamdaman ko ay unti-unti na akong nauubos, bakit sa kabila ng pag-subok na ito ay mas pipiliin ko nalang ang sumuko?

"Hindi ka puwedeng mag-mukmok nalang dito, Sienna. Kailangan mong lumaban dahil binaboy ka ng lalaking 'yun!" ang galit na sabi ni mama na dahilan para mas lalo kong ibaon ang mukha ko sa unan na para bang ayoko ng maka-hinga.

Ano pa bang saysay ng pag-laban kung lahat naman sila ay pupunahin ako at iisiping ginusto ko pa ang nangyare?

Sa tatlong araw na nakalipas ay kumalat kaagad na nag-sampa ng kaso ang nanay ko kay Alexis Nuesco at hindi ko alam kung mananalo ba kami.

Lahat sila ay naging mapang-husga nanaman at hindi ko alam kung kakayanin ko ba ngayon dahil sa wala na talaga akong lakas, gusto ko nalang mag-mukmok habang unti-unting nilulunod ang sarili ko sa lungkot.

Wala na ang dignidad ko, ni hindi ko siya pinayagan na hawakan ako kung saan-saan pero pinag-samantalahan niya ako. Ginamit niya ang kahinaan ko para pag-laruan ang katawan ko.

Nakakadiri hindi ba?

Nakakadiri ang isang kagaya ko hindi ba?

Mas lalo namang humigpit ang hawak ko sa unan ko ng makaramdam ako na para bang bumabaliktad ang sikmura ko, pinipilit kong pigilan ito pero pakiramdam ko ay aabot na ito sa bibig ko.

"Sienna, huwag kang sumuko ngayon na---"

Naputol ang sinabi ni mama dahil sa agad akong tumakbo papuntang lababo at para akong nanghihina na naduwal sa lababo.

Ramdam ko ang hilo at ang pagiging balisa ng aking katawan itong mga nakaraang araw, bago pa mangyare ang ginawa sa akin ni Alexis ay panay ang hilo at ang pagod sa katawan ko kahit naman hindi naman ganon kabigat ang ginawa ko.

Sa pag-tapos ko ay biglang sumagi sa isipan ko ang isang salita na ikinanginig ng aking katawan.

I tried to shook my head to get away on this thought but these past few days I felt this weird feeling on my body.

Binasa ko ang labi ko at tumayo na para bang nag-kunwaring walang nangyare sa akin pero kaagad na bumungad sa akin si mama na ngayon ay parang hindi makagalaw at gulat na gulat pa.

"N-Nalipasan lang po ako ng kain, ma" ang pag-papalusot ko sa nanay ko pero narinig ko ang pag-buga niya ng malalim na hininga na para bang may nakita siyang isang multo.

Hindi na ako nag-atubiling hintayin pa ang kanyang sasabihin, ramdam ko ng babagsak na ang mga tuhod ko kaya mabuting bumalik na ako sa kama at mag-pakalulunod ulit sa lungkot.

Ruling The Senator's Son (High Class Issue Series #2)Where stories live. Discover now