Chapter 06

9.2K 265 22
                                    

Chapter 06: Almost


"Sorry, college graduate kasi ang hanap namin e" ang sabi ng staff ng pangatlo kong pinuntahan na call center na dahilan para mag-pakita nalang ako ng isang pilit na ngiti.

Ang hirap pala kapag hindi ka rin nakapag-tapos ng pag-aaral ng kolehiyo, second-year college lang ang natapos ko at after nung nangyare kay mama ay doon na ako pumasok sa club.

Alam ko naman na mahihirapan ako dahil sa hindi ako college graduate pero pag-susumikapan kong makapag-hanap ng trabaho para sa pamilya ko.

"Kahit po ba bakante ma'am, wala po talaga?" ang mahinhin kong tanong at umiling naman siya sa akin bilang sagot na dahilan para mag-pakawala ako ng malalim na hininga.

"Sige po, salamat po" ang sabi ko at tumayo nalang na may mabigat na pag-hinga, hindi ka puwedeng sumuko Sienna at huwag kang pang-hinaan ng loob. Makakapag-hanap ka ng trabaho.

Lumabas ako ng pangatlong call center na pinuntahan ako, tiningnan ko ang karatula nito at halos mag-pakawala nanaman ako ng isang malalim na pag-hinga. Saan ka na pupunta ngayon, Sienna?

Sa isang iglap ay bigla namang sumagi sa isipan ko ang Monreal Fields na dahilan para mag-tama ang dalawa kilay ko dahil sa inis nanaman na namumuo sa aking katawan, bakit ba lagi kong naiisip ang bagay na iyon?

"Argh! Hindi kapupunta doon, Sienna" ang pag-papakawala ko ng pangako sa sarili ko, pride naman ang uunahin ko dahil sa yung magiging boss ko doon ay nakasama ko na sa kama at magiging awkward 'yun.

Mabilis na tumakbo ang oras at ngayon ay alas-dos na ng hapon, may listahan naman ako ng mga puwede kong puntahan na at sana naman ay isa sa kanila ang tatanggap sa akin bilang empleyado nila.

"Ang sunod na stop is call center ulit" ang sabi ko habang nanliliit ang mata dahil sa sinag ng araw na tumatama sa papel na hawak ko. Pinilit kong pangitiin ang sarili ko para naman hindi ako tamarin mag-hanap ng trabaho.

Hindi palagi e' may 50,000 ako sa bulsa ko at dapat lang na ipunin ko iyon para naman sa mga susunod na tanong e' hindi na ako mahihirapan. Dapat ipon lang tayo ng ipon hanggang sa makuha natin ang mga importanteng bagay na ikakaluwag ng pamilya.

Ayoko namang mag-mukmok lang sa isang tabi dahil ako naman ang kusang umalis sa club, pasalamat nga ako e' mabait si Mister Cheng at pinakawalan ako kaagad. Sa tingin ko ay mahihirapan siyang mag-pakawala kapag sila Kate at Liyen na ang nag-sabi.

Kamusta na kaya yung club sa unang araw na wala ako?

Dumiretso na nga ako sa call center na pang-apat sa aking pupuntahan pero halos mapunta na ang nguso ko sa sahig dahil sa college graduate nanaman ang nais nilang makuha at yung iba ko namang pinuntahan ay wala ng bakante.

Napakamot ako sa ulo ko dahil dalawa nalang ang natitira sa akin at iyon ang mga kahera sa mga supermarket, ayos lang naman ako doon at madali naman akong matuto kaya sana isa sa dalawang ito ang puwede kong pasukan.

Pero kapag wala sa kanilang dalawa ay hindi naman ako titigil kaagad at gagawa ulit ako ng listahan para naman sunod-sunod ang pag-punta ko sa mga trabaho.

 Hindi naman ako nag-aasam na sa isang kompanya ako malalaglag, hindi ko ba alam pero sa tingin ko ay mas mahirap ang kalakaran doon at mas kailangan ng detailed curriculum vitae.

Handa naman ang curriculum vitae ko, maayos at maganda ang pag-kakalagay ng mga impormasyon tungkol sa akin. 

Halos lahat ng mga achievements ko sa buhay ay nilagay ko dito at sana nga ay kahit hindi ako college graduate e' makakuha ako ng trabaho.

Ruling The Senator's Son (High Class Issue Series #2)Where stories live. Discover now