SPECIAL CHAPTER

11.6K 304 380
                                    

SPECIAL CHAPTER: FINALLY HOME

"Maraming salamat po sa tulong niyo na mapa-saamin ang lupang 'to, Ms. Gallegos. Tuwang-tuwa po kami mas lalo na po 'yung mga bata dahil hindi na namin kailangang umalis pa sa bahay ampunan na 'to."


I couldn't help but smile at what Ms. Bernardo said. I know the orphanage was important to her since she's also an orphan that was adopted by the owner. Such a relief that we won the case for them to have the title to the land.


May isang negosyante kasi ang balak kunin ang lupa para magtayo ng kompanya pero tutol ang bahay-ampunan kahit na inalukan na sila ng malaking pera.


"It's my pleasure to help the orphanage, Ms. Bernardo. To see the kids worrying about you guys talking about moving, I know to myself that I should do something," I remarked, which made her grimace. Of course, helping this orphanage is a big deal to me. When the orphanage got mentioned to the news begging for help, I didn't hesitate to call them right away.


"Malaking bagay ang ginawa niyo para sa mga bata, Ms. Gallegos. May mga tao pa rin palang kagaya niyo na matulungin na hindi humihingi ng kapalit."


Suminghap ako. "'Yung mga batang inaalagaan niyo ay mga anak niyo na rin. Kahit hindi ko naranasan ang maging isang ina sa anak ko noon ay masaya ako na pinaranas naman sa akin ng mga bata ang maging isang magulang."


I lost the chance to be the mother of my child, but I know that he's already happy living above, guiding me. It was a big loss for me, but I have to keep living for him. When I had a miscarriage, it's like the hope I was waiting for deprived me.


"Naku, puwede naman kayong dumalaw dito, Ma'am, kahit kailan niyo gusto. Masaya nga 'yung mga bata sa tuwing nandito kayo. Kung hindi niyo man naranasan ang maging ina sa anak niyo noon, dito, dito sa bahay-ampunan na 'to puwedeng-puwede," aniya kaya napakagat ako sa aking labi. Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso dahil sa biglang pagbanggit sa batang hindi ko man lang nailuwal. Napaka-sama ko ba kaya siya nawala sa akin?


I squeezed my eyes shut, trying to gain my sense after my child got mentioned. It still hurts, you know. Kahit ilang taon pa ang lumipas, malinaw pa rin sa alaala ko ang nangyareng pagkawala ng anak ko. Kaunti na lang at masisilayan ko na siya e' ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon nagkasakit pa ako.


"Maiwan ko po muna kayo, Ms. Gallegos. Aasikasuhin ko lang po ang miryenda niyo," paalam sa akin ni Ms. Bernardo at matipid na lang akong ngumiti bilang tugon sa kanya.


Nung naiwan ako ay nahagip ng mga mata ko ang mga batang naglalaro sa palaruan. Punong-puno ng mga tilian at mga tawanan ang labas kaya kahit papaano ay gumaan ang nararamdaman ko. Sumandal ako sa pintuan at nakangiti lang silang pinagmamasdan.


What if I didn't lose you?


Pinagkrus ko ang dalawang braso ko at habang naglalaro sa tenga ko ang mga tawanan ng mga bata ay hindi ko namalayan na madali palang namuo ang mga luha sa aking mga mata.


Something always brings me back to those memories I'm trying to bury. Every time I'm remembering those days that I suffered, I always end up being fragile. Everything still lingers in me, and it won't leave me alone. It was suffocating, but here I am, trying to cope up and be a better version of myself.

Ruling The Senator's Son (High Class Issue Series #2)Where stories live. Discover now