Chapter 16

7.7K 200 35
                                    

Chapter 16: Regrets


"Wow..." halos malaglag na ang panga ko ng makita ang malaking bahay na pinasukan ko na para bang kasya ang ilang bahay ko na maliit dito.

The place was full of antiques, paintings and gold chandeliers that can make the whole house light. Parang hindi ko na balak gumalas dahil sa baka mamaya e' may masanggi ako o ano pa man, manghang-mangha pa rin ako na kasama ako sa hapunan ng mga Monreal.

Fuck, hindi ko alam kung bakit ako inaya ni Donya Ariella pero thankful naman ako. Dapat sila lang tatlo ang nasa hapunan pero sinama pa nila ako, nakakahiya.

"Sir, nakahanda na po ang hapunan" ang sabi ng isang maid na dahilan para tumango si Aly bilang sagot. Kanina pa siya tahimik at halos ngayon ay hindi ko na siya maabot, iba ang awra niya ngayon dahil mas lalo siyang nanlamig.

Napunta naman sa akin saglit ang tingin ng maid at kumunot ang noo ko ng tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Ganyan na ba sila maka-tingin ngayon?

Biglang nag-lakad si Aly na dahilan para sundan ko siya, hindi ko naman alam kung saan ang dining nila dahil hindi naman ito mismo ang bahay ni Aly na lagi kong pinupuntahan. Argh! Nakakakaba naman ang pag-tapak sa bahay ng Monreal.

"Mom" ang tawag ni Aly na dahilan para pasimple kong ayusin ang itsura ko, para akong isang basahan dito sa bahay ng mga Monreal at hindi ko ba alam kung bakit ako inimbita ni Donya Ariella.

"Oh, my Aly!" ang sigaw ng mama niya na ngayon ay naka-bestidang pula at suot-suot pa ang magandang apron, humalik ito sa kanyang anak sa muling pag-kikita nila habang ako ay parang gusto ko nalang tumakbo.

Hindi naman ako nararapat dito pero nakakahiya naman kung aalis ako e' inaya ako nitong si Donya Ariella.

Her eyes immediately shifted to me, she raised her two eyebrows with a smile ear to ear "Good evening, Ma'am Ariella" ang bati ko dito at bahagya pang yumuko.

"Good evening rin, hija. Pinag-handa rin kita ng dinner kaya kumain ka ng marami ha" mabait na sabi sa akin ni Donya Ariella na dahilan para awkward akong napa-ngiti.

"Wala pa dito ang daddy mo, mukhang ma-lalate ata pero puwede na kayong maupo" nung si Senator Eduardo ang pinag-usapan ay ramdam ko ang pagka-sarkastiko ng boses ni Donya Ariella na para bang ayaw niyang saluhan kami ng asawa niya.

Mukhang may problema pero hindi na dapat ako mang-himasok doon.

Umalis si Donya Ariella para siguro kunin pa ang ibang pagkain sa kusina, nagulat naman ako ng bigla akong pag-hilaan ng upuan ni Aly. Salit-salit ang tingin ko sa kanya maging sa upuan na hinila niya, what is he doing?

"What, you're just gonna stand there? I pulled the chair for you so sit down, woman" he ordered with a sharp tone the reason why sumunod ako kaagad, kami lang ang nandito sa dining area at habang kasama ko si Aly hindi ko maiwasang sulyapan siya dahil sa kanyang kinikilos.

Tinanggal niya ang kanyang coat na suot niya at nilagay ito sa bakanteng upuan para naman walang sagabal sa kanyang pagkain. I cleared my throat and tried to relax myself knowing that I'm having dinner with tge Monreal family.

This is nerve-wracking, para akong hindi maka-hinga na kahit dinner lang naman ang gagawin namin.

"Tss, stop acting stupid there"

Masama naman akong tumingin kay Aly "What? I'm not acting stupid" pag-alma ko sa kanyang sinabi na dahilan para ngumwi siya.

Sa totoo lang ay tinalo niya pa ang mood ng babae, kanina lang ay gumuhit siya ng hubo't hubad na babae na ako ang pinag-basehan niya tapos ngayon ay ang lamig nanaman niya.

Ruling The Senator's Son (High Class Issue Series #2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ