Chapter 02

12.2K 375 32
                                    

Chapter 02: Senator


"Can I take you home?"

Halos umigting ang tenga ko dahil sa sinabi ng lalaki na dahilan para mapa-hinto ko, parang kanina lang ay mataray pa ang tono niya sa akin pero ngayon ay halos malumanay na ito at walang arte.

Napag-tagumpayan kong balikan siya ng tingin at halos mapa-balingkwas ako ng makitang sobrang lapit niya sa akin, ang kaninang nanlalaki niyang mga mata ay bumalik nanaman sa pagiging matalim na dahilan para kabahan ako.

Hanggang balikat niya lang ako at kailangan ko pang iangat ang tingin ko para makita ng mabuti ang mukha niya. Maganda ang hubog ng katawan niya na puwedeng modelo, matulis ang kanyang panga at ang mukha niyang hugis parihaba, makapal rin ang kilay nito at maliit lang ang mata. Ang matangos nitong ilong at ang mapula niyang labi na kahit puno ng ilaw ang club ay nakikita ko ang pag-kabuhay nito.

Saglit na nawala ako sa sarili ko ng mapunta sa magandang arko ng kanyang labi ang tingin ko. Ramdam ko ang pag-init ng katawan ko at para bang dinadala ako sa ibang mundo ng pagiging isang lalaki niya, ano ba Sienna?!

Pinikit ko ang mga mata ko dahil sa pag-kawala sa sarili, jusko! Saglitan na nawala ang galit ko dahil sa pag-mamasid ko sa mukha ng lakaking nasa harapan ko.

"B-Baliw ka ba, bakit ako sasama sa'yo?" mataray kong sabi at sinuklay ang buhok ko na tumatakip sa bilog kong mukha, nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga at ang pag-umbok ng kanyang dila sa gilid ng kanyang labi na dahilan para mabilis na kumurap ang mga mata ko.

Umiling ako at inirapan nalang siya, wala naman siguro ang mapapala sa isang lalaking ito. Nasira na nga ang phone ko dahil sa maskulado niyang katawan tapos tinanong ba naman ako kung puwede akong isama pauwi, may amats ba siya?

Tumuloy na ako sa back room ng club at nakita ko ang mga kapwa ko workers na nag-aayos na ng kanilang mga sarili. Yung iba ay nasa harap ng vanity na nag-lalagay ng kolorete sa mukha habang yung iba naman ay inaayusan ang buhok nila, maganda nanaman sila para sa ngayong gabi.

"Oh, mukhang mahuhuli ka ng labas ha" ang sabi ni Kate na ngayon ay makapal na ang make-up sa kanyang mukha at panay ang sayaw ng mga malalaki niyang hikaw sa tenga dahil sa pag-galaw.

"Hayaan mo na siya Kate, mabilis lang naman mag-ayos 'yang si Sienna" pananaway ni Liyen na ngayon naman ay nasa harapan ng salamin at nag-lalagay ng blush sa kanyang pisngi.

Bumalik ang tingin ko kay Kate na halos lumipad na ang kilay dahil sa pag-taas nito sa akin, hindi naman ako papalag sa kanya kaya huwag na siyang pabibo diyan.

"Ano pang tinutunganga mo, hindi ka ba gagalaw? Hindi mo ba nakikita yung mga nag-hihintay na customers doon?" pag-mamataray niya na dahilan para ipikit ko ang mga mata ko saglit, gusto ko na talaga siyang tarayan pero malakas kasi siya kay Mister Cheng dahil sa matagal na siya dito.

"Gumalaw ka na!" napabalingkwas ako dahil bigla siyang sumigaw na para bang isa siyang tigre na nakawala sa kulungan, palihim na ngumiwi ang labi ko dahil sa ugali niyang magaspang pero bahala na. Hindi na rin naman ako mag-tatagal dito kaya hindi na ako mababadtrip na makita siya.

Binaba ko ang bag ko at umupo sa harap ng vanity table na may mga ilaw para makapag-ayos na, suminghap ako dahil sa pag-mamadali baka kasi maiwan ako dito at patay ako kay Mister Cheng.

Eyeshadow lang at blush ang nilagay ko sa mukha ko dahil ayos na rin naman ito sa akin, sa magagandang babae dito ay bihira lang naman ako mapili ng mga customers. Bahala na sa ngayong gabi ang basta maka-kita ako.

Huli kong nilagay ang pulang lipstick na dahilan para mas lalong mapansin ang mukha ko, may nag-lagay naman ng hikaw sa vanity na dahilan para kumunot ang noo ko.

Ruling The Senator's Son (High Class Issue Series #2)Where stories live. Discover now