Chapter 29

6.1K 169 55
                                    

Chapter 29: Attempt (trigger warning)


"Kumain ka na Sienna, balak mo bang patayin ang sanggol na 'yan na nasa tiyan mo?!" galit na tanong ni mama na dahilan para yakapin ko ang sarili ko at yumuko nalang.

Sa pag-pikit ko ng aking mga mata ay tumulo nanaman ang mga luhang pilit kong tinatago sa kanila.

Bakit ganon ang mga tao?

Kalat na kalat na sa social media ang mukha ko at kung ano-ano na ang sinasabi nila sa akin, hindi ko alam kung sino ang nag-labas ng video na 'yun pero pati ang pag-tatalik namin ni Alexis ay nailabas rin.

Marami sa kanila ang sinasabing ang habol ko ay pera at ginusto ko ang nangyare. Ang iba naman sa kanila ay nanghihingi ng link sa sex video naming dalawa.

Sirang-sira na ako at nakakahiya ng lumabas ng bahay, nakakahiya ka Sienna!

Ang bawat tao na natutuwa sa panonood ng sex video ko ay hindi mo maituturing na tao. Gusto nila ng link o isend sa kanila ang video na para bang ikakatuwa pa nila na makita akong unti-unting pinag-lalaruan ng hayop na lalaking 'yun.

Humikbi ako dahil sa maalala ko lang ang mga salita maging ang video ay parang binagsakan na ako ng langit.

"Lumabas ka na sa kwarto mo, Sienna! Parang-awa mo na, huwag mo namang pahirapan ang sarili mo!" buong pag-mamakaawa ni mama na dahilan para takpan ko ang tenga ko na para bang hindi ko na kinakaya ang mga naririnig ko.

"T-Tama na... suko na ako" garalgal na bulong ko sa aking sarili sa maliit na kwartong pinag-kukulungan ko, ayoko nalang lumabas at hahayaan nalang ang sarili ko na tapusin ang lahat.

Nakakadismaya ang sarili ko, taliwas ang lahat ng nararamdaman ko sa video na pinakita ng social media.

Halata sa galaw ko na parang ginusto ko talaga ang nangyare pero bakit ito ang nararamdaman ko?

Bakit pakiramdam ko ay tama naman lahat ng kutob ko, tangina! Bakit ba nangyayare sa akin 'to?

Kinatok mg malakas ni mama ang pinto na dahilan para suminghap ako, pinunasan ko ang mga luhang tumulo sa aking pisngi at pinag-sumikapan na tumayo para pag-buksan ng kwarto si mama.

Ilang araw na akong walang kain at ilang araw na rin akong wala sa diwa ko, pagod na ang katawan ko maging ang mga mata ko na walang tigil sa pag-iyak.

I sighed and held the doorknob tightly, nakakahiya na kailangan ko pang lumabas at bigyan ng kahihiyan ang pamilya ko. Mas mabuti nalang atang manatili ako sa kwarto ko at umiyak nalang.

Binuksan ko ang pinto na dahilan para saglitang magulat si mama, walang-gana ko itong tiningnan na para bang wala na akong balak sa buhay ko maging sa sanggol na nasa sinapupunan ko.

Ang sama ko ba para maranasan ko ito?

Ang sanggol na nasa loob ng sinapupunan ay hindi nararapat na maranasan lahat ng ito pero bakit ako nagagalit?

Bakit ako nagagalit sa sanggol na wala namang kamuang-muang sa mga nangyayare?

Hindi ko ba matanggap na isang rapist ang bumuntis sa akin na dahilan pati ang sanggol na nasa sinapupunan ko ay hindi ko rin matanggap?

"A-Anak, ano bang nangyayare sa'yo? Hindi naman totoo ang kumakalat na video na 'yan e--"

Naputol ang sasabihin ni mama ng nilagpasan ko lang siya at dumiretso sa hapag-kainan para sundin nalang siya na kumain ako.

Tahimik lang ako at walang-gana na umupo sa upuan, nanginginig ang kamay ko na kinuha ang sandok ng kanin na halatang ilang araw na akong walang-gana at walang kain.

Ruling The Senator's Son (High Class Issue Series #2)Where stories live. Discover now