CHAPTER 38: Seraph's Destruction

302 39 0
                                    

Kye's POV

"Anong klaseng nilalang naman 'to?" Bulong ko sa aking sarili habang nakatingala sa itaas at tinititigang mabuti ang isang bagay na sumulpot nalang bigla sa gitna ng digmaan.

Dahil dito, nagbago ang kulay ng paligid at naging dahilan din para mapatigil ang lahat sa paglalabanan.

Gayon pa man, hindi ko makita ang kabuuan niyang anyo, dahil sa mga nakaharang na dahon at malayo niyang pwesto mula sa amin. Hindi ko siya mamukaan, tanging tatlong pares na kulay itim na pakpak at ang munting liwanag na pula sa kanyang katawan ang aking natatanaw.

Isa pa, sinusubukan ko ding basahin ang kanyang stat nang sa gayon ay malaman ko ang kanyang katauhan at kung anong klaseng anghel ang nilalang na iyan. Ang kaso... kagaya lang din ng nasabi ko, masyadong malayo at mataas ang kinalulugaran niya kaya hindi maabot ng aking skill.

Sa nilalang na ito, masama ang kutob ko sa mangyayari. Mukhang may masahol itong kayang gawin. Kailangan namin magingat.

Habang pinagmamasdan ito sa himpapawid, bigla itong gumalaw at agad na sumugod paibaba patungo sa pwesto ng ilan sa mga kasama ko dito sa ibaba, mga kaaway o kakampi.

"Ahhhh!!!"

"Tulong!!"

"Ack~ Ack~"

"Arggg..."

Sa ilang segundo lang na nakalipas, narinig ko kaagad ang ang hiyawan at daing ng ilang mga kaaway at sawada sa aking likuran.

Nagulat ako at nakaramdam ng pangingilabot sa aking katawan. Hindi ako basta nakatingin sa mga naghihiyawang tao, hindi ko man lang nakita kung napaslang ang mga ito o kung paano umatake ng gano'n kabilis, bagkus ay napatigil lang ako at nanigas at nanlamig na parang isang yelo sa aking pwesto.

Bihira ko maramdam ang ganito, nangyayari lang sa akin ito sa t'wing nakakaramdam ako ng matinding pagkatakot at pagkasindak sa mga nangyayari.

Kasabay nu'n, ramdam ko din ang pangingilig ng aking katawan at malakas na pagkabog ng aking dibdib. Senyales ito na binabalot na ng takot ang aking isip at ng aking katawan.

Dito na kaya tayo matatapos...

Hindi, kailangan kong tatagan ang aking loob, hindi ko kailangang mapdala sa takot. Takot lang ang kalaban sa mundong ito.

Huminga ako ng malim at dahan-dahang humarap sa lugar na pingyarihan ng patayan at kung saan nandoroon ang halimaw na tumapos sa ilan sa aming mga kaaway at kapanalig.

Nasilayan ko ang isang nilalang na masisiguro kong lalaki na matangkad at nakatalikod habang nakatayo sa harap ng mga yumao.

Nakatalikod ito sa amin at hindi ko mamukaan kung sino, nakikita ko lamang ay ang naglalakihan at nagagandang mga pakpak sa kanyang likod.

<Appraisal skill>

------------------------------------------------------

Name: Lord Kaz'rel ‹Lv. ???›

Age: 18

Gender: Male

Race: Infernal Seraph

Job: Void Creator

HP: -

MP: -

Affinity: [Shadow][Light][Fire]

Title: Heir of the immortal seeds

------------------------------------------------------

Kaz'rel? Sinaunang pangalan. Hindi pangkaraniwan ang halimaw na 'to. Ang mga ganitong klaseng pangalan ay ginagamit pa bago maganap ang Sacred war sa daigdig at hindi na kadalasang ginagamit ngayon. Ngunit ang kaniyang edad ay kagaya lang ng sa akin, kaya hindi ko masabi na isa pa siyang sinaunang nilalang.

Reincarnated as a Beast TamerWhere stories live. Discover now