CHAPTER 32: Bad Luck

365 43 1
                                    

Kael's POV

Swadia Continent, Sawada Village.

Isang gabi at maghapon na ang nakakalipas mula nang pumunta kami dito. Isang araw pa lang ang tinatagal namin pero madali namin natututunan ang tradisyonal na pamumuhay sa tribong ito.

Kahapon lang itinuro sa aming lima ang sisitema kung paano mabuhay sa ganitong klaseng estado, kagaya ng panghuhuli ng isda sa lawa gamit ang sima o 'yong bagay na hugis paso na nilala gamit ang isang organikong materyal. Hindi pangkaraniwan ang mabuhay dito lalo na sa mga hindi sanay. Walang tindahan na pwedeng bilhan nalang basta ng makakakin o maiinom, ang lahat ay dapat pagtrabahuhan.

Kaya kaming lima nagtutulong-tulong upang mabuhay at makatagal bago matapos ang aming misyon. Inakala ko din na sa pagpunta namin dito, mala-prinsesa at mala-prinsepe ang magiging pakitungo nila sa amin, ngunit nagkamali ako. Pero ayos na din ang ganito, 'di na masama, hindi pa kami nakakaabala sa tribo at ang mahalaga natututo kami na mabuhay at tumayo sa sariling paa. Ako, medyo may kasanayan na, ewan nalang dito sa mga kasama ko.

Ilang minuto na din akong gising at kamumulat ko lang kani-kanina pero hanggang ngayon nakahiga pa din ako sa isang papag habang nakatingala sa kisame na gawa sa dahon at nakaunan sa dalawa kong palad. Nasa paanan ko si Maria at mahimbing na natutulog.

Solo ko ang isang papag dito, ang maganda pa sa kwartong ito bukod sa maaliwalas at preskong pagpahingahan, tigiisa kami ng hinihigaan sa loob ng isang silid. Magkakasama kaming lima dito, hindi kagaya noong nasa Dyfyr kami na kami lang ni Kye ang magkasama.

At isa pa, nakakausap na namin ang isa't isa at mas lalo pa namin nakikila ang mga sarili namin. Ngayon... pati ang mga babae sa squad nakakasalamuha ko at hindi na lang si Kye.

Madaling araw pa lang kaya nagtataka ako kung bakit ang aga ko magising. Dapat nga mas mahimbing pa ang tulog ko kasi ilang gabi na akong puyat at walang mahabang tulog, kaya hindi ko maintindihan. Nang magising ako sinubukan ko muling matulog pero hindi na talaga, talagang wala ng pagod ang mata ko para magpahinga pa, siguro dahil nasasanay na. Sabagay, hindi naman ito ang unang beses na naranasan ko ito, kaya 'di ko na siguro ito kailangan pang pagtakahan.

Dahil madaling araw pa, pakiramdam ko ako pa lang gising sa'ming lima. Naririnig ko pa nga ang mahinang hilik ni Kye malapit lang sa'kin. Mukhang napapasarap pa siya ng tulog.

Hay wala naman akong gagawin sa ngayon... kundi magisip nalang dito at umitig sa kisame. Problema talaga ang gan'to 'pag maagang nagigising tapos wala namang kailangang pagkaabalahan.

Bumangon ako pagkatapos ay inunat ko ang aking mga braso at mabagal na pinaikot ang aking balikat. Kagaya din ng nakasanayan ko, hindi ko talaga maiwasang ang guluhin ang aking buhok tuwing bagong gising.

"Makapagpahangin nalang kaya sa labas." Bulong ko sa'king sarili. "Puntahan ko na rin si Scub."

Tumayo ako saka kinuha ang itim kong suit na nakasabit malapit lang hinihigaan ko na parati kong hinuhubad tuwing matutulog ako sa isang komportableng lugar. Pangibabaw ko lang naman ito sa kulay abo kong t-shirt para hindi ako magmukhang pangit o dugyot tingnan. Pamporma na rin, gano'n.

Habang isinusuot ko ito napansin kong wala na ang isa sa mga squadmates ko. Bakante ang isang higaan at medyo magulo ang kumot. Akala ko pa naman nauna na akong nagising, pero mabuti na din at may kasama na ako ngayon.

Tulog pa si Eurie... nahilik si Kye, pero sino itong nakatalukbong pa, hindi ako sigurado kung Vella o Nathalia ito at hindi ko matandaan kagabi kung sino sa kanila ang nakapwesto d'yan. Bahala na kung sino s'ya basta ayaw kong istorbohin ang pagtulog ng tao. Malamang nasa labas lang ang isa sa mga kagrupo ko, kaibigan na din...

Reincarnated as a Beast TamerWhere stories live. Discover now