CHAPTER 42: Plan?

284 42 7
                                    

Night before Kael's Awakening

Kye's POV

Swadia Continent, Cliff of Sardom.

"Bakit kinailangan pa ba na natin magtago kina haring Luhar?" Tanong ni Vella sa'kin.

"Para walang mapahamak sa'tin." seryoso kong sagot.

Dito na kami inabot ng gabi sa gitna ng kagubatan kung saan masisiguro kong ligtas, malayo sa tribo at wala ng mga halimaw na nakatira na pwedeng umatake sa'min. Dito na rin kami magpapalipas ng magdamag habang hinihintay si Kael na magising. May buhay na siya, ang kaso lang wala pa talaga siyang malay.

Nanggawa lang kami ng apoy para may panlaban kami sa lamig at liwanag sa madilim na gubat na 'to. Huni ng mga kuliglig at mahinang paglagablab ng apoy lamang ang maririnig liban sa usapan naming apat.

"Marahil hindi n'yo kilala si haring Luhar. Sakaling malaman n'ya ang nangyari kaninang umaga, hindi na siya magdadalawang isip upang tugusin tayo, lalo na si Kael... na tiyak ay pagkakainteresan niya ng lubus." Dagdag ko sa aking sinabi.

"Gusto ko sana pansamantala muna tayong lumayo sa kanila upang mapangalagaan ang mga sarili natin at ilihim muna natin kay Kael kung anong nangyari sa kanya. Pwede ba 'yon?"

"Sangayon ako." Sagot ni Eurie matapos ang ilang minuto matapos ko magsalita.

"Ako din." Ani Vella.

Dahil hindi masyado nagsasalita si Nathalia tumango nalang siya upang sabihin na sangayon din siya sa aking suhestiyon.

Hanggang ngayon, iniisip ko kung paano biglang naging makapangyarihan si Kael kaninang umaga. Wala akong katiyakang sagot kung paano n'ya nakuha ang gano'ng kalaseng kakayanan.

Pero subukan ko rin kayang tanungin ang mga kasama ko baka alam nila o may ideya sila kung ano at sino ang Kaz'rel na 'yon.

"Eurie, alam kong matagal mo nang nakilala si Kael. Noong una ba may napapansin ka ng kakaiba sa kanya?" Tanong ko dito.

"Wala naman, simple lang siyang tao. Normal lang siyang kumikilos at wala akong nakikitang kakaiba sa kanya. Kung meron man ay 'yung kakayanan n'ya magpaamo ng beast at alam kong napapansin n'yo din 'yon." Sambit ni Eurie.

"Tama siya, lalo't malalakas ang hawak niya. Sa pagkakaalam ko kinakailangan ng matagalang pagaaral at pagsasanay upang magawa iyon." Sangayon ni Vella.

"Umm..." Dinig kong boses ni Nathalia. Mukhang may gusto siyang sabihin.

"Ano 'yun Nathalia, sige lang 'wag kang mahiya magsalita." Wika ko.

"Um. Tungkol sa nakita kong pangalan niya, may ideya ako kung sino 'yon." Aniya.

"Ba't mo 'di agad sinabi, sige tuloy mo ang kwento." Interesado kong wika.

"Kung 'di ako nagkakamali, ang pangalang Kaz'rel ay ngalan ng anak ng dalawang guardian na sina Arthinem at As'wrat, ayon sa mito. Pero matagal na panahon na iyon at sa pagkakaalam ko napaslang na ang sanggol nila na sinasabing magdadala ng trahedya sa mundo..."

"...Kaya posible na sumapi lang ito kay Kael at kaya nawala lang din ito bigla. Pero hindi tayo dapat maging kampante..."

"...dahil maaring buhay pa ang Kaz'rel na ito ngayon. May naganap noon sa Castean na may katagalan na, kung saan may isang mandirigmang kinakailangang pumatay libo-libong tao kapalit ng buhay ng nasabing bata." Hayag niya sa'min.

"Paano kung si Kael ang tinutukoy mong sanggol?" Tanong ni Vella. "Tayo ba ang papaslang sa kanya?"

"Huwag kayo magsalita ng ganyan, isa pa wala tayong kasiguraduhan kung siya nga 'yun." Wika ko.

Reincarnated as a Beast TamerWhere stories live. Discover now