CHAPTER 31: The Pirate's Treasure

394 50 3
                                    

Lass's POV

Avadean Ocean, Davenport's Pirate Ship.

"Argggg…"

"ARRGGGG…

"ARRRRGGGGGG..!"

Para talagang naligaw na hayop ang mga tao dito. Walang ibang ginawa kundi magpalakasan ng boses o 'di kaya'y magaway sa barkong ito. Hay… buhay pirata, ano pa bang magagawa ko kundi hayaan nalang silang gawin ang gusto nila.

Magtalo maghapon, magsugal o uminom ng alak, kahit na gano'n inaamin ko pa rin na nagagawa ko din ito minsan, ito lang naman ang tanging paraan para malibang kami lalo na't limitado ang pagkakaabalahan dito sa barko at walang makitang kahit ano sa paligid liban sa dagat at kalangitan o kung minsan ilang mga bundok sa isla mula sa malalayong bahagi.

Sa ilang taon ko dito sa barko, dito na ako lumaki at nagkagulang kaya nagkakapagsawa na din panoorin ang mga alon sa karagatan o ang mga nilalang dito na minsan-minsan ding magpakita sa tuwing umaahon sila mula sa ilalim ng tubig.

Talagang nakakainip lalo na't wala dito si Kael na kahamagan ko lagi. Nakakatawa man pero nangungulila na talaga ako sa kanya. Nakakainip din pala 'pag wala dito ang gagong yun, walang nangungulit o makaaway ako minsan.

Magisa akong nakatayo sa dulo ng barko kung saan nakatanaw sa direksyong tinatatak ng sasakyan na magisang umaandar sanhi ng ihip ng hangin pakanluran, medyo mabagal nga lang dahil hindi gano'n kalakas ang dinudulot nito.

Kung ganito palagi ang hangin aabutin pa ako ng higit sa isang linggo bago makarating sa Yeriah. Isa pa, kailangan ko na agad mahanap si Kael upang maitago sa siya mga taong magtatangka ng masama sa kaniyang buhay. Natatakot ako na baka sa muli naming pagtatagpo bangkay nalang niya ang aking makita.

Magpahanggang ngayon hindi pa rin ako naniniwala na siya ang lulupil sa mundong ito. Pero kung s'ya man… handa pa rin akong iligtas ang buhay niya kahit Diyos pa ang tumutol. Siya ang pinakainiingat-ingatang kong kayamanan at hindi ko hahayaang may mangyaring masama dito, mawala o mabago.

Kahit na wala akong kasiguradohan sa mangyayari sa kanya, aasa pa rin ako na hindi masamang tao ang kaibigan ko. Kung tama naman ang nakasaad sa propesiya, mapipigilan ko siya gamit ang pagkakaibigan namin at hindi ang kamatayan niya…

"Kapitan? Kanina ka pa d'yan. May problema po ba?" Dinig kong tanong ng isang lalaki sa'king likod.

Humarap ako upang tingnan kung sino ang piratang ito. Si Edgar lang pala, ang kanang kamay ko sa ngayon.

"Wala naman, tinitingnan ko lang ang paligid kung meron tayong islang madadaanan." Sambit ko. "Pwede ba ako humingi ng pabor?"

"Aba oo naman kapitan, kahit ano." Sagot niya.

"Maiwan ka muna dito, bantayan mo ang mga kasama natin, kung magkaroon ng away, ikaw na bahala umawat. May importante lang akong gagawin sa kwarto. Maasahan ba kita?" Saad ko sa kanya.

"P-pero kapitan–"

"Sige na mauna na ako. Ikaw na muna bahala."

Agad akong umalis sa kinatatayuan ko at naglakad upang makarating sa aking silid. Sa katunayan, ayaw ko lang talaga na may makaistorbo sa akin ngayon. Gusto ko muna mapagisa at magnilay-nilay sa nangyayari.

Nang makarating na ako sa aking silid, dagli kong binuksan ang pinto at laking gulat ko nang makita ang baliw na matandang nakasalamuha ko sa Castean. Kasasabi ko lang gusto kong munang mapagisa. Pero papaano ito nakapasok dito?

Agad akong pumasok sa kwarto kasabay ng pagkandado ko sa pinto nito upang masigurong wala sa aming makakakita o makakarinig. Pero sino ba talaga ito?

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon