CHAPTER 26: The Second Form

549 59 0
                                    

Eurie's POV

Swadia Continent, Dyfyr Kingdom Palace.

"Hoy ate Eurie, tiningan ko na yung silid nila pero wala pang tao ang naroroon." Wika ni Vella mula sa pintuan ng aming silid.

"Sige Vella, salamat matulog ka na." Sambit ko sa kanya. Nakasimangot siyang pumunta sa kanyang higaan at doon umupo. Kamusta na kaya sina Kael at Kye, ang lalim na ng gabi 'di pa din sila bumabalik.

Nasa isang silid kami ng palasyo kung saan dito tumutuloy ang mga nagsasanay sa Divine Blade Alliance, isang squad kada isang kwarto. Kahit na nasa iisang kwarto kami, hiwalay pa din ang tinutulugan ng babae sa lalaki. Ang kwartong ito o mas tinatawag na Kyelid's Squad Chamber ay nahahati sa tatlong bahagi kung saan may dalwang kwarto at isang kusina.

Sa ngayon, sa kinatatayuan kong silid kasama ko sina Vella at Nathalia. May tigiisa kaming kamang hinihigaan, ako ang nasa gitna, sa kanan si Nathalia at kaliwa si Vella.

"Ate Eurie? Nobyo mo ba yung lalaking squadmate natin na parating may dalang pusa?" Tanong ni Vella. A-anong pinagsasabi nito, syempre hindi, dahil ba 'to sa madalas naming pagsasama. Nakakagulat lang… kaya umiling nalang ako sa kanya para sabihing hindi.

"Kung gano'n ano mo siya?" Pahabol niyang tanong.

"Kaibigan." Sagot ko. "Ikaw kung ano-ano pinagsasabi mo, mabuti pa matulog ka na..."

-

Kael's POV

Yeriah Continent, Pharaogohous Island.

*Creeeakkk… bushhh…*

"Woahh… P-paano mo nagawa yun… astig!" Masaya kong papuri. Ang cool naman ni Kye, nakakamanga yung pinamalas niyang skill. 'Di ko inaasahang kakayanin niyang patumbahin ang isang puno na may makakapal na ugat gamit lang ang isang napakalakas na sipa.

"Simpleng attack lang yun, masyado ka namang manghang-mangha." Pagyayabang ni Kye. "Tapos na 'ko, ikaw na ulit."

Dahil sa wala kaming maggawa at mapagusapan sa islang ito. Napagkasunduan naming ipakita ang kanya-kanya naming skills sa isa't isa, nang sa gayon naman'y malibang kami at malaman ang kakayanan namin sa pakikipaglaban.

Inabot na kami ng gabi dito, sa gitna ng nagkakapalang puno gumawa na kami ng apoy upang maging ilaw namin sapagkat dito na kami magpaparaos ng gabi at babalik nalang sa Dyfyr bago magliwanag.

Sa tingin ko sobrang lalim na ng gabi at hindi ko na 'to namamalayan dahil sa saya. Pakiramdam ko tuloy 'di na kami makakatulog ngayon. Bagsak siguro kami nito bukas, sana walang maging training.

Lumapit siyang muli sa'kin at hinintay panoorin ang gagawin kong move. "Ano na?" Saad niya habang umuupo sa malapad na bato. Kaharap ko siya at pumapagit sa'min ang apoy na ginawa namin.

"Sandali lang, umupo ka lang d'yan at abangan mo ang gagawin ko." Masubukan ko kayang i-tame ang lalaking ito, kahit hindi siya monster susubukan ko lang baka pati sa tao gumana. Ngayon ko lang ito gagawin.

<Soul Break>

"Hm?" Pagtataka niya matapos marinig ang aking binigkas.

Tinitigan ko ang mga mata niya at kagaya ng nangyayari sa tuwing ginagawa ko 'to, lumitaw din sa kanya ang maitim na pulang aura sa buong katawan niya. Uy… mukang gumagana.

Kung sakaling gumana ito, ano kayang magandang gawin sa kanya. Ano kayang mangyayari.

"Hoy Kye!" Sambit ko sa aking isip.

"Ano 'to Kael! Ba't nariring ko yung boses mo sa utak ko." Aniya gamit ang kanyang bibig. Napakabano naman nito, ngayon lang ba siya nakaranas ng telepathy communication. Nakakatawa yung reaksyon niya.

Reincarnated as a Beast TamerWhere stories live. Discover now