CHAPTER 62: Sky Guardian

198 25 2
                                    

Kael's POV

Redthiem Continent, Ionia, The Temple Bridge

Oo nga pala, 'yung kahon na dala ni Kye. Kailangang madala 'yon sa templo. Ang problema hindi ko siya matanawan… Nasa'n na ba siya?

Wahhh… 'di ako makalipad ng maayos, pero pipilitin ko. Nagagawa ko naman ang kaso, mahirap lang talaga gawa't may galos ang aking pakpak.

Pilit ko pa ring ipinapagaspas ang aking mga pakpak upang manatili ako sa pagangat dito sa himpapawid. Nahulog na si Maria kaya nabawasan ang bigat na dala ko subalit nagpatong-patong naman ang mga intindihin at hindi ko alam kung ano ang aking uunahin.

"Wackk! Wackkk!" Patuloy sa pagiingay ang mga bloop-bloop crow at sa napapansin ko balak lang talaga nilang paalisin kami. Tingay nila ang isa sa mga kasama ko na si Vella, pagkatapos pinatid nila ang tali sa tulay na siyang naging sanhi ng aming pagkahulog.

"Ahhh… tulong!"

"Kael! Saklolo."

Narinig ko ang magkasunod na sigaw nina Nathalia at Eurie kaya agad akong napatingin sa kinaroroonan nila.

Nakakapit sa lubid ang dalawa at siguro hindi nila kakayaning makatagal pa sa paglambitin kung– naisip ko kasi kung magti-tame ako ng mga ibong 'to upang tulungan kami at ipaliwanag ko ang aming pakay… possibleng matagalan ako hanggang sa mangawit na ang dalawa at mahulog.

Ahh… anooo ba… kailangan ko magisip ng paraan. Napakamakasarili naman ng dating ko kung hindi ko sila tutulungan. Kung malaki lang si Scub may nagawa na ako.

'Di bale na, kakausapin ko nalang 'tong mga ibong 'to… magpaka beast tamer nalang ako siguro

Lumipad ako patungo sa isang bloop-bloop crow kahit na medyo mahirap at mas mabibilis ang lipad nila kumpara sa'kin. Hindi madaling malapitan ang isa sa kanila pero pilit ko pa ring ginawa para matulungan ko ang nangangailangan. Kalamangan ko na nga sa squad ang makalipad, para sa'n pa kung 'di ko 'to gagamitin ng maayos. Isa pa, kaligtasan na nila ang nakataya sa ganitong sitwasyon.

Nang may makaharap na akong isang bloop-bloop crow, sinimulan kong makipagtitigan sa pares ng kanyang naglalakihang mata. Grabe nakakatakot, nanlilisik pa, pero ayos lang, dragon nga napaamo ko. Kaya ko naman 'to.

Pinagtuunan ko muna ng pansin ang aking sarili upang makapagisip-isip ng matino at sinimulan kong magcast ng skill…

<Soul Break>

"Craaaakkkk!" Laking gulat ko nang marinig ang aking sarili na humini lang na parang isang ibon at walang nangyari sa ginawa kong skill. Ba't gano'n? Hindi gumana ang aking skill at hindi ko siya magawang makausap. Mali, mali…

Mukhang kailangan ko munang maging tao upang gawin 'yon. Pero pa'no, wala namang lupa dito na maaari kong tapakan. Kung gagawin ko naman 'yon ako naman ang mahuhulog. Ahh… daming kondisyon… bwisit! Kung kailan kailangang-kailangan ko ng oras.

"Wackkk!" Huni ng bloop-bloop crow na kaharap ko na may pagalit na tono. Lagot iba ang dating sa kanya ng huni ko.

"Crakkk!"

Ilang saglit pa'y tinangay niya ako gamit ang kanyang tuka. Hindi na siya nagalinlangan pa na bitawan ako bagkus ay inilipad pa niya ako palayo. Naipit ako sa kanyang bibig at wala akong magawa kundi ang tumitig nalang sa nilalang na 'to. Loko 'tong ibong 'to ah, sa'n naman kaya ako nito dadalhin.

Kailangan ko pa tulugan ang mga kasama ko at makaalis din dito sa magaspang na tuka ng wirdong ibon na tumangay sa'kin.

Sinimulan kong magpupumiglas sa kanya upang subukang makawala ngunit bigo pa rin ako. Ang nangyari, mas lalong diniinan pa niya ang pagkakagat sa'kin dahilan upang maramdaman ko ang talas ng kanyang tuka, masakit at kung gagalaw pa ako sa tingin ko ay magsusugat ang aking katawan.

Reincarnated as a Beast TamerWhere stories live. Discover now