CHAPTER 4.2: The Cat and the Dragon

1.7K 144 3
                                    

Kael's POV

"Ihanda mo na yang pusa at dragon mo." Dugtong ni Lass.

Napangisi ako sa nalaman ko. "Battle? New dungeon? Sa tingin ko magkakaalaman na."

"Ano? pinagsasabi mo?" Tanong niya na may pagtataka.

"Mauuna na ko sa lupa magkita nalang tayo mamaya."

"T-teka sandali"

Dali-dali ako akong nagtungo sa gilid ng barko kasama si Maria.

"SCUB!!" Sigaw ko mula rito sa barko. Konting segundo lang ang nakalipas bumugad mula sa himpapawid ang isang kulay itim na nilalang na may nagbabagang pakpak, pulang mga mata at matitigas na balat na parang isang kalasag, at oo, he is Scub, my dragon.

Agad akong tumalon sa barko. Syempre may tiwala ako kay Scub kaya naman agad itong nagtungo sa babagsakan ko dahilan para masalo kami ni Maria.

"Good boy Scub." Papuri ko habang inililipad kami nito sa ere. Hayyy ang saya naman maging Beast Tamer buti nalang ito naging job ko.

"Ano Lass mauna na ko, magkakaalaman nalang kung sinong mahina" mayabang kong saad habang tumatawa.

"K-Kael bumalik ka ditong gago ka, napakayabang mo humanda ka sakin mamaya." Pikon nitong sambit.

Lumapit si Scub kay Lass at bahagyang binugahan ng kaunting apoy.

"Aray!" Daing ni Lass

"HAHAHAHAHAHA... Nice one." Masaya kong saad. Napakakulit mo talaga Scub, parang nung di pa kita napapaamo napakabagsik mo samin at halos patayin mo kami ni Lass.

•••

Swadia Continent, Vinking's Isle

Naalala ko anim na taon na ang nakakaraan, nahuli kami ni Lass ng mga Vikings malapit sa Dragon's Isle na nasa kanlurang bahagi ng Avadean Ocean.

Sampung taon lang kaming dalawa nun nang ikulong kami ng 3 vikings sa kweba at doon iginapos. Sinubukan naming manlaban pero di namin makayanan yung lakas niya.

"Dyan kayo nababagay. Gusto nyo pa kaming nakawan ha. Dapat sa inyo pinapakain sa Dragon." Pananakot nito habang inilalagay ang aming kamay sa posas na gawa sa bakal.

Matapos niya magawa ang pagpoposas samin ay agad itong umalis at nagtungo sa labas ng kweba.

"Kung alam ko lang sana na ganto mangyayari, hindi na sana kita sinama sa pagkuha ng treasure chest nila. Wala ka sana dito ngayon." Malungkot na paliwanag ni Lass.

"Drama mo, ayos lang yun. Magkaibigan tayo diba, magkasama sa oras ng-"

"Problema" dugtong niya na pareho naming ikinangiti.

"Magtiwala ka lang makakalis tayo dito, kailangan mo lang magintay." Mahinahon kong saad at upang lumakas ang loob niya.

"Bobo ka ba? Eh Sino naman tutulong satin dito gayong tayo lang naman ang tao sa loob."

"Andito na siya"

Dumating si Maria na nasa mabangis nitong anyo at agad na lumapit samin para alisin ang aming pagkakaposas gamit ang kanyang kuko.

"Mabuti nasundan mo kami." Hinaplos ko ang buhok niya at agad na sumakay kami ni Lass sa likuran nya.

"Kael umalis na tayo" seryosong utos ni Lass

Bago pa tumakbo si Maria, isang apoy na nanggaling mula sa pinakailalim ng kweba ang bumungad samin.

"Ilag!"

Reincarnated as a Beast TamerWhere stories live. Discover now