CHAPTER 47: Naughty Priestess

227 37 1
                                    


Lass's POV

Avadean Ocean, Davenport's Pirate Ship.

Katanghalian na naman... pero may kulimlim na nagbabadya sa kalangitan, gano'n pa rin, patuloy ang pangagasiwa ko rito sa barko bilang kapitan, ang namumuno... at nagsasaayos ng ikikilos ng aking mga tao.

Liban sa hampas ng alon, ingay at sigawan ng mga nagsusugal na pirata ang bumabalot sa barko. Wala talagang kapayapang maririnig dito, liban nalang kung maaga kang magigising. Doon mo lang malalasap ang katahimikang hinahangad mo rito sa sasakyan.

Karaniwan kasing hindi na inaabutan ng umaga kung magising ang mga tao rito dahil sa pagkakalasing magdamag. Kahit sino naman tutumba kung buong gabi kang iinom ng alak kahit gaano pa katibay sikmura mo. 'Yun nga lang depende na sa tao kung kailan mawawala ang bisa nito sa katawan, kung mas sanay ka, mas madali.

Gayon pa man, wala akong pake sa ginagawa nila. Mas aabalahin ko pa ang pagmamasid sa paligid gamit ang aking teleskopyo na siyang aking ginagawa, tingnan ang karagatang dinadaanan namin. Sinisiyasat ko itong mabuti, kung ano ang madadaanan namin o kung may makakasalubong na ibang pangkat.

At dahil sinuswerte nga naman, isang isla ang natanawan ko sa kalayuan. May pagkakataon talaga na makakatagpo ka ng ganito bago pa abutan ng masamang panahon sa laot. Mabuti naman may tatambayan kami at hindi magiging gahol ang aming paglalayag sakaling tambangan kami ng malalaking alon.

"Ang layag, ang layag paikotin sa direksyong 'yon." Utos ko sa kung sino mang piratang malapit sa'kin habang tinuturo ko kinaroroon ng isla. Mababait naman 'tong mga tao ko rito, sa bawat utos ko ay agad naman nilang sinusunod.

Pero pakiramdam ko walang nakakarinig sa'kin. Ibinababa ko ang teleskopyo at tiningnan ang paligid.

...

Napagtanto ko na mukha pala akong tanga na nagsasalita magisa. Nilisan ko ang kinroroonan ng manebela na kung saan doon ako nakapirme, muli akong sumigaw at nagutos sa mga tao ko na abala sa paglalaro ng baraha.

"Ayusin n'yo yung layag! May isla roon!"

"Kapitan! Kapitan! May problema tayo sa barko, naroroon sa baba." Mabilis na ulat ng isa kong tao. Agad kong pinakinggan ang kaniyang sinabi at nagtungo rin doon habang sinusundan siya.

"Kanina pa may tubig na pumapasok sa loob, hindi namin matukoy kung saan nanggagaling butas kaya hindi namin matakapan o maayos." Hayag niya habang kami'y naglalakad.

"Mataas na ba ang tubig?" Tanong ko.

"Hindi pa naman, pero alanganin tayo." Aniya.

Matapos ang mabilis naming paglalakad bumaba kami sa hagdan na kung saan naroroon ang kwartong pinaglalagyan ng mga sagwan, barrels at ilang mga gintong nakolekta namin noon pa. Sa katunayan, ito ang pinakailalim na silid ng sinasakyan namin.

Nakita ko ang tinutukoy niyang problema, napakaliit na bagay lang pala. Nakita ko lang ang abot binting tubig at dalawa pang pirata na naghahanap sa wala at namomroblema tubig na 'to. Mga praning!

"Walang butas ang barko, 'wala kayong ipapangamba!" Wika ko. "Linisin n'yo lang ito at itapon ang tubig palabas."

"Paano mo nasabing walang butas!" Ani ng isa sa kanila.

"Hindi naman ako mangmang magsabi. Subukan mong 'wag gumalaw, walang malakas na alon o pressure ng tubig na nagmumula sa ilalim. Konting isip lang ginamit ko. Kaya sige na linisin n'yo na 'yan."

"Sabi ko sa'yo, walang butas dito. Ang bobo mo talaga." Pabirong sambit ng isa pang pirata sa pinagsabihan ko.

Nagasaran pa ang mga mokong...

Reincarnated as a Beast TamerWhere stories live. Discover now