CHAPTER 46: Preparation (Journey to Redthiem)

245 33 4
                                    

Lukas' POV

Swadia Continent, Sawada Tribe.

"Prinsepe Lukas! Wala kaming natagpuang grupo ng kabataan dito sa tribo, tanging mga Sawada lang ang mga nakita namin subalit may bangkay ng mga kalaban at ilang mga sawada." Ulat sa'kin ng isang kawal.

"Anong sabi ng mga sawada, nakausap n'yo ba na sila?" Tanong ko rito.

"Patawad, pero hindi namin magkausap ang mga ito, mga halimaw sila at huni lang nila ang kanilang ginagamit. Isa pa wala tayong kasamang elf na pwedeng umintindi ng sinasabi nila."

"Salamat sa ulat, magmanman pa kayo sa paligid, sigurado akong hindi pa sila nakakalayo. Kung kinakailangang makarating tayo sa iba pang lugar gagawin natin mahanap lang ang grupo nila Kye." Hayag ko sa kanya at matapos kong sabihin ito ay agad itong tumango at umalis upang ipabatid din sa iba ang aking sinabi.

May katanghaliaan na at halos dalawang oras na kaming naghahanap sa mga paslit na 'yon.

Gayon pa man, pinagmasdan ko ang mga bangkay na naiwan sa lugar na 'to at ang naging resulta matapos ang labanan.

Sa una palang, nakakapagduda na magagawa ng mga batang 'yon ang maghati ng katawan at ulo ng tao. Sa natatandaan ko, inutos ko lang sa kanila na tanggalan ng malay pagkatapos igapos ang lahat ng naririto, pero kung sakaling magkagipitan at mahantong na ang buhay nila sa panganib ay huwag na silang magdalawang isip na paslangin din ang kalaban.

Magbalik ako sa aking sinabi, ang paraan ng pagkakapatay ng mga yumao. Nahati ang kanilang katawan maging ang kanilang ulo. Hindi ito kayang gawin ng isang pangkaraniwang Fighter, Beast Tamer, Archer, Gunslinger o Alchemist. Wala sa kanila ang humahawak ng malalaking espada kaya naiisip ko na baka totoo ang sinabi ng amang hari na isa sa kanila ang nagtataglay ng pambihirang lakas.

Isa pa, medyo wasak na ang kagubatan, may ilang punong nakatumba at ang ilan ay walang ng dahon. Wala sa kanilang lima ang may kayang magwasak dito liban nalang sa kasakasama nilang dragon.

Isa lang ang naiisip ko na may kagagawan ng lahat ng ito. Ang lalaking may itim na buhok at pulang mata sa grupo ni Kye. Si Griffinscar, kung 'di ako nagkakamali.

Oo nga pala, tutal nabanggit ko siya, may bigla lang akong naalala.

"Diego, muntik ko na makalimutan. Kamusta ang paghahanap sa magulang ng ni Kael, may balita ba?" Seryoso kong tanong sa kawal na malapit lang sa'kin. Isa siya sa namamahala sa inatang kong misyon sa paghahanap ng mga magulang ni Griffinscar.

"Tuloy pa rin ang paghahanap at wala pang balita ukol ro'n."

"Gano'n ba, sige ipagpatuloy n'yo lang ang paghahanap."

"Masusunod mahal na prinsipe." Aniya.

Tumango ako at kasabay no'n ay ang pagbalik niya sa kanilang ginagawa, ang magbantay at magpasunod-sunod sa'kin.

Gayon pa man, gusto kong sabihin na naisahan na naman ako ni Kye, tsk matalinong bata. Pero kayang-kaya ko silang hanapin, 'wag kayong maging kampante, 'di n'yo ako matataguan.

"Walang titigil sa paghahanap! Kailangang makita natin ang limang 'yon at madakip sila ng buhay!" Malakas kong sigaw sa aking mga kawal.

"Nova." Tawag ko sa aking dragon na batid kong nagtatago sa hangin. "Maging ikaw mahal kong alaga, alam kong kilala mo sila, hanapin mo ang limang 'yon at ipagbigay alam mo kung saan sila nagtatago." Bulong ko sa hangin.

Kahit na hindi siya lumilitaw sa'king paningin, naiintindihan at nauunawan niya ang aking sinabi. Batid ko din na sa mga oras na ito, naglalakbay na ang aking dragon sa himpapawid nang hindi nakikita upang gawin ang aking inutos.

Reincarnated as a Beast TamerWhere stories live. Discover now